Thursday, September 1, 2011

LONG LOST LOVE

TEASER

Nagmahal ka na ba ng lubusan pero nagawa mo syang iwanan ng walang paalam dahilan sa naging duwag ka sa isang maling akala?Papaano kung lumipas.ang ilang taon at meron na kayong sari sariling pamilya at muling nagtagpo ang inyong landas?Masasabi mo ba sa puso't isipan mo na sya pa din pala ang tinitibok ng puso mo? At papaano kubg malaman mo na ikaw pa din pala ang mahal nya? Magagawa mo bang gumawa ng isang kasalan na labag sa batas ng isang may asawa?

Ito ang istorya ng buhay ni Darlene Natividad at ni Lawrence Concepcion....Pawang pinilit kalimutan ang nakaraan pero gayunpaman lumipas man ang halos limang taon na walang komunikasyon sa isa't isa....pilit pa din silang pagtatagpuin ng tadhana.


Chapter 1

Ako si Darlene,25 taong gulang.meron akong asawa't anak. Si Quen ang aking asawa,mabait,mapagmahal sa anak namin,kahit na minsan alam ko na nagsasawa na sya sa away bati naming dalawa alam ko naman na mahal na mahal nya kami.Madalas kasi kaming magaway,sa hindi ko maintindihan na dahilan bigla nalang naging maiinitin ang ulo nya.Ang palagi ko nalang sinasabi sa sarili ko ay siguro baka pagod lang sa trabaho kaya kadalasan ako nalang ang umiintindi. Si Andrew naman ang anak ko. Magaanim na taon na sya,napakabait na bata. Pero alam nyo ba na ang batang yan ay galing sa aking nakaraan? Sarili kong asawa hindi alam na hindi nya kadugo ang kinilala nyang anak. Masama na ako kung masama pero may mga bagay na kailangan kong gawin para maprotektahan lang ang anak ko. Kung ano man ang kwento sa aking nakaraan ay yan ang malalaman ninyo....Ito ang kwento ng buhay ko...may parteng masaya, may malungkot pero gayunpaman meron din namang kapupulutan ng aral.

PANGKASALUKUYAN....

Napabalikwas ako sa kama ng makita ko ang alarm clock, "oh my! Nagbrown out pala kagabi,hindi nakaset ang alarm clock." Agad ko namang ginising si Quen..."Honey gising na dali! Malelate ka na sa trabaho! Yung alarm clock kasi eh!"

Napatalon naman sya kama sa sobrang pagmamadali nya. "What? Oh Shiiit!! Bakit? Ano ngyari sa alarm clock?" tanong nya sa akin habang magmamadali sa pagaayos.

Hindi ko na sya nasagot pa at bumaba na ako para pumunta sa kuasina at inayos ko na ang almusal nya.makalipas ang ilang minuto ay bumaba na din sya pero bago ko pa man mampisahan magayos ng almusal....

"Aalis na ako at malelate na ako sa opisina" bungad nya sa akin
"Teka hindi ka muna man lang ba magbebreakfast?"tanong ko naman sa kanya. Pero mukhang talagang malelate na sya kaya naman sabi nya hindi na daw. Bago pa man sya tuluyang nakaalis...

"First day of kindergaten ni Andrew bukas, don't forget ha...pinangako mo sa kanya na ikaw ang maghahatid sa first day ng school nya" muli ko namang pinaalala sa kanya pero mukhang malabo yata.

"Hindi ako pwede tomorrow, I have a board meeting! Ikaw na lang ang maghatid sa kanya,babawi nalang ako. sigeI reall have to go malelate na talaga ako." at tuluyan na syang umalis para pumasok sa trabaho.

Kinagabihan habang inaayos ko ang gamit ni Andrew para sa first day ng school nya ay sya din namang pagsabi ko sa anak ko na ako muna ang maghahatid sa kanya bukas,buti nalang at naintindihan nya.Pagkatapos kong ayusin ang damit na isusuot ni Andrew bukas ay agad ko namang tinignan ang mga papel galing ng school nya. Habang binabasa ko ang nasabing papel laking gulat ko namandahil sa aking nabasa.

"Mr. Lawrence Concepcion-kindergarten teacher" Biglang nanlamig ang buong katawan ko,hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sya nga kaya ang taong matagal ko ng binaon sa limot? Sana hindi sya ang taong iniisip ko..

Chapter 2

KINABUKASAN....

Nagising ako ng maaga para ayusin ang baon ni Andrew sa school at ang almusal ng mag-ama ko. Pilit ko mang hindi isipin, pero aminado ako na kabado ako sa kung sino ang makikita ko sa loob ng klase ni Andrew. Hindi ko alam pero malakas talaga ang kaba ng dibdib ko. Makalipas ang halos 30 minutos ay ginising ko na din ang dalawa. Ok na sana kahit papaano ang umaga ko kahit may halong kaba kaso ayun, nagaway na naman kaming mag-asawa.

"Anong oras ka nga pala nakauwi kagabi?" tanong ko sa kanya.

"Mgaalas dose na din siguro yun. Bakit mo natanong?"

"Wala lang hinintay kasi kitang makauwi eh kaso naman nakatulog ako.Saan ka ba nagpuna kasi? Ni hindi ka man lang tumawag, or nagtext! Nagaalala ako sa iyokagabi eh" mahinahong sabi ko naman.

At laking gulat ko nalang bigla syang nagtaas ng boses sa akin. "Eh bakit sino ba kasi nagsabi sayo na hintayin ako? Nagkayayaan ang mga officemates ko na maginuman kaya nalate ako ng uwi."

"Inuman?Eh akala ko ba may importante kang board meeting ngayon?Eh bakit nakipaginuman ka?"tanong ko ulit sa kanya.

At eto nga, nagsimula nanaman ang bangayan naming magasawa. "eh bakit kaba nakikielam?Umuwi naman ako diba?Nagising naman ako sa tamang oras diba?Mukha ba akong may hang over? Hindi naman diba?Hay naku! Ang aga-aga eh,makaalis na nga!" At tuluyan na ngang umalis si Quen papasok sa trabaho ng hindi man lang nagpapaalam sa aming mag-ina.

Inis man ako pero wala nanaman na akong magagawa dahil nakaalis na din sya, kaya sa halip tinuon ko na lang ang atensyon ko sa aking anak. Matapos ang halos isang oras ay tumuloy na kami sa school nya. Dahil sa kinder pa lang si Andrew ay inihatid ko na sya sa loob ng classroom nya, pero bago pa ko pa man naitapak ang mga paa ko sa classroom ay ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Nasa may pintuan pa lang kami ay narinig ko ang tinig ng isang taong tila pamilyar sa pandinig ko.

Kabado man ako pero kailangan ko pa din syang harapin,kailangan kasing makilala ng mga teacher ang mga magulang ng bawat estudyante. Kaya naman naglakas loob na akong tuluyang pumasok sa loob ng classroom.laking gulat ko sa aking nakita. "Sya nga! Sya nga ang ama ni Andrew, ang lalaking matagal ko ng binaon sa limot."

Chapter 3

Gulat man ako sa aking nakita pero wala na akong magawa.unang kita ko palang sa kanya ay agad naman muling nagtagpo ang aming mga mata. Ano reaksyon nya? Ayun parang nakakita ng multo habang ako naman parang sinakloban ng langit at lupa. Pakiramdam ko tuloy ay napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Dahilan sa maraming tao ay umakto nalang ako na hindi ko sya kilala, kagaya ng ibang mga magulang na naduon ay nagpakilala din ako sa kanya.

"D-darlene?" ang bungad nya sa akin.
"Mrs. Darlene Natividad!" lumingon ako para magmasid sa mga taong nasa paligid ko bago ako muling nagsalita.
"Please wag tayo dito magusap,ayoko ng gulo!" pabulong kong sinabi sa kanya.
"H-Hi Mrs. Natividad! I'm Mr Concepcion, your son's kindergarten teacher." yan ang sinabi nya habang bakas pa din sa mukha nya ang pagkagulat dahilan sa aming muling pagkikita.

Bago pa man ako tuluyang umalis ng klase ni Andrew ay may isinulat ako sa isang pirasong papel at pasimple kong ibinigay kay Lawrence.

"424-1162" Tama lang para malaman nya na iyan ang phone number ko.

Matapos ang klase ay si Quen naman ang nagsundo kay Andrew. Kahit papaano ay magkakaroon ako ng oras para mahintay ang text o ang tawag ni Lawrence.

Makalipas ang sampung minuto ay nakatanggap ako ng isang text message..."Pwede ba tayong magkita?-Lawrence" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sa sobrang pagmamadali ko dahil parating na ang mag-ama ko ay OO ang naisagot ko. Muli nya akong itinext. "Mabuti naman at pumayag ka, magkita tayo sa dati nating tagpuan. Please this time wag mo naman akong biguin.-Lawrence" Wala na akong nagawa kundi tu ugon na lang sa sinabi nya. "Sige magkita tayo mamayang 6 pm" Yun lang ang naitext ko at pinatay ko na din ang telepono ko.

Chapter 4
Lumipas ang ilang oras at naghanda na ako para sa muling pagkikita namin ni Lawrence. Humanap ako ng pagkakataon para kausapin si Quen at sabihin sa kanya na may pupuntahan lang ako. Alam nyo ba yung pakiramdam na mahirap ieksplika?Naalala ko tuloy nung dalaga pa ako at nung mga panahon na itinatago namin ni Lawrence ang aming relasyon sa mga magulang ko. Siguro ang tanging pinakaiba lang ay sa sarili kong asawa ako nagtatago ngayon. Ay ewan! Wala naman akong ginagawang masama eh. Pero alam ko kahit papaano ay pangit pa din tignan dahil sa may asawa akong tao. Pero sa kabilang banda naman ay kahit papaano ay hindi ako nahirapan na magpaalam sa asawa ko. Kasi napakamausisa nung taong yun. Lalo na't naikwento ko sa kanya nuon ang tungkol kay Lawrence. At anong klaseng lalaki si Lawrence. Pero may takot na nananatala sa puso't isipan ko, dahil alam ko mali ang ginawa kong pagsisinungaling kay Quen. Kasi naman iba ang naikwento ko sa kanya. Nung mga panahon kasi na naikwento ko sa kanya ang tungkol kay Lawrence ay mas nangibabaw ang galit ko sa kanya kaya nagawa kong magsinungaling.
Sakto alas sais ng dumating ako sa tagpuan namin ni Lawrence, pagdating ko duon ay nanduon na sya naghihintay sa akin. Nakita ko syang nakaupo sa may bench at ako naman ay nasa likuran nya. Akmang lalapitan ko na sana sya ng bigla syan g magsalita.
"Bakit hindi ka nuon sumipot sa usapan natin? Bakit hindi ka na ulit nagpakita sa akin? Bakit Darlene may nagawa ba akong mali?"Sunod sunod ang taong nya, at bakas sa tono ng kanyang pananalita ang galit sa akin. Hindi ko naman sya masisisi eh. Pero kahit papaano ay may kasalanan din naman kasi sya.
"Kaya nga ako pumayag na makipagkita sayo, siguro panahon na din para magkaroon tayo ng closure." Pagaalinlangan ko namang sago sa kanya.
"Closure? Alam mo bang ilang taon kitang hinanap?Ilang taon din kitang hinintay na bumalik?Walang oras at araw na hindi kita inisip! Iniisip na baka kung napano ka na kaya hindi ka nakasipot sa usapan natin!"
Sa mga katagang binitiwan nya, hindi ko napigilang maiyak. Hindi ko man kayang sabihin sa kanya pero aminado ako na mahal ko pa din sya. Alam ko na napakatagal na panahon na ang nakalipas. Pero siguro totoo nga ang sabi ng iba na "First love never dies".Nagkaroon man ako ng sarili kong pamilya sa piling ng iba ay hindi naman sya naalis sa puso't isipan ko. Ewan ko na lang kung ganun din sya sa akin.Pero alam ko kailangan kong magexplain sa kanya.
"Magpapaliwanag ako Lawrence, I owe that to you!" mangiyakngiyak kong sinabi sa kanya.
"Pwes simulan mo na ngayon, dahil mahaba-haba ang paliwanag na kakailanganin mo!"Pagalit nyang sinabi sa akin.
Chapter 5
"Naalala mo ba nung huling paguusap natin sa telepono at sinabi ko sayong kailangan nating magkita dahil may sasabihin ako sayo,?"
"Naalala? Darlene, fresh pa din sa utak ko ang mga ngyari nuon! "sagot naman nya sa akin.
"Marami akong bagay na gustong sabihin at itanong sayo nung mga panahon na yon, pero naunahan ako ng takot at kaba na baka totoo nga ang nakita ko."maiyak iyak ko pa ding pagsasalita.
"Nakita? Ano naman ang nakita mo?"Pagtataka nyang tanong sa akin at bakas din ang biglaang pagkabahala nya.
"Nung umaga na ng huling paguusap natin, dumaan ako sa inyo para sana kausapin ka, pero hindi ko nagustuhan ang nakita ko. Nakita ko kayo ng best friend mo sa may harapan ng bahay ninyo na may kasamang babae. Maganda sya, maputi, matangos ang ilong, mahaba ang buhok, sexy sya at sa tantsa ko mukhang matagal na kayong magkakilala. Nakatayo ka sa may likuran nya habang akap-akap mo naman sya.Nung nakita ko kayo, umalis na ako kaagad at duon ko ibinuhos ng lubusan ang mga luha ko. HIrap man akong itago ang nararamdaman ko dahil hindi alam ng mga magulang ko ang tungkol sa atin pero kailangan ko pa ding gawin."Paliwanag ko sa kanya.
"Y-Yung babaeng nakita mo, ex ko yun na pinsan ng bestfriend ko na si Aaron."maikling paliwanag nya sa akin.
"Ex? Eh bakit kung makakapit ka sa kanya eh ganun ganun na lang?Hindi ako tanga Lawrence at mas lalong hindi ako bobo para hindi ko malaman na may ugnayan kayo ng babaeng yun. Alam mo isang malaking pagkakamali ang pagpayag ko na makausap ka.Sige aalis na ako."
Akmang aalis na ako ng bigla nya akong yinakap ng mahigpit.
"Please Darlene, wag! Alam mo bang ang tagal ko ng hinintay ang pagkakataon na ito? Ilang taon kitang hinanap, ilang taon akong naghintay!Hindi ako nakapagasawa ng dahil sa kakahintay sa'yo! Darlene please mahal na mahal pa din kita!"maluha nyang sinabi sa akin.
"Wag mong isumbat sa akin ang hindi mo pagaasawa! Hindi ko na kasalanan yun. May asawa't anak na ako Lawrence!Gustuhin ko man pero alam kong mali, ayaw kong magkasala sa sarili kong asawa."
"Anak? Teka hindi ba't magaanim na taon palang ang anak mo? At magaanim na taon nung huli tayong magkita at magkausap. Ako ba ang tunay na ama ni Andrew?"
Biglang namanhid ang buong katawa ko sa itinanong nya sa akin, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, kaya imbes na sagutin ko sya ay naglakad na lang ako papalayo ng bigla naman nya akong hilahin sa may kamay ko at hinalikan.
Wala na akong nagawa, gustuhin ko mang itulak sya papalayo ay hindi ko magawa. Parang tila nanlumo ang buong katawan ko ay hindi ko namalayan na tumutugon na pala ako sa halik nya.

Chapter 6
Katangahan na nga siguro ang ginawa kong pagtugon sa halik nya. Alam kong mali pero sa puso ko ka'y tagal kong hinintay ang muli naming pagkikita. Matapos nun ay tumitig sya sa akin at ngumiti.
"Tama na ang paliwanag, sapat na sa akin na hindi mo man sabihin pero alam kong mahal mo pa din ako."
Magsasalita pa sana ako pero biglang tumunog ang telepono ko.Naku po! Si Quen hinahanap na ako. "Honey, what time are you coming home?" yan ang nabasa ko sa text sa akin ng asawa ko.
Binaling ko naman ulit ang aking pansin kay Lawrence. "Kailangan ko ng umalis, hinahanap na ako ng asawa ko."Bago pa man ako umalis ay bigla nya ulit hinawakan ang kamay ko. "Kailan ulit tayo pwedeng magkita?"tanong sa akin ni Lawrence.
"Hindi ko alam!" yun lang ang nasabi ko at umalis na din ako.Iniwan ko syang mag-isa, gustuhin ko mang hindi umalis pero kailangan ko. Ayokong magduda ang asawa ko.
Pagdating ko sa aming bahay ay sinalubong ako ni Quen na na may ngiti sa kanyang mga labi.  "I'm glad you're finally home! Kumain ka na ba? Nagluto ako at talagang hinintay kitang makauwi bago ako kumain."Paunang sabi nya sa akin. Yan ang isang bagay na gusto ko sa kanya, kahit na away bati kami, eh napakamaaalahanin nyang asawa. Kahit gaano pa sya kagutom, hinding hindi sya kakain hangga't hindi ako nakakauwi.
Kumain kaming mag-asawa ng masaya at nagkukwentuhan. Pagkatapos naming kumain ay may tinapos lang si Quen para sa trabaho nya at nagpahinga na din kami. Nakahiga nga ako sa kama pero bakit ganun? Ala-una na ng madaling araw at hanggang ngayon hindi pa din ako dinadalaw ng antok? Siguro lubos ko lang iniisip ang mga ngyari sa pagkikita namin ni Lawrence. Pero sa totoo lang nakokonsensya ako, pero ano ang magagawa ko nandun na yun eh, aminado naman kasi ako na namiss ko talaga sya.
Chapter 7
Lumipas ang mga araw at ang mga araw na yon ay naging buwan, patuloy pa din ang pagkikita namin ni Lawrence. Pangit mang pakinggan pero siguro yun na nga din yun, kinakaliwa ko na ang asawa ko. Lalong napadalas ang pagkikita namin ni Lawrence na sya namang ipinagtaka ni Quen, dati kasi hindi ako mahilig umalis at pumunta kung saan saan ng hindi kumpleto ang pamilya ko. Pero magmula ng unang pagkikita namin ni Lawrence ay napadalas ang pagsisinungaling ko sa asawa ko. May mga pagkakataon pa nga na muntik muntikan na akong mahuli ni Quen.
Minsan habang nasa trabaho si Quen ay sya naman ang paguusap namin ni Lawrence sa telepono. Pagnatataon naman na halos gabi ng makauwi si Quen ay duon ko naman nilulubos lubos ang pagkikita namin ni Lawrence. Minsan nga may dumadating na pagkakataon na gusto ko nalang tapusin ang kung ano mang meron kami ng asawa ko kasi kahit papaano ayaw kong may nasasaktan ko. Pero kahit gayun pa man ay nanaig ang awa ko sa kanya. Hindi naman kasi nya kasalanan eh. Hindi nya kasalanan na lumalandi ang sarli nyang asawa.
Nalala ko nung minsang paguwi ni Quen galing ng trabaho meron syang sinabi sa akin, nung una umuo lang ako bilang pagtugon ko sa sinabi nya yun pala yun ang magiging dahilan ng mas lalong pagiging kumplekado ng lahat ng ginawa kong kagagahan.
"Honey, alam mo muntik ko ng makalimutang sabihin sayo, alam mo bang nakita ko yung dati kong kababata nung nagdinner meeting kami ng mga collegues ko? Nagulat nga ako eh!"
"Talaga? Mabuti naman kung ganon! Sana ininvite mo sya dito sa bahay para magdinner?"sagot ko naman sa mga sinabi nya.
"Ah oo nainvite ko na sya. Akalain mong ngayon palang pala ikakasal ang mokong na'yon. Nalala ko kasi nung huli kaming magkita eh almost 6 years ago. Nung bagong lipat lang sya dito sa Maynila. Naikwento nya na heartbroken daw sya, at hinahanap ang girlfriend nya."muling kwento ni Quen sa akin.
"Eh honey, pwede palang pang MMK ang buhay ng kababata mo. Ano nga pala ulit ang pangalan nya?"tanong ko naman sa kanya.
"Ah si Larry! Sabi nya free daw sya bukas, isasama daw nya ang fiancee nya."
"Mabuti naman kung ganun para may oras pa ako para makapagisip kung ano ang iluluto ko. Oh sya sige magbihis ka na at ng makapagdinner na tayo."duon natapos ang conversation naming magasawa. Makalipas ang ilang oras, hinintay kong makatulog si Quen at ng makatulog naman sya ay tinext ko naman si Lawrence upang sabihin sa kanya na hindi kami pwedeng magkita bukas dahil meron kaming bisitang darating.
"Hindi ako pwede bukas, may bisita ang asawa ko na darating at kailangan nandito ako sa bahay."
Agad naman syang nagtext back sa akin. "Ok lang hindi din ako pwede bukas eh. May pupuntahan din ako na importante. Sa susunod nalang tayo na araw magkita."
Pagkabasa ko ng text nya eto lang ang sumagi sa isip ko. "Wow! What are the odds, parehas pa kaming may gagawin bukas. Salamat naman!" at agad ko din syang sinagot sa text. "Ok sige, sa susunod nalang na araw. Ingat bukas!"
Napangiti naman ako sa sumunod na nabasa ko. "I Love You and I MIss You!" Syempre sinagot ko ang text nya na yan. "I Love You too and I Miss You too!" yun lang at pinatay ko na din ang cellphone ko. Nakatulog ako nung gabing 'yon na may ngiti sa aking mga labi.
Chapter 8
Kinabukasan matapos umalis ng mag-ama ko para pumasok sa trabaho at sa eskwela ay agad na akong naglinis ng bahay at naghanda para sa bisitang darating ng gabing iyon. Dahil sa busy ako ay hindi ko na nagawang kausapin o tawagan si Lawrence. Kahit naman papaano alam ko naman na naintindihan nya ako.
Bandang alas sinco ng dumating galing ng trabago si Quen na agad ko namang sinalubong sa may pintuan. "Oh honey! How's work?"Una kong tanong sa kanya.
"Work is fine! Pero aakyat muna ako sa itaas at maliligo, tumawag na kasi sa akin ang kababata ko at sabi nya on the way the daw sila ng fiancee nya. "
"Oh sya sige, magayos ka na at tatapusin ko na din itong niluluto ko." matapos naming magusap ay agad naman syang umakyat sa itaas para magayos. Hindi ko alam pero bakit sa kalagitnaan ng pagluluto ko eh bigla akong nakaramdam ng kaba. Pilit kong binalewala ang kabang nararamdaman ko pero ewan ko ba ayaw talagang mawala. Alam nyo ba yung pakiramdam na hindi mo maexplain na parang alam mong merong hindi magandang mangyayari na para bang sa pakiwari mo eh bumubukas ang third eye mo?Ganun! Ganun ang naramdaman ko nung mga oras na yon.
Habang tinatapos ko ang pagseset up ng lamesa ay tinignan ko ang relo ko. "Ay ilang minuto nalang parating na din siguro sila" sabi ko sa sarili ko. Bumalik ako ng kitchen at binuksan ang refrigerator para sana kumuha ng wine na ang buong akala ko ay meron pa, yun pala eh wala na kaya naman agad akong nagpaalam kay Quen. "Honey, ubos na pala ang wine natin aalis lang ako saglit para makabili ng wine, babalik din ako agad."Naintindihan naman nya yon kaya matapos kong magpaalam ay umalis na din ako agad para makabalik din ako.
Pagkalipas ng halos 15 minutos ay nakabalik na din ako at sa pagbalik ko ay napansin ko na may nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay namin kaya naman ang agad kong naisip ay siguro nandito na sila. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad agaran akong tumakbo para pumasok sa loob ng bahay namin. Sakto pagkapasok ko maynarinig akong nagtatawanan sa di kalayuan.
"Oh nandito na pala sya Larry eh!Honey, come here I want you to meet my kababata."bungad ni Quen nung unang kita nya sa akin.
Habang papalapit ko kay Quen ay hindi ko maintindihan pero lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kasi naman nakita ko ang imahe ng lalaking nakatalikod na tila pamilyar sa paningin ko. Pagkalapit ko kay Quen ay sya namang pagharap ko sa kababata nya.
"Darlene, meet my kababata Larry! Actually Lawrence ang tunay nyang pangalan but we often call him Larry!"
Dyos ko po! Magkakilala sila!

Chapter 9
Namanhid ang buong katawan ko! Hindi ako makapagsalita,at tamang sabihin na ganun din panigurado ang naramdaman ni Lawrence nung mga oras na yon. Isa ito sa mga bagay na hindi ko inaasahan at lalung-lalo na hindi ko lubos akalain na pati pala sya ay may iba na.Sa sobrang pagkatulala ko ay tinapik ako ni Quen, kasi naman natigilan ako ng ilang sigundo dahil sa nalaman ko. 
"Honey, are you ok? You look like you've just a ghost! Kilala mo ba sya?"
"Oh, I uhm...I'm sorry! Hi I'm Darlene!" Yun lang ang sinabi ko at kahit wala na akong magawa ay nakipagkamay nalang ako kay Lawrence at sa kanyang mapapangasawa. Umakto nalang ako na hindi ko sya kilala. Ganito pala ang pakiramdam ng isang taong nangangaliwa na muntik muntikan ng  mabisto ng asawa.
Agad din namang nagsalita si Lawrence at pinakilala nya sa amin ang kanyang mapapangasawa. "Oh hi Darlene, please to meet you! By the way, this is Coleen my fiancee."
HIndi ko alam kung ano magiging reaksyon ko nung mga oras na yun. Pero siguro tama lang sabihin na patas na kami ngayon, dahil nung una ang akala ko ay ako lang ang nagkakasala, hindi pala dahil pati pala si Lawrence. Ang tanging pinagkaiba lang namin ay hindi pa sya kasal.
Pagkatapos nun ay dumeretso ako sa kusina upang tapusin ang paghahanda ng aming hapunan. Tinawag ko na din si Andrew magmula sa kwarto nya. Hindi ko alam pero ang sarap nilang tignan dalawa, ramdam ko ang pagiging tunay na mag-ama nila.
Matapos ang ilang minuto ay kumain na din kami, pero habang nasa harap kami ng hapagkainan, ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. May mga pagkakataon pa na hindi na ako nagsasalita dahil hanggang sa mga oras na yun ay medyo tuliro at gulat pa din ako. At si Lawrence naman? Ayun ngiti lang ng ngiti kay Quen habang kinakausap sya.Habang kumakain kami ay napagusapan naman namin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Coleen.
"So how did you two meet?"tanong ni Quen kay Lawrence.
Hindi ko alam pero sa mga oras na yon parang mas gusto ko pang nabingi nalang sana ako kaysa marining ang mga susunod na sasabihin nilang dalawa. Siguro nga tamang sabihin na nagseselos ako. Pero sino ba ako para magselos, wala naman akong karapatan. Habang naguusap sila ay panay ang sulyap sa akin ni Lawrence, at alam kong nahahalata ni Quen yun.
Natapos ang dinner namin at sa wakas ay nakaalis na din sila Lawrence at si Coleen. Habang kami naman ay nagpapahinga na. Nagsusuklay ako ng buhok habang nakikipagusap sa asawa ko ng may bigla syang naitanong sa akin.
"Honey, are you sure hindi kayo magkakilala ni Lawrence?"
"Ha? Ah eh...kwan...H-hindi!Bakit mo naman naitanong?"pagaalala ko namang tanong din sa kanya.
"Ah wala naman! Kasi the way you look each other in the eye eh parang magkakilala kayong dalawa.Pero alam mo mabait din yung mapapangasawa nya ha.Tahimik nga lang"
Hay, salamat! Yun lang ang nasabi ko sa sarili ko dahil sa wakas ay iniba din nya ang topic. Pero syempre hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Ngayon, maskumplekado ang lahat, mas marami kaming dapat pagusapan ni Lawrence at higit sa lahat siguro dapat na din naming ituwid ang mga pagkakamali naming dalawa. Pero kayanin ko kaya?
Chapter 10
Lumipas ang gabing yon na hindi ako nakatulog ng mahimbing. Siguro nga eh totoo ang sinasabi nila na ang mga taong nagkakasala kahit buhay pa eh sinusunog na sa impiyerno ang kaluluwa nila. Kasi naman yun ang ramdam ko sa mga oras na yon. Halo halong emosyon, merong pagsisisi, malungkot, masaya, ah basta!
Kinabukasan pagaalis ng mag-ama ko ay napagpasyahan kong itext si Lawrence kahit alam kong may trabaho sya ay ginawa ko pa din.
"Lawrence, kailangan nating magusap!"maikling saad ko sa text ko.
Halos isang buong araw akong naghintay ng sagot nya. Habang hinihintay ko ang reply nya ay inihanda ko naman ang sarili ko.
"Kaya mo 'to Darlene! Do the right thing for the sake of your family."Yan ang mga katagang pilit kong itinatanim sa kokote ko. Pero aminado ako na parang ganito yung ngyari halos anim na taon ng nakakaraan, nung mga oras na dapat ay maguusap kami ni Lawrence at kokomprontahen ko dapat sya sa mga nakita ko. Pero ayun, naduwag ako.Kayanin ko kaya ito ngayon?Sa halip na sana eh hinarap ko ang mga problema ko ay kabaligtaran ang ginawa ko. Hay, ewan basta bahala na si batman!
Lumipas ang gabing iyon na hindi ako nakatanggap ng reply magmula kay Lawrence, gustuhin ko man magalit pero hindi ko magawa. Ano ba kasi ang karapatan kong magalit? Isang bagay lang ang pumasok sa isipan ko, ito na kaya ang umpisa ng paghihiganti nya sa nagawa kong pagiwan sa kanya nuon? Ako naman ang paiibigin nya ngayon tapos iiwan lang din ng basta-basta? Sana mali ako!
Ilang araw na din ang lumipas pero wala pa din akong balita kay Lawrence, gustuhin ko man syang puntahan sa eskwelahan pero hindi ko magawa. Isang malaking kabobohan naman kasi pagginawa ko yun eh, syempre dahil nandun ang anak ko. Kaya naman hinayaan ko nalang na magkusa sya na tumawag sa akin.
Isang hapon habang masaya kaming naguusap ni Quen sa may kusina ay biglang tumunog ang telepono ko. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag sa halip ay sinagot ko nalang ito ng walang alinlangan.
"Hello?" paunang bati ko. Pero nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko ang boses ng taong nasa kabilang linya.

Chapter 11
"Hello!" sabi naman ng nasa kabilang linya.
Hindi ako nakapagsalita sa sigundong narinig ko ang tinig nya.Bigla akong kinabahan, kilala ko ang boses na yun. Kahit sandali ko palang sya nakilala ay hindi madaling kalimutan ang mga tinig na yun.
"Hello? May I know who owns this phone?"tanong naman nya sa akin. Dyos ko po, nalintikan na!Sa sobrang kabog ng dibdib ko ay ibinaba ko agad ang telepono.
"Bakit honey, sino yung tumawag?"pagaalalang tanong naman agad ni Quen sa akin.
Sa sobrang takot ko ay hindi ko namalayang may sinasabi pala si Quen sa akin. Kinailangan pa nya akong tapikin para lang mapansin ko sya.
"Oh ha?May sinasabi ka ba?"
"Are ok? Sino ba yung tumawag?"
"Ah, uhm ayun? Wala uhm ano eh ah wrong number lang"pagsisinungaling ko sa kanya.
"Are you sure? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ulit nya
"Ha? Wala, pagod na siguro ako mabuti pa pahinga na tayo. "
"Ok sige, mabuti pa mauna ka na, may tatapusin pa kasi akong paper works eh."
Matapos nun ay umakyat na ako sa itaas upang maghanda ng magpahinga, umupo muna ako sa kama at agad napaisip. "Bakit sya tumawag?At papaano nya nalaman ang number ko?Dyos ko pinaparusahan nyo po ba ako? Bakit sunod sunod ang hindi magandang nangyayari?
Lumipas ang gabing iyon at hindi nanaman ako pinatulog ng diwa ko, hanggang kinabukasan ay yun pa din ang iniisip ko. Nagdaan pa ang mga araw at parang pakiramdam ko ay tuluyan na akong kinalimutan ni Lawrence. Eto na nga siguro ang kinakatakot ko, baka eto na nga ang panahon na sya naman ang iiwan sa akin.
Chapter 12
Pagkalipas ng ilang araw habang nasa trabaho ang mag-ama ko ay napagdesisyunan kong umalis muna ng bahay para magliwaliw magisa. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may nabangga akong isang lalaking nakatalikod.
"Ay sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya!"Habang pinupulot ko ang mga nalaglag nyang mga pinamili na nagkalat sa may sahig.Pero habang ginagaewa ko 'yon ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko....
"Darlene, kamusta ka na?"tanong ng lalaking nakabangga ko
"L-Lawrence...what are you doing here? Shouldn't you be at school?Teaching?"pagbaling ko ng tanong sa kanya
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Parang hindi ka yata masaya na nakita ako?"
"Masaya? Sana nga hindi nalang kita ulit nakita eh, magmula nung dinner hindi ka na ulit nagparamdam sa akin. Sige, I better go!May pupuntahan pa ako"...akmang aalis na sana ako pero pinigilan nya ako.
"Wait! Let me explain!"pagpigil nya sa pagalis ko.
"Explain? Wag kang magalala, you don't owe me an explanation.Sige I have to go."Papalayo na ako ng bigla syang nagsalita.
"Hindi ko alam na asawa mo pala si Enrique?"
"Enrique? Sino si Enrique? Hindi yan ang pangalan ng asawa ko, Quen! Quen ang pangalan nya!" at tuluyan ko na syang iniwan sa kinatatayuan nya.
Matapos ang insidenteng iyon ay hindi ko malaman, tumatak sa isip ko ang sinabi nya. Bakit Enrique ang tawag nya kay Quen? Sa pagkakaalam ko ay Quen ang tunay na pangalan ng asawa ko at hindi Enrique.
Chapter 13
Pagkauwi ko ay nasa bahay na dina ng mag-ama ko at sinalubong ako ni Quen...
"Oh hi honey! Where have you been?"tanong nya sa akin.
Gustuhin ko man sabihin sa kanya na nakita ko si Lawrence ay hindi ko nalang ipinaalam sa kanya.
"Ah dyan lang, nagliwaliw lang ako sandali. Nakakabored kasi minsan dito eh."
Makalipas ang ilang sandali ay nagsalu-salo na kaming pamilya sa hapunan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naitanong ko kay Quen kung kamusta na ba ang kababata nya.
"Uhm, honey! So how's your kababata?Any updates kung kailan ang kasal nila?"
Bigla nya akong tinignan na parang pakiwari ko ay nagtataka sya sa naitanong ko sa kanya.
"Ah, ayun huli kong balita eh medyo nagkakalabuan na yata silang dalawa."
"Nagkakalabuan? Bakit naman daw?"Paguusisa kong tanong sa kanya.
"Ang kwento is parang nahuli yata ni Coleen na nangangaliwa itong si Larry. Ewan, may nakita yata syang phone number ng babae sa telepono ni Larry kaya ayun tinawagan nya pero balita ko eh hindi naman nya yata nakausap binabaan yata sya ng telepono nung babae."
Dyos ko po! Nalintikan na!
"Oh anong ginawa ni Larry?"muli kong tanong kay Quen.
"Ayun napilitang magresign si loko sa school at magstay sa bahay para lang mapatunayan kay Coleen na hindi sya nangangaliwa. Pati yata cellphone ng mokong eh kinuha ni Coleen."
Ang tanging sumagi sa isipan ko ng mga oras na yun ay iisa lang....kasalanan ko ang lahat ng ito! Kasalan ko! Naisip ko kung hindi sana ako pumayag na magkasala ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Pero hindi ko din maialis sa aking isipan na kaya pala hindi ko na sya matawagan at hindi din sya tumatawag sa akin. Sinayang ko ang pagkakataon kanina na makausap sya ng maayos bagkus ay nasigawan ko pa sya. Muli akong napabalik sa realidad at nagtanong ako kay Quen.
"Uhm, honey why don't you invite them again for a dinner? I mean para naman malibang yung dalawa."
"Actually I was already thinking about that. But I'll ask him!"
Chapter 14
Makalipas ang ilang araw habang nagaagahan kaming mag-anak, ay may sinabi sa akin si Quen...
"Oh by the way honey, I talked to Larry and he said another dinner here at our house do sounds like a great idea. So I took upon myself to set it up, and the dinner is going to be tonight." Pagkukwento ni Quen sa akin.
"Tonight? Eh paano yan marami akong gagawin nyan, hindi ko pa alam kung ano lulutuin ko?"pagaalinlangan ko namang sagot sa kanya...
"Don't worry I took the day off today so that I can stay home and help you cook. Ok ba yun? Smile na honey! You look so stressed out!" sabay ngiti nya sa akin.
Wala na akong na gawa pa sa halip ay tumugon na lang ako sa mga sinabi nya. Bandang hapon ng magumpisa na kaming maglutong magasawa. Hindi ko alam pero parang sobrang saya nya nung mga oras na yon. Lalo tuloy akong nakonsensya sa mga kagagahan na pinagagagawa ko.
"Honey, pagnawala ako I want you to be happy. Gusto ko hanapin mo ang happiness mo."biglaang sabi nya.
Hindi ko alam kung bakit nya nasabi yon, pakiwari ko ay may nagbabadya ng isang malaking trahedya.
"'Ano ba yan sinasabi mo? Don't say that! Para ka namang nagpapaalam sa amin eh."mangiyakngiyak ko namang sabi sa kanya.
"Ah basta ang gusto ko, maging masaya kayo ni Andrew. If I die, I don't want you to cry."
Hindi ko napigilan at bigla nalang akong napaluha.
"Quen, ano ka ba? Wag ka ngang magsasalita ng ganyan. Hindi magandang biro yan!"
Kinalaunan ay hindi na muli pa syang nagsalita. Makalipas ang halos isang oras ay natapos na kaming magayos at magluto para sa dinner at hindi nagtagal ay dumating na din si Lawrence at ang kanyang mapapangasawa.
"Honey, I'll be back! I need to buy something lang sa store, I promise I'll be quick!" paalam ni Quen sa akin.
"Why? Ano bibilhin mo? Naka ready na ang dinner! Can it wait?"tanong ko naman sa kanya.
"No It can't!I promise I'll be quick." yun lang ang umalis na din si Quen.
Gusto ko man syang pigilan pero ayaw nya kaya wala na akong nagawa kundi hintayin namin sya sa kanyang pagbabalik.
Makalipas ang halos isang oras ay hindi pa din nakakabalik si Quen, kaya naman bigla akong nagalala. Sinubukan kong tawagan ang kanyang telepono pero walang sumasagot.
"Baka naman out of reach lang sya Darlene, don't worry babalik din yun."sabi sa akin ni Lawrence.
"Sana nga Lawrence pero hindi kasi ugali ni Quen ang hindi tumawag sa akin kapag mahuhuli sya ng uwi eh.Hndi ko alam pero talagang nagaalala na ako.Tumawag na kaya tayo ng pulis?"
Hindi nagtagal ay biglang may kumatok sa may pintuan.
"See I told you pauwi na din yun! Ayan na nandito na sya."sabi ni Lawrence sa akin.
Bigla akong nagmadali na pumunta sa may pintuan at agad kong binuksan ito. Nanginig ang buong katawan ko sa aking nakita ...Pulis?Bakit mga pulis ang nasa harapan ko? Dyos ko po! Sana walang ngyaring masama sa asawa ko.

Chapter 15
"Are you Mrs. Natividad?" tanong ng isang pulis sa akin.
"Opo, ako nga po! Bakit po?"
"Your husband Mr. Quen Natividad was involve on a vehicular accident!"
Nung sigundong marinig ko yun ay pakiramdam ko ay tuluyan ng gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa halip ay napaupo nalang ako sa sahig at pakiwari ko'y biglang bumaha ng luha. Nilapitan ako ni Lawrence at ni Coleen at agad akong niyakap.
"Ok lang po bang si Quen? Nasa hospital po ba sya ngayon? Saan po namin sya pwedeng mapuntahan?"sunod-sunod na tanong ni Lawrence sa pulis.
"As of now hindi pa po namin alam ang kondisyon nya, pero the time na dumating kami sa lugar ng pinangyarihan ay unconcious po sya. He was air lifted by the helicopter para mapabilis ang pagdala sa kanya sa hospital.Sa ngayon po ay you can visit him at St. Joseph's Medical Hospital" Paliwanag naman ng pulis sa amin.
Agad namang lumapit sa akin si Andew at tinanong ako kung ano ngyari sa kanyang ama. Wala na akong ibang nagawa kundi humagulgol ulit sa pagiyak. Samantala sinamahan naman ako nila Lawrence at ni Coleen sa hospital.
Pagdating namin sa hospital ay agad akong nagtanong sa mga nurse, at agad naman nila akong dinala sa ICU kung saan na duon si Quen. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pinatay ang kalahati ng katawan ko nung mga oras na nakita ko syang nakahiga at puro tubes at katawan. Agad ko syang nilapitan habang ang mga luha ko naman ay ayaw papigil sa pagtulo. Sa paglapit ko sa kanya ay sya namang pagdating ng doctor.
"Doc how's my husband?Ano na po ang lagay nya?"tanong ko sa doctor.
"Hi Mrs. Natividad! I'm Dr. De Guzman. Well so far he's currently unconcious, he suffered from a mild concussion! There's a slight bruising on his brain..."bago pa man nagpatuloy sa pagsasalita ang doctor ay agad naman din akong nagtanong.
"Concussion? Bakit po sya unconcious?Magigising pa din po ba sya?"sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya...
"Like what I said Mrs. he suffered from a mild concussion, and meron lang pong konting bruise ang brain nya dahilan na din po ito sa impact ng ulo nya sa aksidente kanina. And don't worry, magigising din po sya. I can honestly tell you that he's a one lucky man to survive that accident. Based on what the highway patrols said your husband's car was totally wrecked. Sa ngayon po hindi pa natin alam kung kailan sya magigising. "
"Thank you po Dr."
"Your welcome! Sige po maiwan ko muna kayo!"at umalis na din ang doctor sa loob ng ICU.
Pagkaalis ng doktor ay nilapitan ko si Quen at pilit kong kinausap, tanga man ako kung masasabi dahil alam ko namang hindi nya ako kayang masagot sa mga bagay na sasabihin ko sa kanya. Malay ko ba kung naririnig din nya ang mga sinasabi ko. Pero isang bagay lang ang alam ko, sa mga oras na yun alam ko na mas higit akong kailangan ng asawa ko.
Hinimas himas ko ang ulo nya habang sinasambit ang mga katagang "I love you Quen!Sorry sa mga nagawa ko!"Tuloy tuloy ang pagkausap ko sa kanya, pakiramdam ko ng mga oras na yun nasa may simbahan ako na nangungumpisal sa isang Pari. Kasi naman halos lahat ng kagagahan na ginawa ko ay ibinuhos ko nung mga oras na yon. Hindi man nya ako marinig ok lang at least alam ko sa puso't isipan ko na pinagsisihan ko na lahat ng iyon.
Chapter 16
Lumipas ang mga araw pero hindi pa din nagigising si Quen,halos araw-araw din kaming nagkikita ni Lawrence dahil palagi syang bumibisita sa ospital. Gustuhin ko man syang iwasan pero hindi ko pa din magawa. Siguro kahit ilang beses akong magsisi sa mga kagagahan na pinaggagagawa ko ay uulit ulitin ko pa din yon. Siguro nga minsan ang katangahan ay inborn na! Siguro totoo nga ang sabi ng iba na may mga bagay na pagsisihan mo man ay hindi mo maiiwasang ulit ulitin ang mga pagkakamaling iyon.
Nalala ko nung araw na gumising si Quen siguro yun yung araw na hinding hindi ko malilimutan dahil bukod sa nagising na sya ay meron din syang isang bagay na sinabi sa akin na tumagos sa puso po. Nung araw na yun ay parehas kaming nagbabantay sa ospital ni Lawrence habang si Andrew ay nasa school. Hawak hawak ko ang kamay ni Lawrence habang naguusap kami ng bigla kaming nakarinig ng ungol. Agad akong tumayo at tumakbo sa kama ni Quen para tignan at pakinggan kung sya yung narinig namin. Sure enough sya nga! Hinawakan ko ang kamay nya at dahan dahan ko syang kinausap habang si Lawrence naman ay tinawag ang doktor.
"Quen,it's me Darlene!"yan ang mga katagang binigkas ko habang unti unti ko syan ginigising.
Sakto pagdating ni Lawrence ay sya din namang pagmulat ng mga mata ni Quen. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung mga oras na yun. Kung magiging masaya ba ako dahil gising na ang asawa ko o lungkot dahil nagising na sya. Tumingin sa akin si Quen at ngumit.
"Honey, you're awake! You're really awake!"at agad ko syang hinalikan. Pero bigla syang nagsalita.
"I had a dream Darlene, sa panaginip ko may iba kang lalaking kasama. Pakiwari ko kilala ko sya pero sa panaginip ko hindi ko maaninag ang mukha nya. Tapos iniwan mo daw ako at sumama sa lalaking yun. Please tell me Darlene, it was all a dream and you won't leave me for anyone?" pagkwento nya sa akin.
Naluha ako ng marinig ko ang sinabi nya at agad akong tumingin kay Lawrence na hindi ko alam nakabalik na pala sa loob ng kwarto ni Quen kasama ang mga doktor at nurses. Muli akong tumingin kay Quen at unti unti kong pinunasan ang mga luha ko.
"Ano ka ba Quen, wag ka ngang magsasalita ng ganyan. Of course panaginip lang ang lahat ng iyon. Sige eto na ang mga doktor kailangan ka na nilang matignan."at tumayo ako sa aking kinauupuan.

 Chapter 17
Habang tinitignan ng mga doktor si Quen ay lumabas naman ako sa may kwarto nya at duon ko ibinuhos ang luha kong kanina pa nagbabadyang bumuhos. Hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si Lawrence.
"Lawrence, please not now!"pagpigil ko sa kanya habang sya naman ay pilit hinihimas ang aking likuran.
"Darlene, I want to help!"
"Help? Lawrence ano ang maitutulong mo aber?Paano mo masasabi sa asawa ko ang mga kalokohang pinaggagagawa nating dalawa? Hindi ko alam kung papaano ko uumpisahang sabihin sa kanya. Papaano ko sasabihin sa kanya na lahat ng nasa paniginip nya ay totoo? Sige nga Lawrence paano?"
"Darlene, I don't want to loose you!"mangiyakngiyak nyang sinabi habang pilit nyang sinasakop ang buong katawan ko ng kanyang mga braso.
"Lawrence, alam mong hindi tayo pupwede. Meron kang Coleen at may asawa't anak na ako.Alam mo hindi dapat natin ito dito pinaguusapan eh. Baka may makahuli sa atin."pakiusap ko sa kanya.
"Wala na akong pakialam Darlene! Kung gusto mo ako pa mismo ang magsasabi kay Quen ng lahat...handa akong akuin lahat ng kasalanan, iwanan mo lang sya!Handa din akong iwanan si Coleen, kung yun ang gusto mo! Wag mo lang akong iwan!" pagmamakaawa nya sa akin.
Magsasalita pa sana ako ng biglang lumabas ang mga doktor at nurses magmula sa kwarto ni Quen, kaya naman agad kong pinunasan ang luha ko.
"Dok, how's my husband?" tanong ko sa doctor.
"He'll be fine misis! He just needs more rest." maikling sabi ng doktor.
Agad akong nagpasalamat sa doktor at pumasok na din ako sa loob. Pagkapasok ko ay nakita ko ang aking asawa na nakatanaw sa may bintana tila may malalim syang iniisip.Nilapitan ko sya ang ngumiti.
"How are you feeling honey?"tanong ko sa kanya.
"I'm ok! Ikaw how are you? How's Andrew?"
"We're ok! Worried lang sa'yo."maikling paliwanag ko.
Ok na sana ulit pero eto sya at nagtanong ulit.
"Honey, sigurado ka na hinding hindi mo ako iiwan ha? At hinding hindi mo din ako lolokohin? Sana hindi mo ako pinagpalit sa kahit na sino nung wala pa akong malay tao."
Chapter 18
Nung mga oras na yun, gustong gusto ko ng aminin ang lahat sa kanya pero naisip ko siguro hindi pa yun ang tamang oras at tamang lugar para sa ganung klase ng sitwasyon.Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang magsinungaling muli sa kanya. Makalipas ang ilang araw at nakalabas na din si Quen, lalo syang naging excited sa paguwi dahil sa wakas ay makikita na din nya si Andrew. Lagi kasing nasa school ang anak namin kaya madalas hindi sya nakakadalaw.
Buhat ng makauwi si Quen mula sa ospital hindi ko alam pero parang nagiba sya. Parang pakiwari ko ay habang sa pagkakacomatose nya ay meron syang mga bagay bagay na nalaman. Pakiramdam ko tuloy alam na nya ang tungkol sa amin ni Lawrence. Lumipas ang mga araw at tuluyan ng nagiba si Quen, may mga oras na sobrang sweet nya sa akin meron din naman pagkakataon na biglaan na lang syang magagalit. Hindi ko alam pero hindi sya yung Quen na kilala ko.
Isang araw ay bumisita sila Lawrence at Coleen sa bahay namin, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may galit si Quen kay Lawrence.Walana naman akong natatandaan na pinagawayan nilang dalawa.Pero pagkakita nya kay Lawrence ay nagiba ang timpla ng mukha nya.
"What are you doing here Larry?"tanong nya kay Lawrence.
"Larry? Akala ko ba napagusapan na natin yan before pa ng first time namin na nagdinner dito? You'll stop calling me Larry and I won't call you Enrique! Remember?"
"Teka! Enrique? Who's Enrique? Lawrence, hindi Enrique ang pangalan ng asawa ko, Quen! Quen ang tunay nyang pangalan!" sabi ko kay Lawrence habang nakatuon ang pansin ko sa aking asawa.
Sa totoo lang nung mga oras na yun, hindi ko alam kung ano talaga ang ngyayari, tuliro ang utak ko dahil hindi ko alam kung bakit yun ang tawagan nila.
"What's wrong Enrique, haven't you told your wife about the truth yet?"
"Truth? Quen, Lawrence! Anong sinasabi ninyo? Anong truth? Please somebody!"mangiyakngiyak kong tanong sa kanilang dalawa.
"Larry, please would you just leave! Magmula sa araw na ito, ayaw ko ng makikita ang pagmumukha mo dito at lalong lalo na ayokong makikita na nakikipagkita ka sa asawa ko!"
Dyos ko! Tama ba ang narinig ko?

Chapter 19
Nabaling ang tingin ko kay Quen at tinignan ko din si Lawrence pero hindi ako makapagsalita ng mga sigundong yon.
"Ano? Akala ninyo hindi ko alam noh?I'm not that stupid!"
"P-p-papaano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.
"Wag mong ibahin ang usapan Enrique, tungkol ito sa sekretong matagal mo ng tinago kay Darlene! Bakit kasi hindi mo pa sinabi ng totoo sa kanya?So that means, mahigit limang taon mo na palang niloloko itong Darlene?"
Tinitigan ko silang dalawa, at sa totoo lang nung mga oras na yon, masgugustuhin ko pang pinatay nalang nila akong dalawa. Hindi ko alam kung saan magsisimula, hindi ko alam kung papaano ko sisimulan. Matinding katahimikan ang namagitan sa aming tatlo at tanging masayang tinig lang ni Andrew ang bumasag sa katahimikan na 'yon.
"Daddy! I miss you so much." bungad ng anak ko sa kinilala nyang ama.
Ngumiti si Quen kay Andrew at niyakap ang anak ko. Agad ko namang pinunasan ang aking mga luha at hinawakan ko si Andrew at nagsimula akong magsalita.
"Kung ayaw ninyong magsalita pwes uumpisahan ko. Bahala na kung ano ang mangyayari pagkatapos nito pero para lang matapos na ang kaguluhan na ito ako na ang aayos." Huminga ako ng malalim at muli akong nagsimula.
"Quen, hindi ko alam kung ano talaga ang nakaraan mo at kung bakit Enrique ang tawag nya sa'yo pero gusto ko lang malaman mo na malaki ang pasasalamat ko at inako mo ang lahat ng responsibilidad sa aming mag-ina..." magsasalita pa sana ako pero biglang pinutol ni Quen ang sinasabi ko.
"What do you mean inako ko ang lahat? Natural aakuin ko ang responsibilidad anak ko sya diba?" tanong nya sa akin.
Sa totoo lang hindi ako makasagot nung mga oras na yon bagkus ay umiling lang ako sa kanya hudyat para sa pagamin ko na hindi nya anak si Andrew. Pero akala ko magagalit sya sa pagamin ko pero meron papala akong mga bagay na hindi nalalaman.
"Matagal ko ng alam yan Darlene! Inako ko lahat ng responsibilidad na dapat si Lawrence ang gumawa. Hindi ako pwedeng magka-anak Darlene, matagal ko ng alam na I will never be able to concieve a baby! Bata palang ako sinabi na ng espesyalista sa akin yon." paliwanag nya sa amin.
"Totoo ba yung sinabi nya Darlene? Anak ko si Andrew? Ako ba talaga ang tunay na ama nya?" sunod-sunod na tanong ni Lawrence sa akin.
"Oo Lawrence, ikaw ang tunay nyang ama! Nung gabing magkikita sana tayo, yun sana ang sasabihin ko sayo. Pero nagbago ang isip ko ng makita kita kasama yung babaeng sinasabi mong ex mo."
"My God! Umalis ka ng hindi mo man lang kinukuha yung panig ko eh! Alam mo ba na yung babeng yun ay step sister ko na ngayon? My mom and her dad got engaged the day you left!"
Chapter 20
"Teka-teka wait lang! Alam ninyo I don't think you people don't need me here! Lawrence, I love you and you know that, pero sa mga narinig ko ngayon, alam ko na kung sino ang masmatimbang sa amin. Kaya I'm letting you go!"at tumakbo papalabas ng bahay namin si Coleen.
Hindi naman nagawang habulin ni Lawrence si Coleen bagkus ay para bang naging mas magaang ang pakiramdam nya. Samantala ako? Ayun iyak ng iyak sa mga nalaman ko. Hindi sana magkakaganito ang lahat kundi dahil sa insecurities ko, kundi ko lang sana pinairal ang katangahan ko nung mga panahon na yon.
"Oh ano tapos na kayong dalawa? Pwede na akong magsalita?"pagbasag ni Quen sa paguusap namin ni Lawrence.
"Magkababata kami ni Lawrence, sabay lumaki sabay, din kaming umibig sa iisang babae. Yung ex na sinasabi mo Darlene, sya yung una kong naging girlfriend. Pero iniwan nya ako dahil dyan kay Lawrence.Kinompronta ko silang dalawa nun at sinabi ko kay Lawrence na kung hindi man sila magtagal na dalawa, ang susunod na magiging girlfriend ni Lawrence ay sisiguraduhin kong maagaw ko sa kanya. Kaya nung araw na nakita mo silang magkasama nandun din ako nun nakatanaw sa di kalayuan. At nung nakita kitang umalis na umiiyak naisip ko na pagkakataon ko na yun na maagaw ka sa kanya."pagkwento ni Quen sa mga ngyari.
"Bakit Enrique ang tawag nya sa akin? Dahil yun ang tunay kong pangalan! Nagpapalit ako ng pangalan ko nung matapos nating magkakilala, dahilan na din sa ayaw kong matuntun nya kung nasaan ako. Nabalitaan kasi nya na umalis ka ng may kasamang lalaki."muling pagpatuloy nya sa kwento.
"Nung una nawala ang hinala ko na sya ang napangasawa mo dahil sabi mo Quen ang pangalan ng asawa mo. Antagal kitang hinanap nun Darlene, tagal din kitang hinintay na muling magbalik. "
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyson ko sa mga nalaman ko. Ang buong akala ko ako lang ang may nililihim sa kanilang dalawa. Awang awa ako sa anak ko nung mga oras na yon dahil bakit pa nya kailangang masaksihan ang mga nalaman ko.
"I'm so sorry Darlene for everything!Alam ko kasalan ko din kung bakit hindi kayo nagkaayos kaagad ni Lawrence. That's why nung naospital ako, I took that chance to fix everything and to think things thru. Everytime na pagaalis na kayo pauwi, I would always take that chance to talk to my family back home sa province. Naayos ko na ang lahat,that's why I'm letting you go Darlene! Sinubukan ko na ulit kayong paghiwalayin and I don't think kakayanin pang muli ng konsensya ko. Masakit man sa akin but I'd rather suffer than see you suffer. And besides, it's time for Andrew to meet his real biological father."
"Quen, I'm so sorry for everything too!Alam kong malaki din ang naging kasalanan ko sayo. But thank you! Thank you for being such a wonderful father to Andrew, I will forever treasure that. And thank you for letting me go.Pero aalis ka?"
"Yes, I have to! Masmakakabuti na din ito for all of us. I'm leaving in 2 days. Lawrence, please do take care of her.Wag na wag mo na syang papaiyakin ulit, masakit man para sa akin na ipaubaya sya sa'yo pero mas magiging masaya sya sa piling mo. And Andrew, anak always remember that daddy loves you very much. Kahit hindi ako ang tunay mong daddy, love pa din kita and don't forget to visit me ha?
Matapos ang eksesang iyon, dalawang araw makalipas ay umalis na din si Quen at tumungo pabalik sa aming probinsya. Samantala kami naman ni Lawrence ay unti unti naming inaayos ang lahat. At si Andrew naman, ayun masaya kahit papaano eh hindi naging mahirap ang adjustment ng mag-ama ko. Punong-puno man ng drama ang buhay ko pero kahit papaano ay may happy ending pa din.

1 comment:

  1. john zchairon hir!
    ayt cno kaya un nakausap ni darlene??
    baka naman un fiancee ni lawrence un d kaya??
    baka naman nalaman na nun fiancee ni lawrence na c darlene un tumatawag kay lawrence o baka naman c lawrence lang un tumatawag sa kanya kac miss na xa netu??waaaa kac naman te bitin we
    nxt po ulit hehe

    ReplyDelete