Naniniwala ka ba sa Opposite Attracts? Ano nga ba ang ibig sabihin nito?Magaalinlangan ka bang sundin ang iyon puso kung ang mga tao na nakapaligid sayo ay katawa tawa ang tingin sa inyo? O ipaglalaban mo ba ang iyong nararamdaman kahit sa tingin mo ay hindi maganda ang tingin sa inyo ng mga tao?
Si Avigail kilala rin bilang Bugoy isang babae na may kakaibang pananaw sa buhay. Laki sa hirap at mahilig bumarkada. Palibhasa kasi puro lalaki ang mga kapatid nito kaya pati sya ay tila nagin parang kilos lalaki na din. Dati itong mabait at masunurin na kapatid pero ng dahilan sa mali ang napili nitong barkada ay tuluyan na din syang napasama sa mga kalokohan ng mga kabarkada nya. PInasok ang kung ano anong mga bagay,naging pala inom, mahilig magsugal, at pati na rin ang pagdudukot sa daan ay nagawa na nya. Siguro ay dahilan na din sa hirap ng buhay. Pero papaano kung isang araw ay dumating ang isang lalaki na magpapabago ng kanyang buhay. Mayaman, matalino at kilala sa larangan ng kanyang karera, paniniwalaan ba nya ito? O sadyang iisipin na pinaglalaruan lamang sya nito?
Si David, Isang prominenteng abogado. Matalino, mayaman at sadyang may pinagaralan ang lalaking ito. Lahat yata ng katangian ng isang pagiging perfect boyfriend ay nasa kanya na. Walang bisyo, hindi mabarkada, trabaho at bahay lang ang tangi nyang alam gawin at puntahan. Gayun pa man, hindi ito nakakalimot sa kanyang pamilya. Nasa tamang edad man sya pero ni minsan ay hindi ito nakapagsabi ng "I Love You" sa isang babae. Sadyang ang pinapaniwalaan nya ay ang mga linyang yan ay napakahalaga at dapat ibinibigkas lamang yan sa babaeng pinakamamahal mo. Papaano kung isang araw ay ang babaeng nagtangkang mandukot sa kanya ay ang babaeng magpapaibig din sa kanya ng wagas. Ano ang mas pipiliin nya ang ikulong ang babaeng ito sa isang selda o tuluyan nyang ikulong ito sa kanyang puso?
CHAPTER 1
...sa bahay nila Bugoy
BUGOY: Kuya alis lang ako ha.(naglakad papalabas ng bahay)
ARRON: Hoy! Saan ka nanaman pupunta?
BUGOY: Basta dyan lang sa labas.
ARRON: Dyan lang sa labas? Hindi mo pa kasi sabihin na raraket nanaman kayo ng mga barkada mo eh. Hoy Avigail binabalaan na kita ha, tigil tigilan mo yang pagsama sama mo sa mga barkada mo. Kung ano ano na ang nagagawa mo ng dahil sa mga barkada mong yan. Pati pandurukot eh nagawa mo na.Pag kayo nahuli naku sinasabi ko sayo wala akong pang pyiansa sayo sa prisinto.
JOE: (narinig ang pinaguusapan nila Bugoy at Arron) Avigail, tigil-tigilan mo na nga yan ha! Hindi ka aalis!
BUGOY: Kuya naman eh! At pwede ba wag mo akong tatawagin na Avigail baka masuka ako eh. (at ngumiti sa mga kuya nya)
ARRON: Hindi mo ako makukuha sa mga pangiti-ngiti mo ha! Magtigil ka!
BUGOY: (nagdabog bigla at umupo sa silya) Nakakainis kayo! Alam mo mga kuya imbis na ako pinupuntirya ninyong dalawa, humanap nalang kasi kayo ng mga syota ninyo eh. Ng may pagkaabalahan naman kayong dalawa.
JOE: At kailan pa nasingit at pagkakaroon ng syota sa usapang pagdidisiplina?
BUGOY: (hindi na umimik pa at biglang tumakas ng hindi na nakatingin ang mga kuya nya)
ARRON: Avigail!! Hoy! Bumalik ka nga dito! (kinausap si Joe)Naku! Ang sarap kalbuhin nyang babaeng yan! Napakatigas ng ulo. Igagapos ko yan eh ng hindi na makalabas.
JOE: Naku naman di ka na nasanay dyan! Siguro kung buhay pa sila mama at papa hindi magkakaganyan yan. Hayaan mo syang mahuli tignan lang natin kundi magtanda yang babaeng yan.
....sa may labasan
BUGOY: Oi! Pasensya na at nalate ako, sila kuya kasi ang kukulit!
ESLOVE: Nasermunan ka nanaman ng mga kuya mo noh?
BUGOY: Ano pa nga ba? Ano saan ba raket natin ngayon?
QUEN: Punta kaya tayo sa Mall, maraming tao dun tutal Sabado naman ngayon maraming tao dun ngayong araw na toh! Tiba-tiba tayo dun.
BUGOY: Oh tara na para naman makarami tayo.
CHAPTER 2
....sa loob ng mall
ESLOVE: Ano maghiwa-hiwalay na tayo para hindi tayo agad mahuli.
BUGOY: Sige dun na kayo, pag may nadilehensya ako abot ko agad sa inyo. Tago na kayo dun sa gilid dali.
QUEN: Oh pare ingat sa pagdudukot ha, siguraduhin mong hindi sisigaw ang dudukutan mo.
BUGOY: Pinangangaralan mo ba ako? Sige na dali at may naispatan na akong dudukutan ko dali. Ingay nyo eh baka may makarinig sa atin nito eh.
...nagmamatyag ng makita ang isang babaeng may hawak ng bag na bukas bigla nya itong hinablot.
BABAE: (nagsisisigaw)Mandurukot!!! Tulungan ninyo ako!
...sakto hindi pa nakakalayo si Bugoy ay naharang na sya ng isang guwardya.
GUARD: Huli Ka!! Akala mo makakatakas ka ha! (hinawakan nya ito at pinage ang mall management para tumawag ng pulis)
BUGOY: (nilingon sila Eslove at Quen para tignan kung nandun pa sila pero nakatakbo na ang mga ito)Manong naman eh! Pwede bang pakawalan nyo na ako? Tutal hindi ko naman tuluyang nakuha yung bag nung babae eh. Sige na!
GUARD: Naku pwede ba! Kumita na yang excuse mo na yan. Papunta na daw ang mga pulis. Sa prisinto ka na magpaliwanag.
....makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang mga pulis
PULIS: Ikaw nanaman? (namukaan si Bugoy)Pasensyahan at ngayon hindi ka na makakatakas!
BUGOY: Boss, sige naman na parang awa mo na!
PULIS: Hindi! Lika na! (pinosasan si Bugoy at binigkas arresting protocol) You have the right to remain silence anything you say can and will be used against you. You have the right to have your attorney if you can't afford one, One will be provided for you.
BUGOY: Nakaman ng! Boss talagang dapat ingles? Sosyal nyo naman! Saang internet nyo nakuha yang linya na yan.
...hindi na kumibo ang pulis at tuluyan na syang dinala sa prisinto.
...sa loob ng prisinto
PULIS: Oh sige kuhanan nyo na sya ng fingerprints at tapos picturan nyo na din at ikulong na yan.(tumingin kay Devon)Miss, meron ho ba kayong pangpyiansa? O meron kayong kilala na makakatulong sa inyo para makalabas kayo dito?
BUGOY: Pasensya na ho ah! Pero diba obvious na nandudukot ako nung nahuli ako? Eh di ibig sabihin wala akong pera na pangpyiansa.
PULIS: Sumasagot ka pa ng ganyan!Meron ka bang kamag-anak na gusto mong tawagan?
BUGOY: Meron po sana kaso lang baka lalo nila akong pabayaan dito eh.
PULIS: Sige na ipasok nyo na yan dun sa loob.
CHAPTER 3
...nag background check sila kay Bugoy
PULIS: Naku malaking pera ang kailangan nitong babaeng ito para makalabas dito. Eh hindi lang pala mandurukot ito eh. Nahuli na din sya sa ibang lugar na akyat bahay tapos may attempted murder pa sya sa record nya. Tawagan mo nalang yung si Mr. David Concepcion para matulungan sya.
PULIS: Sige po boss! Papapuntahin ko na po si Mr. Concepcion dito.
...sa kabilang banda
ARRON: Joe! Tumawag na ba sayo si Avigail? Kanina pa umalis yun eh nagaalala na tuloy ako.
JOE: Hindi pa naman, naku di ka na nasanay dun sa babaeng yon. Hayaan mo sya uuwi din yon.
...biglang nagring ang telepono ni Arron
ARRON: Hello!
PULIS: Kayo po ang kamag-anak ni Avigail Seron?
ARRON: Kapatid ko po sya bakit ano po ngyari sa kanya?
PULIS: Nandito po sya ngayon sa prisinto, nahuli po sya kanina sa loob ng mall na nadurukot. Eh medyo mas mabigat pa po duon ang kaso ng kapatid ninyo dahil sa background check na ginawa namin sa kanya kanina kaya kailangan po nyang kumausap ng isang abogado. Kung gusto nyo po syang puntahan, puntahan nyo na lang po sya dito sa may prisinto.(binigay ang information ng prisinto)
ARRON: Sige po boss, salamat po!(pagbaba ng telepono)Lintik na babae talaga yan oh! Sinasabi ko na eh iba yung kaba ko ngayon eh.
JOE: Bakit ano ngyari kay Avigail?
ARRON: Ayun nahuli nakakulong sya ngayon. Ang tigas kasi ng ulo! Ano sasama ka ba? Puntahan na natin sya.
JOE: Aba syempre ng masigawan ko yang babaeng yan sa katigasan kasi ng ulo.
...sa may prisinto
PULIS: Ms Seron! May bisita ka.
BUGOY: Sino po?
PULIS: Mga kuya mo!
...pumunta sa visitation area ng prisinto
BUGOY: (biglang nagpaawa)Mga Kuya!! Sabi ko na hindi nyo ko matitiis eh!
ARRON: Magtigil ka dyan sa kadramahan mo ha Avigail! Yan na nga ba sinasabi ko eh, ang tigas kasi ng ulo mo eh. Kung nakinig ka lang sana eh di hindi na humantong sa ganito.
JOE: Ano ba kasi ang pumasok dyan sa kokote mong babae ka? Wala ka ng pinapakinggan sa aming mga kuya mo eh.
BUGOY: Mga kuya naman eh!Tulungan nyo nalang kaya akong makalabas dito imbes na sinesermunan nyo ako.
ARRON: Hindi pa pupuwede dahil mas mabigat ang kaso mo. Kailangan mo daw kumausap sa isang abogado para matulungan ka. Habang naghihintay tayo ng resulta didilehensya muna kami ng pang pyiansa mo.
PULIS: Ms Seron! Kailangan mo ng magpaalam sa kanila, nandito na ang abogado mo.
CHAPTER 4
JOE: Boss, pwede po ba kaming magstay para makausap na din po namin yung abogado nya?
PULIS: Pwedeng pwede po. Sige tatawagin ko lang po si Mr. Concepcion
...pagpasok ni David sa visitation area ng prisinto
DAVID: Hi! I'm David Concepcion! And you must be (nakatingin kay Bugoy)Ms. Avigail Seron?
BUGOY: Bugoy ang tawag nila sa akin. Nakakasuka kasi ang Avigail eh masyadong babaeng babae ang dating.
ARRON: Ako nga pala si Arron at ito naman si Joe mga kuya nya kami.
DAVID: Well, it's nice to meet you three. Shall we begin?
BUGOY: Alam nyo pwede nyo naman kaming tagalugin eh, nasa Pinas tayo! Hindi kasi ako marunong mag ispokining Englesh eh!
DAVID: (biglang natawa)Sige, pasensya na!
...at inexplain ni Bugoy ang lahat at nagusap-usap sila kung papaano sya makakalabas
DAVID: Sa ngayon, pwede kayong magpyiansa. Since meron nagsampa ng demanda sa'yo Bugoy,pwede ka pa din makalabas pero hindi ka maaaring lumabas ng bansa kailangan dito ka lang sa may district mamalagi habang nililitis pa ang kaso mo.
BUGOY: Eh ano po ba ang tsansya kong manalo sa kaso ko?Eh kasi naman po yung sinampa sa aking kaso na Attempted murder ng gagong mayaman na lalaking yun eh self defense lang naman po talaga yun. At hindi ko naman alam na kinasuhan nya pala ako.
DAVID: Well, nakatakbo ka kasi kaya hindi mo alam na kinasuhan ka. Pero may chance ka pa namang manalo eh, basta mapapatunayang self-defense ang ginawa mo. Kailangan lang natin na kausapin ang mga nakakita sa ngyari. Pagnagsilabasan sila mas malaki ang chance mong manalo.
ARRON: Eh boss, ang mahal po kasi ng pyiansa nya eh, meron ba kaming malalapitan na pwedeng tumulong sa amin financially para makalabas muna sya pagsamantala?
DAVID: Don't worry, ako na ang magbabayad nun.
JOE: Boss, ang bait nyo naman! Baka mapunta kayo sa heaven nyan pagnamatay kayo!
BUGOY: Kuya naman palabasin mo muna ako dito bago nyo sabihin yan.(biglang natawa)
ARRON: Ikaw(kausap si Bugoy)nakuha mo pang magbiro!Magpasalamat ka na lang dito kay David at tinutulungan ka!Mamaya dyan pabayaan ka nyan eh.
DAVID: It's ok, sanay na din ako sa mga ganyang biro! Sige I'll meet up with you guys nalang sa may front desk at aayusin ko na ang pyiansa mo para makalabas ka na dito.
CHAPTER 5
...matapos maayos ni David ang paper works ni Bugoy....
DAVID: Bugoy, makakalabas ka na dito pansamantala.
BUGOY: (kinamayan si David) Naku! Salamat talaga sayo. Ampp!!! Baka hindi ako makapagpigil mahalikan kita dyan eh. (nagulat si David sa sinabi ni Bugoy)Joke!! eto naman di na mabiro. Wag kang magalala di tayo talo!
ARRON: Hoi! Avigail, umayos ka nga! Mahiya ka naman kay Sir David, tinulungan ka na nga nagagawa mo pang magbiro.(tumingin kay David)Eh Sir, pagpasensyahan nyo na yang kapatid ko ha, nagiisang babae kasi yan sa amin eh. Nasanay lang sa mga asaran na ganyan.
DAVID: It's ok, no worries! Nakakatuwa nga kayo eh. Pero anyways, ayos na ang pyiansa mo makakalabas ka na ok. Here's my contact info. I already have all your personal info, including your address. Kaya wag kang magtatangkang gumawa ng kahit anong bagay naku alam ko kung saan ka nakatira.
JOE:Naku Sir David, wag kayong magalala, igagapos ko yang babaeng yan pagdating sa bahay para hindi na makalabas uli.
DAVID: Please David nalang wag na Sir. And I trust you two guys na kayo na muna ang bahalang mag monitor sa kapatid ninyo. I will call you to set up another meeting para mapagusapan na natin ang next step towards your case.
BUGOY: Salamat po talaga, sige hintayin na lang po namin ang tawag ninyo.
...tuluyan na silang umalis sa prisinto.
...sa bahay nila Bugoy
ARRON: Oh ano siguro naman magtatanda ka na ngayon noh! At ano, nasaan ang mga magagaling mong mga kaibigan ha?
JOE: hahaha tinakasan ka nila diba? Yan ba ang matatawag mong kaibigan? Nilalaglag ka sa oras ng pangangailangan~
BUGOY: Mga kuya, sorry na! Sige ano parusa ko?Sabihin nyo na!
ARRON: Parusa?Higit pa sa parusa ibibigay namin sayo.
CHAPTER 6
BUGOY: kuya naman eh, wag mo akong tinatakot ng ganyan.
JOE: Aba sa tingin mo tinatakot ka namin?
ARRON: Hoy Avigail tandaan mo, sobrang bigat ng kasalang nagawa mo!Hindi biro ang kaso sa'yo.
BUGOY: Kuya naman, self-defense lang naman kasi yung ginawa ko eh.
ARRON:Self-defense?Papaanong self-defense? Eh akyat bahay ka kaya. Kaya nga nagtangkang patayin ka nung tao eh.
BUGOY:Ha!Eh tanga sya eh, magpasalamat sya matalino ako at pinikturan ko sarili ko nung time na yon at nagmistulang parang pinagtangkaan nya akong reypin. Punit punit ang damit ko nung makauwi ako tapos nagkapasa pa ako.
ARRON: Aba at sa tingin mo dapat pa ka kaming magpasalamat dahil sa ngyari?Tandaan mo Avigail ha, pagsalamat ka at hindi ka natuluyan nung lalaking yun. Kumilos kilos ka nga ng tama. Parang hindi ka babae eh.
JOE: Alam mo kasi 'tol, paghindi pa din tumino yang babaeng yan, kalbuhin na natin para magtigil na sya. (sabay nagtawanan ang dalawang kuya ni Bugoy)
BUGOY: Sige pagtulungan ninyo kong dalawa. Siguro kung buhay pa sila mama at papa malamang ko maiintindihan nila ako.
ARRON: Kung nabubuhay siguro sila, lalo na si Papa, panigurado mas nauna pa syang kalbuhin ka at igapos ng patiwarek!Hindi gawain ng matinong babae yang mga pinagagagawa mo noh!
JOE: Naku! Maaga kong tatanda sa babaeng ito! O baka mas malala pa dun, baka tumanda akong binata ng dahil sayo!
BUGOY: Eh kaya nga sinasabi ko sa inyo na maghanap na kayo ng mga syota ninyo ng hindi ako ang pinupuntirya ninyo. Tapos sisisihin nyo ako pag tumanda kayong binata.
ARRON: Ay naku! Dyan ka na nga kahit kailan ka hindi ka matinong kausap. Hoy! Paalala ko lang sayo ha, hinding hindi ka makakalabas ng bahay ng hindi kami kasama.
JOE: At hinding hindi ka makikipagkita sa mga barkada mong walang kwenta.
BUGOY: Ay so pagrumaket ako gusto nyo din sumama? Kasi sabi nyo hindi ako makakalabas ng hindi kayo kasama eh. Hay naku mga kuya kung sa umpisa pa lang yan na ang ibig nyong sabihin sana sinabi nyo na ng maaga.Makikiraket lang pala kayo eh.
ARRON: Hoy! Tigil tigilan mo ako sa paggiging pilosopo mo ha. Hindi yan ang ibig kong sabihin. Tandaan mo lilitisin pa ang kaso mo.Dapat ngayon palang ay magdasal dasal ka na na hindi ka tuluyang makulong.
BUGOY: Eh kuya mukhang magaling naman na abogado si Mr. Pogi eh.
JOE: At pati ang abogado mo pinagdidiskitahan mo. Hindi ka type non noh! Sa mga ginagawa mo sa tingin mo hindi pa yun na turn off sayo?Ang ganda mo nga magna ka naman! Saksakan ng likot ng mga kamay!
CHAPTER 7
...kinabukasan tumawag si David kay Bugoy
DAVID: (kausap sa phone)Is this Ms. Avigail Seron?
BUGOY: Oo ako nga, sino toh?
DAVID: Hi Bugoy! This is your attorney, David.
BUGOY: Ah kamusta na Sir?
DAVID: I'm ok thank you and yourself?
BUGOY: Sir naman eh, ano ba sasusunod na inglesen nyo ko babagsakan ko kayo ng phone. Sabi ko naman sa inyo, I don't ispokining ingles eh.
DAVID: (tumawa ng malakas)Pasensya na nasanay lang kasi ako pagkausap ko ang mga kliyente ko.
BUGOY: Eh Sir, weh di ang isipin ninyo magkaibigan nalang tayo para naman hindi nyo na ko iniingles pa.
JOE: (narinig na kausap ni Bugoy ang abogado nya sa phone)Hoy! Wag mo ngang nilalandi yang abogado mo!
BUGOY: (pinatahimik ang kuya nya at bumulong)Shhh!!! Wag ka ngang magulo kuya! kanya kanyang diskarte lang ok.
DAVID: Kaya nga pala ako tumawag para magset up ng meeting with you. Kailangan nating pagusapan ang mga susunod nating hakbang. Ang first trial mo ay within the next few weeks kaya kailangan na natin magusap.
BUGOY: Ganun po ba? Sige kailan po ang meeting?
DAVID: Pwede ka ba today?
BUGOY: (biglang sumaya)Pwedeng pwede po! Anong oras po ba?
DAVID: Well since I'm free for the rest of the day, will you make it within the hour?
BUGOY: Sure Sir, bigay nyo nalang ang direksyon kung papaano pumunta dyan sa opis ninyo at para makapunta ako dyan.
....at ibinigay naman ni David ang direction at ibinaba na din ang phone.
BUGOY: (wagas ang ngiti dahil makakalabas na din sya sa wakas)Eh Kuya pano ba yan, kailangan ko daw pumunta sa opis ni Mr. Pogi! Kailangan daw naming magmeeting.
JOE: Hoy babae! Hindi date ang pupuntahan mo ha, meeting yun kasama ng abogado mo. Kung makangiti ka dyan kala mo kalandian ang aatupagin mo dun. At baka nakakalimutan mo, sasamahan ka namin dun para sigurado na hindi ka tatakas pagtapos mong pumunta dun.
BUGOY: Kuya naman eh! Hindi naman ako tatakas eh. Hindi ako lalarga sa layasan. At hindi ko naman type yung si Mr. Pogi eh. Hindi kalandian ang sasadyain ko dun ok.
ARRON: Alam mo 'tol ganito nalang tutal na sa akin naman ang number ni Sir David, tatawagan ko nalang sya at makikisuyo nalang ako na ihatid nya 'tong babaeng ito sa bahay pagkatapos ng meeting nila.
BUGOY: Kuya wag! Nakakahiya naman dun sa tao!
JOE: Nakakahiya o baka naman baka mabuking ka na may lakad kang iba?
BUGOY: Bahala na nga kayo dyan! (at pumasok sa kwarto para magbihis)
CHAPTER 8
...nagtungo sya sa opisina ni Attorney David Concepcion
BUGOY: (pagkapasok sa mataas na building) Boss saan po dito ang opisina ni Attorney David Concepcion?
GUARD: Ah ma'am sa 12th floor po! Suite B po yung opisina nya.
BUGOY: Ah ganun ba? Sige salamat!
...umakyat at agad nahanap ang opisinang hinahanap nya.
FRONT DESK: Welcome to Concepcion Law Firm ma'am, how may I help you?
BUGOY: Ah miss, may meeting po kasi ako with Attorney David Concepcion eh.
...agad naman syang nakita ni David dahil naglalakad ito sa may hallway
DAVID: Bugoy! Welcome to my lawfirm! Halika dun tayo sa opisina ko magusap.
...at nagtuloy ang dalawa sa opisina ni David...
BUGOY: (namangha sa mga nakikita sa paligid nya) Wow!! Ang ganda naman ng opisina nyo Sir! Ang ganda pa ng nasa labas ng bintana ninyo. Ang gara talaga!
DAVID: Please have a sit!
BUGOY: Oh Sir yan na naman kayo!
DAVID: Oh I'm sorry, I kept forgetting! Pasensya na talaga masasanay din ako. Anyway, umpisahan na natin. So kailangan nating i discuss ang mga susunodna mangyayari. We need witnesses para mas maging stronger ang case mo. Pag may witness ibig sabihin mas malaki ang chance mo na manalo sa case.
BUGOY: (tumatango lang sa bawat sinasabi ni David)
DAVID: Yung unang hearing mo sa kaso mo is in three weeks kaya kailangan na nating kumilos at kailangan ko din makausap ang mga witness. So my suggestion is kailangan mong maging honest sa bawat sasabihin mo. Bawal kang magsikreto ng kahit ano sa akin especially sa ngyari nung gabing yun. You have to tell me everything as in full details. Mas makakatulong ako sayo kung sasabihin mo sa akin ang lahat. Kasalanan mo man ang ngyari o hindi kailangan mo paring sabihin sa akin yan dahil dyan kita matutulungan. Did I made myself clear?
BUGOY: Opo!
DAVID: Ok sige first gusto kong ikwento mo sa akin ang ngyari nung gabing yun. In full details kung ano man ang natatandaan mo.
...at ikinuwento naman ni Bugoy ang lahat ng natatandaan nya.
...after a few hours of talking...
DAVID: Hmm!! Ok, so sinabi mo self-defense kasi pinagtangkaan kang patayin nung lalaki pero ginawa nya yun dahil pinagtangkaan mong nakawan ang bahay nya?(biglang natawa)Alam mo to be honest with you, kakaiba kang babae. My whole entire lawfirm career, wala pa akong na encounter na kagaya ng case mo! Siguro naman sa ngyari sa'yo na ito eh, this will serve as a lesson.
BUGOY: Eh Sir!Sa mahirap lang naman po kasi ako eh. Sa tindi na lang din po siguro ng pangangailangan sa buhay!
DAVID: Alam mo, marami kang pwedeng pagkakitaan. Hindi kagaya nyang ginagawa mo. Alam mo sayang ka maganda ka pwede mong gamitin ang ganda mo sa masa! Why don't you try modeling?
BUGOY: (tumawa ng malakas)
DAVID: What's so funny? Totoo naman sinasabi ko!
BUGOY: Eh kasi naman po boss, nakakatawa naman talaga yang sinasabi ninyo. Ako?Mageemote sa harap ng camera?Di ko keri ang magganyan!
DAVID: Alam mo napagaaralan naman ang lahat! Just believe in yourself. Alam mo malaki din ang kita ng mga model.You know, maayusan kalang, parang makeover na din, mas lalo pang lalabas ang pagiging maganda mo. You can use that look into something more than just being an akyat bahay!
BUGOY: Sir naman, 'wag naman po kayo ganyang magsalita baka naman bigla akong mailang sa inyo nyan eh. Baka isipin ko eh pinagnanasahan ninyo ako.
DAVID: (tumawa bigla)I really admire your honesty!But anyway, this ends our session. I'll be calling you again to schedule our next meeting.
CHAPTER 9
...makalipas ang ilang araw....
BUGOY: (tumakas sa bahay nila at nakipagkita sa mga kabarkada) Hoy pare! Long time no see!
ESLOVE: Hoy 'tol! Ano balita? Ilang araw din ka naming hindi nakikita ha?
QUEN: Oo nga eh, bantay sarado ka na yata ng mga kuya mo eh.
BUGOY: Hindi noh! Ano saan larga natin? Saan tayo raraket ngayon?
ESLOVE: Sigurado ka ba dyan sa gusto mong gawin? Eh kakahuli lang ulit sayo.
QUEN: Oo nga 'tol sigurado ka? Baka pagkami naabutan ng mga kuya mo eh, mapatay kami nun.
BUGOY: Hindi yan! Ako bahala sa inyo! Ano saan tayo?Gusto nyo dun tayo sa may Recto? O sa may Baklaran?
ESLOVE: Baclaran nalang muna tayo ngayon, tutal linggo naman eh, maraming magsisimba ngayon. Tiba-tiba tayo pagnagkataon nun.
...sa may Baclaran...
QUEN: Oh Bugoy magiingat ka ha, mahirap na at baka mahuli ka nanaman!
ESLOVE: Oo nga patay patay kami sa mga kuya mo nito!
BUGOY: Sige na ok lang ako.
...pero bago pa sila magsimula sa raket nila...
QUEN: (biglang nagpanic!)Naku malas! Tara na mga 'tol may abala ngayon dito! Daming pulis ayun dali nagkakahulihan na dali takbo na tayo.
...at biglang nagsitakbuhan ang tatlo...
...pagbalik sa kanila
ESLOVE: Muntikan na tayo dun ah!
BUGOY: Buti nalang nakita mo Quen! Kundi siguro baka nahuli na tayo.
QUEN: Eh ikaw lang kasi ang mapilit na rumaket ngayon eh. Dapat lielow muna tayo sa ganyan dahil nagkakainitan pa lalo na't may kaso ka pang lilitisin.
BUGOY: Eh nakakabato kasi sa bahay eh. Kinukulong ako dun walang kwenta kasi wala akong makausap na matino.
...biglang nag ring ang cell phone ni Bugoy...
BUGOY: (David calling...) Hello Sir! Ano po atin?
DAVID: Well as promised! Tinawagan lang kita para iset up ang next meeting natin. Are you free tomorrow?
BUGOY: Sir naman, nangiinsulto ba kayo?
DAVID: Bakit?
BUGOY: Eh tinatanong pa po ba kung busy ako eh, wala nga akong trabaho. Natural wala akong pupuntahan.
DAVID: Ok I'm sorry, but anyway be here in my office at 1 pm. Kung gusto mo lunch meeting nalang if you don't mind.
BUGOY: Eh Sir, nakakahiya naman po, eh wala naman po akong pera eh. Sa office nyo nalang po.
DAVID: No it's ok, my treat.
BUGOY: Ok sir sige po kayo bahala.
CHAPTER 10
...kinabukasan
BUGOY: Naku! Nakalimutan kong itanong kay Sir David kung saang resto kami magkikita.
DAVID: (tumatawag sa cell phone ni Bugoy)
BUGOY: Hello Sir! Eh tatawagan ko palang po sana kayo eh.
DAVID: Oh ganun ba? Tumawag lang ako dahil ibibigay ko sayo ang address at pangalan ng resto na pagmemeetingan natin.
BUGOY: Eh Sir, yan din kasi ang itatawag ko sa inyo eh hindi ko po kasi alam kung saan ang meeting natin.
DAVID: Sige anyway, eto ang address. (ibinigay ang address)
...sa meeting place nila na resto
BUGOY: (Pumasok sa loob ng resto)Naku naman nakakahiya yata itong suot ko. Saan na ba kasi yung taong yun?
DAVID: (nakita si Bugoy at kinawayan)
BUGOY: Ayun! (kumaway din pero nagiba timpla ng mukha)Aba may kasamang ibang babae, sino kaya yun?
DAVID: Bugoy! Glad you made it. By the way I want you meet my fiancee, Coleen! Coleen this is my client Bugoy.
BUGOY: Hi po!
COLEEN: (ngumiti ng tipid kay Bugoy)
DAVID: Sinama ko na sya, I hope it's ok with you. We usually go to lunch together eh.
BUGOY: Ah, O-okay lang naman po Sir!
COLEEN: (hindi nagsasalita pero iniirapan si Bugoy at pinagmamasdan mula ulo hanggang paa)
DAVID: Coleen, honey, sya yung kinukwento ko sayo na kliyente ko ngayon.
COLEEN: Ah so you're the magnanakaw?
BUGOY: (nakaramdam ng insecurity sa katawan at parang nahiya bigla) Ah ma'am parang ganun na nga pero hindi na po ngayon.At yung kaso ko po na yun eh self-defense lang.
COLEEN: So since when an akyat bahay had to do a self-defense after the homeowner tried to go after her.
DAVID: Honey, calm down! Kaya nga ako nandito para tulungan sya eh.
BUGOY: Ah ok lang po yun Sir David, tama naman po sya. Siguro nga po wala akong laban sa case na 'toh!
COLEEN: I mean don't get me wrong Bugoy! But seriously, hindi ka papaniwalaan ng jury sa mga sasabihin mo.
DAVID: Coleen, that's enough! Please let me handle her case ok.
CHAPTER 11
COLEEN: You know what? I don't even know why I agreed to go with you on this meeting. I'll leave you to alone. Bye David, just give me a call later.
DAVID: Mabuti pa nga siguro. Sige, I'll talk to you later.
BUGOY: (pagalis ni Coleen) Sorry Sir, pati fiancee mo nagalit sa akin.
DAVID: Don't worry about her, she's always like that. She wants everything her way.Spoiled kasi masyado kaya ganyan ang ugali nya.
BUGOY: Naku Sir, eh paano nyo po sya natatagalan ng ganyan?
DAVID: (ngumiti lang kay Bugoy)
BUGOY: Ay sorry po Sir, ayaw ko pong manghimasok sa personal ninyong buhay.kasi naman po naumpisahan ng mapagusapan eh. Ayaw kong isipin ninyo na chismosa ako.
DAVID: Don't worry about it. Let's just focus on your case.
BUGOY: Sorry ulit Sir.
....at tuluyan nilang pinagusapan ang kaso ni Bugoy
...makalipas ang isang oras
DAVID: So that concludes our meeting.
BUGOY: Sige po Sir, tutuloy na po ako.
DAVID: Sige I'll be seeing you in a few days for your first trial on your case.
...paglabas ng resto nakita ni David na naghihintay ng sasakyan si Bugoy
DAVID: Waiting for your ride?
BUGOY: Ah boss, naghihintay po ako ng jeep o kaya ng bus pauwi sa amin.
DAVID: Do you need a ride home?
BUGOY: Ah Sir, hindi na po nakakahiya na po sa inyo eh.
DAVID: No it's ok, hatid na kita sa inyo.
CHAPTER 12
BUGOY: Eh hindi na po Sir, ok lang po talaga ako. Kaya ko na po na umuwi magisa.
DAVID: Ikaw eh may lakad pang iba kaya ayaw mong ihatid kita?
BUGOY: Eh hindi naman po sa ganun Sir, hindi lang po talaga ako sanay na may naghahatid sa akin sa bahay.
DAVID: Sige na, I insist!
BUGOY: Sige na nga! Mapilit kayo eh.
...sa loob ng kotse
BUGOY: Sir, pasensya na po talaga kayo kanina, kasi pati kayo ni Ma'am Coleen mukhang nagaway ng dahil sa akin.
DAVID: Look, hindi mo naman kasalanan eh.So hindi ka dapat magsorry. Ganun lang talaga yun.
BUGOY: Eh Sir, hindi naman sa nakikialam ako, pero paano nyo kayo nagkakasundo ni Ma'am Coleen? Kasi mabait naman kayo pero sya mukhang mataray.
DAVID: Mabait din naman yun, sanayan lang din siguro.
BUGOY: Naku sir, kung ako siguro nasa katayuan ninyo baka hiniwalayan ko na yun.
DAVID: Bakit nagkaboyfriend ka na ba?
BUGOY: Hindi pa, wala naman akong balak magkasyota sa ganitong edad ko eh.
DAVID: Bakit naman? Tomboy ka ba?
BUGOY: Naku Sir ha, nakabihis lalaki nga ako pero babaeng babae ako. Never kong pinagnasahan ang kapwa ko babae.
DAVID: Sorry to offend you. Tinanong ko lang.
BUGOY: Ok lang yun Sir. Nagpapaliwanag lang naman ako eh. Hindi lang naman kasi kayo ang unang taong nagtanong sa akin nyan. Madalas sa akin itanong yan ng mga tao.
DAVID: Eh kilos lalake ka kasi eh. Sayang may itsura ka pa naman. Anyway, were here sa inyo. Sige kita nalang tayo sa hearing ng case mo. Wag mong kakalimutan ha.
CHAPTER 13
BUGOY: Sige po Sir, ingat po sa paguwi ninyo.
...at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay si Bugoy
...makalipas ang ilang araw
ARRON: Avigail, ready ka na ba sa hearing mo mamaya? Galingan mo kapatid ha! Alam ko naman na kaya mo yan eh.
JOE: Magayos ka na at baka ma late pa tayo sa court.
BUGOY: Sige mga kuya magaayos lang ako sandali tapos alis na din tayo.
...pagdating sa may korte
DAVID: (sa labas ng court room)Bugoy, tandaan mo yung mga pinagusapan natin. Goodluck!
...makalipas ang halos isang oras ng paglilitis ng kaso ni Bugoy....
DAVID: Whew!!That was some hearing in their. Everything went well pero dapat hindi pa din dapat tayo pakampante, now our next step is to talk to the witnesses. So make sure Bugoy, you tell me where I can reach them para ako mismo ang kakausap sa kanila.
BUGOY: Sige po Sir!
DAVID: So paano ba yan the next hearing is within the next week. So let's be aggressive and I'll be contacting you within the next two days Bugoy for our next meeting.
BUGOY: Thank you po Sir!
ARRON: Sige po boss!
...at tuluyan ng umuwi sila Bugoy
...kinabukasan
BUGOY: Mga kuya lalabas lang ako ha (tinitigan ng masama ng mga kuya nya)Oh! Bakit ganyan nanaman kayong makatingin sa akin?Hindi ako raraket noh!
JOE: Siguraduhin mo Avigail ha! Talagang tatamaan ka sa akin pagnahuli kitang rumaraket nanaman!
BUGOY: Hindi kuya, pangako hindi ako raraket!
...sa may labasan
ESLOVE: Uy 'tol, ano kamusta na ang hearing?
BUGOY: Ok naman, pero maiba ko. Tara alis tayo.
QUEN: Ano yan, raket nanaman?
BUGOY: Mga ulol! Hindi ano, labas lang tayo nakakabato dito sa bahay eh. Kahit saan. Kahit maglakad lakad sa mall. Basta bahala na kung saan man tayo dadalhin ng mga paa natin.
QUEN: Sige, ikaw bahala! Tara, pero alam ba ng mga kuya mo na aalis tayo?
BUGOY:Hindi pero nangako naman akong hindi tayo raraket eh.
ESLOVE: Sige na tara na!
...sa loob ng mall.
QUEN: Ano ba kasi gusto mong gawin natin dito?Eh wala naman tayong pera eh.
BUGOY: Bakit masama bang pumunta ng mall kahit wala kang bibilhin?
ESLOVE: Oo nga naman!
BUGOY: (biglang nakita ang pamilyar na imahe sa di kalayuan na may kasamang babae) Uy! Si Sir David yun ah.
ESLOVE: Saan? (tinuro ni bugoy sa kanila)Uy, syota nya ba yung kasama nya, grabe ang ganda naman nun!
BUGOY: (hindi kumikibo at tinititigan lang ang dalawa na sobrang sweet sa isa't isa)
QUEN: Huy! 'tol iba nayang tingin mo ha. Baka matunaw na yang abogado mo.
BUGOY:Siraulo ka talaga! (Nakaramdam ng inggit kay Coleen).
CHAPTER 14
...nakita ni David si Bugoy
BUGOY: Ay naloko na! Nakita pa tayo, tara na dali!
ESLOVE: Eh bakit ba bigla kang nagkaganyan, eh ano naman ngayon kung nakita tayo. Hindi naman masamang kausapin natin sila, abogado mo naman yan eh.
...lumapit kila Bugoy
DAVID: Hi Bugoy! (nakapulupot ang mga kamay ni Coleen sa kanyang braso at iniirapan sya)
BUGOY: Hi po Sir! Sya nga po pala mga kaibigan ko, Si Eslove at si Quen po. Sila po pala yung mga witness sa kaso ko.
DAVID: (nakipagkamay naman sa dalawa)Nice to meet you both! By the way, this is my fiancee Coleen.
...nakaramdam ng matinding insecurity si Bugoy.
BUGOY: Ah sige po Sir, alis na po kami baka po kasi nakakaabala kami sa inyo eh.(at tinignan nya ang dalawang kaibigan at binigyan ng sensyales na kailanga na nilang umalis)
ESLOVE: Ah sige po boss!
...at kumaway nalang si Quen
DAVID: Sige Bugoy, pero bago kayo umalis, are you available tomorrow noon?
BUGOY: Opo sir, pwede po ako. Para po ba sa meeting natin?
DAVID: Yup, kita nalang tayo sa same resto tomorrow same time din.
BUGOY: Sige po sir!
...at tuluyan ng umalis ang tatlo.
QUEN: (napansin ang pananahimik ni Bugoy)Huy! Ano ba nangyayari sayo? Bigla ka nalang naging ganyan?
ESLOVE: May gusto ka ba dun sa abogado mo?
BUGOY: Mga baliw! Gutom lang yan, tara na umuwi na tayo at ng makakain!
...pagdating sa bahay nila dumretso si Bugoy sa kwarto.
BUGOY'S POV: (tumingin sa salamin at tinanggal ang tali ng buhok) Hmmm, mas maganda naman ako dun ng dihamak! Ano kaya nagustuhan ni Sir David dun sa babaeng yun?
JOE: Ehem ehem!
BUGOY: Oh kuya kanina ka pa dyan? (biglang inayos ang sarili)
JOE: Eh kanina pa kaya kita tinatawag, pero mukhang busing busy ka sa pagtitig sa sarili mo sa salamin. Sino ba kinakausap mo?Nababaliw ka na Avigail? At kanina pa kita naririnig kausap ang sarili mo.
BUGOY: Ah kwan eh kuya kasi ano, wala yun nagpapractice lang ako ng sasabihin ko pag nakaharap na ako sa mga jurors.
JOE: (mukhang hindi kumbinsido)Ah s-sige bumaba ka na at kakain na tayo. Nakahain na ang hapagkainan.
CHAPTER 15
...kinabukasan sa meeting nila Bugoy at David
DAVID: (naghihintay sa loob ng resto)
BUGOY: (kakarating lang sa resto, medyo na late)Sorry po Sir, na late ako trapik kasi eh hirap pang humanap ng sasakyan.
DAVID: No it's ok! (nakitang paparating si Coleenat sinenyasan ito)Hey honey! I'm glad you made it. Kala ko hindi ka na makakarating eh.
COLEEN: (masama ang tingin kay Bugoy at sabay tumingin kay David)Me? Of course not honey, I wouldn't miss this lunch date for a thing.
DAVID: Well, you know this is not a date honey, I have a meeting with my client, Bugoy! Well anyway, sige order muna tayo ng food and then let's start the meeting.
BUGOY: (nakaramdam ng pagkailang at sya namang napansin ni Coleen)
COLEEN: You know Bugoy, hindi ka pa nagkakaboyfriend?
BUGOY: Hindi pa po eh.
COLEEN: Well, I wouldn't doubt it! Mag ayos ka naman kasi para may pumansin sayo.
DAVID: (biglang nagalit)Coleen, watch your mouth!
COLEEN: What? I'm just telling the truth! kung...
DAVID: Enough already!
BUGOY: Ah sir, pwede po bang ipa schedule nalang ulit itong meeting natin. Sa ibang araw nalang po may lakad pa din po kasi akong iba eh. Pwede po ba sa opisina nyo nalang tayo magmeeting? (palusot nyang pagsabi)
DAVID: Are you sure? I mean nandito naman na tayo eh.
COLEEN: David, it's fine! Let her go kung hindi na sya pwede! (biglang bumulong )Arte arte! Paimportante masyado!
BUGOY; (gusto nang umiyak dahil sa mga binitiwang salita ni Coleen)Sige po Sir, alis na po ako.(at ora-oradang umalis ng hindi manlang pinagsalita si David)
CHAPTER 16
...pagalis ni Bugoy
DAVID: What is your problem?
COLEEN: Now you're going to blame me?
DAVID: Why did you have to say those harsh words to her? That was so unnecessary!
COLEEN: Pinagtatanggol mo ba yung babaeng yun?
DAVID: Hindi sa ipinagtatanggol ko sya Coleen, but what you did was so un-called for!
COLEEN: Alam mo since you met that tomboy, you're starting to make me think that you have some kind of hidden desire on her. Kung ganyan ka ng ganyan bahala ka na sa buhay mo! (hinubad ang engagement ring)Eto ang singsing mo! Ibigay mo kay Bugoy mo baka sakaling pumayag syang pakasal sayo! (sabay umalis ng resto)
DAVID: Shit!!! (sabay tawag sa waiter para bayaran nalang ang bill)
...sa labas ng resto
BUGOY: (naghihintay pa din ng sasakyan)Ano bayan! Ngayon pa ako minalas ng todo-todo oh! Ang hirap naman kumuha ng masasakyan!
DAVID: (paglabas ng resto)Oh Bugoy! You're still here!
BUGOY: Ah sir, mukhang minamalas po kasi ako ngayon sa pagkuha ng masasakyan eh.
DAVID: Ganun ba? Tara hatid na kita sa inyo!
BUGOY: Naku sir! Wag na po, ok lang po talaga ako! Makakahanap din po ako ng masasakyan.Tsaka nakakahiya naman po kay Ma'am Coleen eh.
DAVID: Don't worry about her, wala na rin naman sya dito eh. Actually, I think that would be the last time you'll see her.
BUGOY:Ha? Bakit naman po? Hindi na po ba kayo maglulunch date ulit?
DAVID: No, no more lunch dates with her. Never again!
BUGOY: Naku sir, kung ako po ang naging dahilan ng away ninyo, kakausapin ko nalang po sya.
DAVID: No, no need to do that! Matagal ko na din namang gustong gawin yun eh. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa pinatagal eh!But anway, come on I'll give you a ride home na!
BUGOY: Eh Sir, may lakad pa po kasi akong iba eh.
DAVID: Bugoy, sino naman ang niloko mo?I know kaya ka umalis kanina sa loob ng resto, alam ko din na wala kang ibang lakad kaya wag ka nang magpalusot! Ako na nghihingi ng paumanhin sa mga sinabi ni Coleen sayo. I know naman na nasaktan ka din nya sa mga binitiwan nyang salita eh. So paano yan? Let's go na para hindi tayo ma traffic!.
CHAPTER 17
...sa loob ng kotse
BUGOY: (napansin ang pananahimik ni David) Ah sir! Ok lang naman po sa akin na hindi ninyo ako ihatid eh.
DAVID: No, I insist! Ok lang naman!
BUGOY: (hindi pa muling nagsalita dahil nahihiyang magtanong kay David)
DAVID: Are you ok?
BUGOY: Ha?Ah ako po? Ok lang naman po ako.
DAVID: Para kasing malalim ang iniisip mo eh.
BUGOY: Naku Sir, kayo po kaya yung kanina pa tahimik! (biglang nahiya sa sinabi) Ah sir! Sorry po!
DAVID: Sorry for what? Alam mo ikaw kanina ka pagnagsosorry eh, wala ka namang ginawang kasalanan sa akin. Kung tutuusin si Coleen ang may kasalanan sayo dahil sa mga sinabi nya.
BUGOY: Naku! Sir, wala po yun, hindi naman po nya kasalanan yun eh. Totoo naman pong walang papatol sa akin dahil sa itsura ko.
DAVID: See that's what I'm saying, malaki ang epekto sayo ng mga binitiwang salita ni Coleen! What makes you say that?
BUGOY: Eh sir, tignan nyo naman po itsura ko, eh daig ko pa kayo kung manamit eh. Ilang beses na din po kasi akong napagkamalan na tomboy!
DAVID: But that doesn't mean you are one! At wala sa pananamit ng isang tayo yan. Wag mong gawing basehan ang mga sinusuot mong mga damit. Maganda ka Bugoy! Maraming lalaking magkakandarapa sayo, kung bubuksan mo lang ang puso mo na magpaligaw. (at biglang hawak sa kamay ni Bugoy)
BUGOY: (biglang tumitig sa kamay ni David at agad tinggal ito)Ah sir, hindi nyo naman po kailangan na bolahin ako eh. Ayos na po sa akin yung ganito ako.
CHAPTER 18
DAVID: Well, anyway I didn't mean to make you feel uncomfortable. Sige since nandito naman na tayo sa inyo, I guess I'll just see you tomorrow in my office.
BUGOY: (nahihiya)T-t-thank you po ulit sa paghatid Sir David. S-sige po bukas nalang po ulit sa office ninyo. Salamat po ulit and again Sorry po ulit sa nangyari kanina.
DAVID: Enough with your sorry Bugoy! Sige I better go, I'll see you tomorrow! (at tuluyan ng umalis)
...pagalis ni David...sa loob ng bahay nila Bugoy
ARRON: Oh ang bilis naman yata ng meeting mo?
BUGOY: Eh kuya kasi ano eh, kwan kasi eh!
ARRON: Ano? Bakit may ngyari ba?
BUGOY: Eh Kinansel ko nalang po.
ARRON: Kinansel mo? Bakit? Ano nanamang drama yan Avigail?
BUGOY: Eh kasi kuya yung mapapangasawa ni Sir David nandun nanaman.
ARRON: Eh ano naman ngayon kung nandun sya? Bakit may ginawa ba sya sayo na hindi maganda?
BUGOY: Wala naman kuya kaso lang kasi ano eh...(hindi natapos ang sasabihin)
ARRON: Teka nga, ako nga tapatin mo babae ka, ikaw ba eh may gusto sa abogado mo?
BUGOY: Kuya naman!
ARRON: Aba bakit? May masama ba sa sinabi ko? Wala naman!
BUGOY: Eh kasi naman yang tanong mo kuya eh.
ARRON: Aba normal lang naman na magkagusto ka sa isang lalaki, eh pwera nalang kung tomboy ka ha!
BUGOY: Naku kuya, babaeng babae ako noh!
ARRON: Eh yun naman pala eh. Alam mo kapatid, walang masama kung magkakagusto ka sa abogado mo, gwapo at talaga namang may itsura yun kaso nga lang, hanggang dun lang yun hindi kayo bagay. Mahirap ka lang tapos sya mayaman at kilala sa linya ng trabaho nya. Tsaka hindi ka type nun noh!
BUGOY: Ouch naman kuya! ok na sana eh, kaso siningit mo yung huli!
CHAPTER 19
...sa loob ng opisina ni David
COLEEN: (biglang pumasok sa opisina ni David)Hi honey!
DAVID: (hindi napansin ang pagdating ni Coleen dahil nakatulala at nakangiti magisa)
COLEEN: Hello Mr. Concepcion! Are we on the same planet?
DAVID: (nagulat bigla)Coleen! What are you doing here?
COLEEN: Masamang bang bisitahin ka?
DAVID: But why would you visit me? Wala na tayo Coleen baka naman nakakalumutan mo?
COLEEN: Since when? Don't tell me eh may pinalit ka na agad sa akin? Dahil sa mga ngiti mo kanina eh mukhang masaya ka at naghiwalay tayo.
DAVID: Please Coleen, let's not talk about this matter in my office. Maybe some other time, my own personal time.
COLEEN: Fine!(Paalis na sana pero lumingon ulit at nagsalita)Alam mo sana mali ang kutob ko, sana hindi ang Bugoy na yan ang dahilan ng mga ngiti mo kanina. Coz the way I see it, malaki ang chance na sya ang dahilan. (biglang umalis)
...naiwang nakatitig sa kawalan...
DAVID'S POV: David, mali yang naiisip mo! Hangga't kliyente mo si Bugoy, hindi pupwedeng malapit ang kalooban mo sa kanya! Againt's the law yang balak mong gawin. Pero hmmm, ano nga ba ang balak kong gawin? Wala pa naman, nasisiyahan lang ako pag sya ang kausap ko. Hayy!!! Iba na yata itong naiisip ko.
...kinabukasan sa opisina nya
SECRETARY NI DAVID: (kumatok sa pintuan ng opisina nya)
DAVID: Come in!
SECRETARY NI DAVID: Sir, Ms. Avigail Seron is here now to see you.
DAVID: Oh yah please let her in. (pagpasok ni Bugoy)Hi Bugoy!
BUGOY: Hi po Sir!Pasensya na po at medyo napaaga po yata ako ng punta dito.
DAVID: No, it's ok, hindi naman ako masyadong busy.Please have a sit!
BUGOY: Salamat po!
DAVID: (hindi mapigilang ngumiti ng walang dahilan na sya namang napansin ni Bugoy)
BUGOY: Sir, ok lang po ba kayo?
DAVID: Ha?Ah oo ok lang ako bakit?
BUGOY: Eh kasi sir parang sobrang saya nyo eh. Kanina ko pa napapansin na panay ang ngiti ninyo magisa. Nagkaayos na po ba kayo ni Ma'am Coleen? Kaya po kayo masaya?
BUGOY'S POV: Sana hindi pa! Parang awa nyo na po Dyos ko sana hindi pa sila nagkakaayos!
DAVID: Ha! Ah no! Hindi pa, masaya lang ako at matutuloy na din ang meeting natin. (palusot na sagot)
CHAPTER 20
BUGOY'S POV: Parang hibang yata itong si Sir David! Ok lang kaya sya?Kahiya namang tanungin.
DAVID: So shall we begin our meeting?Please have a sit!
BUGOY: (parang hindi narinig ang sinabi ni David)
DAVID: Bugoy! Are you ok? Ikaw naman yata ang parang wala sa sarili.
BUGOY: Ah hindi naman po sa ganun Sir, may naalala lang ako.
BUGOY'S POV: Nyiemas naman oh! Ano ba Bugoy, pay attention naman! Yan tuloy nahalata ka na may iniisip.(umupo na sa chair)
...at lumipas ang oras at nagpatuloy sila sa kanilang meeting.
...matapos ang ilang oras....ay nakaramdam na ng gutom si Bugoy at biglang kumalam ang sikmura.
BUGOY'S POV: naku naman matagal pa kaya ang meeting na ito? Ginugutom na ako eh. Kailangan ko ng umuwi para makakain ako.
DAVID: (biglang ngumiti dahil narinig ang pagkalam ng sikmura ni Bugoy)Are you hungry? You know what, hindi pa din naman ako kumakain ng lunch eh, why don't we go out for lunch duon na lang natin ituloy ang meeting natin.
BUGOY: Naku! Sir, wag na po ok pa naman po ako eh. Matitiis ko pa naman yung gutom ko.
DAVID: Are you sure?
BUGOY: Opo Sir! (at nagbigay ng ok sign.)
...ilang sandali lang ay kumalam nanaman ang sikmura ni Bugoy
DAVID: (biglang tumingin kay Bugoy)You know what?I won't take no for an answer this time. Don't worry it's my treat!
BUGOY: Ha? Eh kwan po kasi Sir eh, nakakahiya naman po sa inyo. Kinansel ko na nga po yung meeting natin kahapon at ako pa naging dahilan ng paghihiwalay ninyo ni Ma'am Coleen tapos ngayon naman po ililibre ninyo ako ng lunch. Wag na po Sir! Sobra sobra na po yung kabaitan ninyo!
DAVID: Bugoy, magagalit ako sa iyo nyan dahil tinatanggihan mo ang invitation ko.
BUGOY: Sabi ko nga po eh tara na! (at sabay tayo sa upuan.)
...sa loob ng kotse
DAVID: So where would you like to have lunch?
BUGOY: Naku! Sir naman ako pa ang papapiliin ninyo. Kayo nalang po, kung ako lang masusunod eh duon tayo sa mura pero masarap na pagkain, kaso baka po kasi mandiri kayo sa mga pagkaing kanto eh.
DAVID: Pagkaing kanto? Ano naman yun? Com'on try me!
BUGOY: Kayo bahala sir ha basta walang sisihan. Sige duon po tayo sa may malapit sa amin. Sa may kanto daming makakainan dun. Karinderya, isawan, lugaw at tokwa't baboy, at ang pinakamasarap sa lahat at ang pinakapaborito ko eh yung fish balls sir!
DAVID: Hmmm...sige ko yan. Pero pag hindi ako nakapasok bukas sa law firm ko ibibilin ko nalang sa mga sekretary ko na ikaw ang unang puntahan.
BUGOY: (biglang nakaramdam ng takot) Sir naman eh! Walang ganyanan.
DAVID: (biglang natawa) Eto naman hindi na mabiro! Looses up will you! Parang masyado kang conscious pag tayo ang magkaharap napakapormal! Please pagwala tayo sa opisina ko just call me David ok, like now!
BUGOY: Oh sige po...(medyo nagaalangan) David!
DAVID: And please naman hindi nagkakalayo ang age natin, you're making me feel so old everytime naririnig ko sayo ang "po at opo" it's too formal you know!
BUGOY: (ngumiti) Oh sige David!
BUGOY'S POV: Tama ba itong mga naririnig ko sa lalaking ito? Dyos ko senyales na po ba itong mga binibigay ninyo sa akin?
CHAPTER 21
DAVID: (biglang napansin ang pananahimik ni Bugoy)Are you ok? Medyo madalas ko ng napapansin na napapadalas ang paggiging tulala mo! May iba ka bang problema?
BUGOY: Ha? Naku naman Sir, wala po! May naaalala lang po kasi ako eh.
DAVID: Alam mo nacucurious tuloy ako kung ano yang naaalala mo eh. Dahil palagi ka nalang nagiging ganyan ang reaksyon. Siguro ka ba ok ka lang?
BUGOY: Ok lang ako pramis!Kayo ha, nahahawa na kayo sa pagiging chismosa ko!
DAVID: (biglang natawa)Hindi naman ganun! Pero kakaiba lang kasi ang nagiging reaksyon ng mukha mo eh, parang super random ng emotions mo na ganyan kaya naman talagang nakakacurious kung bakit ka ganyan minsan.
BUGOY: Naku wag nyo nalang akong pansinin ganito talaga ako kung minsan. (palusot na pagsabi nya)
DAVID: Ok sige sinabi mo eh!
BUGOY: Oh Sir, dyan nalang ninyo ipark ang sasakyan! Nandito na po tayo.
DAVID: (ipinark ang sasakyan sa tabi at lumabas na sila)
...habang kumakain
DAVID: Bugoy can I ask you something?
BUGOY: Oo naman! Ano yun?
DAVID: I hope I won't offend you but, never bang pumasok sa isip mo na magsuot babae? I mean babae ka nga pero parang hindi naman dahil sa mga damit na sinusuot mo!
BUGOY: Ay naku! Gustuhin ko man pero wala naman akong pera na pambili ng mga ganung damit. Ikakain ko nalang yung ipambibili ko ng bagong damit.
DAVID: Well, I guess you have a point.
BUGOY: Bakit mo nama naitanong?
DAVID: Wala lang na curious lang ako kasi never pa kitang nakitang nagdamit pambabae eh. Puro pantalon at maluluwag na tshirts ang sinusuot mo. Nagmumukha ka tuloy tomboy!Baka naman kaya walang manligaw sayo dahil palaging akala eh, tomboy ka!
BUGOY: Naku! Problema na nila yun! Basta ako nananahimik ako dito.Kung gusto nilang manligaw eh di manligaw sila wala namang pumipigil sa kanila eh.
DAVID: (hindi pa kumibo at nginitian nalang si Bugoy)
BUGOY: Naku naman ano ba itong pinaguusapan natin! Wala naman pong interesting sa lovelife ko. Bakit nyo ba palaging tinatanong yan sa akin?
DAVID: Wala lang ngayon lang kasi ako na meet ng klase ng babae na katulad mo. Pero maiba tayo ha, masarap nga itong pagkain dito lalo na itong fish balls. Baka mawili ako sa pagpunta dito.
BUGOY: Eh masarap talaga yan, lalo na pagnatikman ninyo itong isaw!
...pumipas ang oras na hindi na meeting ang napagusapan nila
...pagkatapos nilang kumain...
BUGOY: Eh paano ba yan? Natapos yung oras ng meeting natin na hindi naman meeting ang pinagusapan natin. Baka mawala tayo bigla sa konsentrasyon patungkol sa kaso nito.
DAVID: Ok lang free naman ako bukas eh, you can come by the office anytime afternoon. Yan ang freetime ko bukas, so just let me know. You can call my secretary nalang to let her know na papunta ka na. Ok ba?
BUGOY: Ok po sir! Sige po aalis na din po ako dahil medyo natagalan yung kwentuhan natin eh.
DAVID: Sige, ihahatid na kita sa inyo.
BUGOY: Naku sir, wag na po! Malapit na lang din naman yung sa bahay eh, pwedeng pwede ko ng lakarin.
DAVID: (hindi kumikibo at nakatitig lang kay Bugoy)
BUGOY: (medyo na conscious sa titig ni David) Ah S-Sir! Sige po alis na ako.(biglang tumalikod at maglalakad na sana)
DAVID: (biglang humawak sa kamay ni Bugoy)Wait! I'll take you home! Really I do want to take you home,para safe ka!
BUGOY: S-sige po kung mapilit kayo eh.
...pumasok sa kotse at inuwi na si Bugoy...
...pagdating kila Bugoy
BUGOY: Ah Sir, salamat po ulit sa paghatid at sa paglibre ng pagkain kanina.
DAVID: Walang anuman yun, I should be thanking you.
BUGOY: Ay eh naku sir! Wala po yun!. Sige po alis na ako(Bubuksan na ang pintuan ng kotse ng biglang hinawakan muli ni David ang braso nya sabay hinalikan ito sa labi)
CHAPTER 22
...biglang lumayo sa pagkakahalik si David
DAVID: Oh my God! i am so sorry Bugoy!
BUGOY: (hindi makatingin kay David)Dyos ko po!
DAVID: This is wrong! It's all wrong.Pasensya na sa ginawa ko Bugoy! Pero dapat talaga hindi ko ginawa yun eh.
BUGOY: S-sige o Sir, aalis na po ako! (at tuluyan ng lumabas ng kotse)
DAVID: (naiwan magisa sa kotse at biglang sinuntok ang manibela)Shiiit!! Ano nanaman ba yang ginawa mo David!! Mali yun, hindi kami pwede ni Bugoy hangga't kliyente ko sya. (tuluyan ng umalis)
...pagpasok sa bahay ni Bugoy
JOE: Oh bakit antagal mo naman yata dyan sa meeting mo?
BUGOY: (hindi pinansin ang kuya at tuloy-tuloy pumasok sa kwarto)
JOE: Aba! Bastos nitong babaeng ito ha! Ano na naman kayang drama nun. (sinundan sa kwanrto si Bugoy at kinatok ang pintuan)Avigail! Hoy! Buksan mo itong pintuan.
BUGOY: (binuksan naman ang pinto)Bakit po kuya?
JOE: Anong bakit? Kinakausap kaya kita pagdating mo palang kanina, hindi mo man lang ako pinansin. Ano ba ngyayari sayo?
BUGOY: Ah w-wala naman po kuya, pagod lang siguro ako.
JOE: Pagod? Ano na nga pala ngyari sa meeting ninyo ni Sir David?
BUGOY: Ah ok naman po kuya, napagusapan na po namin ang tungkol sa kaso at kailangan ko na lang pong kausapin sila Quen at si Eslove para tumistigo sa kaso. Tapos po pwede ko na daw po silang dalhin dun sa opisina nya.
JOE: Mabuti naman kung ganun. Oh sige magpahinga ka sandali at lumabas ka din pagtapos mong magpahinga at malapit nang matapos ang niluluto ko.
BUGOY: Ah eh kwan kuya, busog pa po ako eh.
JOE: Busog? At bakit saan ka naka kuha ng pambili ng pangmiryenda mo? Eh sakto pamasahe lang naman ang pera mo.
BUGOY: Si Sir David po kuya, nilibre po nya ako ng miryenda kanina. Ginutom po kasi ako kanina eh habang nagmemeeting kami at nahalata yata nya ang ingay ng tyan ko kaya yun.
ARRON: (narinig ang usapan nila Joe at Bugoy pagdating sa bahay.)Aba teka nga Avigail, ako seryoso ako ha, nakakahalata na talaga ako dyan sa kabaitan ng abogado mo.
BUGOY: Isa ka pa kuya eh! Ginagatungan mo pa yung sinasabi ni Kuya Joe! Ewan ko sa inyong dalawa mga echusero!
CHAPTER 23
...kinahapunan tinawagan ni Bugoy si David
SECRETARY: Concepcion Law Firm How may I direct your call?
BUGOY: Ah pwede po bang kausapin si Sir David?
SECRETARY: Yes! Sure but may I let him know who's on the line?
BUGOY: Ah si Avigail Seron po! Si Bugoy
SECRETARY: Ok! Thank you hold on for a moment! (tinawagan ang extension ni David)Yes Sir, Ms. Seron is on line 1 for you.
DAVID: Ok thanks!(pinick up ang line one) Oh Bugoy!
BUGOY: Ah Sir! Tumawag lang po ako dahil nakausap ko na po ang mga kaibigan ko na tetestigo sa kaso ko.
DAVID: Oh ok that's good! Sige pwede ba sila tomorrow?
BUGOY: Pwedeng pwede po sir! Sabihin nyo lang po kung anong oras kami pwedeng pumunta dyan.
DAVID: Ok sige sandali lang let me check my planner. (tinignan ang schedule nya para bukas) ok I'm open anytime before noon. Let's say around 10 am?
BUGOY: Ok po Sir sige po, punta nalang po kami dyan bukas ng 10 ng umaga.
DAVID: Ok Bugoy, I'll see you then.(at binaba na ang phone)
...pagbaba ng phone ni Bugoy...
ARRON: (tumatawa)
BUGOY: (napansin ang pagtawa ng kuya nya)Oh anong tinatawa tawa mo dyan?
ARRON: Eh kasi naman, sa pagkakaalam ko ayaw na ayaw mong tinatawag ka ng Avigail, tapos nung tinawagan mo yang opisina ng abogado mo eh, Avigail pa ang sinabi mo dun sa kumausap sayo.
BUGOY: Eh bakit ka ba nakikialam ha? Eh kung sa yun ang gusto kong sabihin!
ARRON: Uy! Affected ka 'tol? Bakit may HD ka ba dyan sa abogado mo?
BUGOY: Alam mo kuya kung ayaw mong mapektusan kita layu layuan mo ako pwede. Baka hindi kita matantsa eh at mamaga yang mukha mo.
ARRON: May dalaw ka? Sungit mo ha!
BUGOY: (akmang sisipain ang kapatid)Talagang ayaw mong tumigil!
ARRON: (biglang tumakbo at sabay sumigaw) Joe! 'Tol! Si Avigail dalaga na, meron ng crush sa abogado nya!
BUGOY's POV: Mga abnormal talaga yung mga yun. Mga walang magawa.Ano naman kaya ngayon kung crush ko si Sir David eh crush lang naman. Wala naman sigurong masama dun.
CHAPTER 24
...kinabukasan sa opisina ni David
RECEPTIONIST: Goodmorning and welcome to Concepcion lawfirm.
BUGOY: Ah may meeting po kami with Sir David Concepcion.
RECEPCIONIST: Ok let me call him on his extension and your name?
BUGOY: Avigail Seron
RECEPCIONIST: (tinawagan si David) Yes, Sir! Ms. Seron is here to see you. Ok Sir, I'll send them in. (binaba ang phone) Ah ok na po, dito po tayo (inasist sa office ni David at kumatok sa pinto.)
DAVID: Come on in!
RECEPTIONIST: They're here Sir!
DAVID: Thank you! You may go now. (umalis ang receptionist) Please have a sit.
...medyo may ilang sa parte ni Bugoy dahil sa mga ngyari...
BUGOY: (hindi akalain na maiilang pagkaharap na si David)
QUEN: (napansin ang hindi pagkibo ni Bugoy) Ah Sir thank you po! (tumingin kay Bugoy at sinenyasan na maupo na.)
BUGOY: (ngumiti lang kay Quen) Salamat po Sir!
....inumpisahan na ang meeting pero hindi maiwasan ng mga kaibigan ni Bugoy na mapansin ang tensyon na namamagitan sa dalawa.
QUEN: Ah Sir pwede ko po bang makausap sandali si Bugoy?
DAVID: Yeah sure! Go ahead!
QUEN: Salamat po Sir. (sinenyasan si Bugoy at lumabas ng opisina sandali para makapagusap)
BUGOY: Ano nanaman ba? Bakit may problema ba?
QUEN: Ano ba ngyayari sa inyong dalawa ni Sir David? Bakit parang hindi kayo makatingin sa isa't isa?
BUGOY: (hindi alam kung ano ang isasagot)Ha? Ano? W-wala bakit mo naman nasabi yan?
QUEN: 'tol kilala kita, ano bang ngyayari sa inyong dalawa ha? O mas tama sigurong tanungin ko na may ngyari ba sa inyong dalawa at ganyan nalang kayong dalawa?Yung totoo 'tol bawal ang maging sinungaling.
BUGOY: Eh kasi 'tol eh, kwan kasi eh.
QUEN: Ano nga? Bakit hindi mo masabi.
BUGOY: Eh kasi kahapon nung pagkahatid nya sa akin sa bahay tapos ng meeting namin, pababa nalang ako ng sasakyan ng bigla nya akong hinalikan eh.
QUEN: (biglang natawa ng sobrang lakas)
BUGOY: Oh bakit ganyan ka kung makatawa?
QUEN: Eh kasi naman yang istorya mo eh. 'tol kung magsisinungaling ka galingan mo naman. Hindi kapanipaniwala yang sinasabi mo eh.
CHAPTER 25
BUGOY: Alam mo sa susunod na magtatanong ka ulit, hwag mo ng ituloy ok! Kung ayaw mong marining ang isasagot sayo ng tao. At ano naman ang mapapala ko sa pagsisinungaling ko sayo?
QUEN: 'tol naman sa itsura mong yan?Papatol sa'yo yang may ari ng lawfirm na toh? Nahihibang ka na ba?
BUGOY: Nakakairita ka kahit kailan! Mas mabuti pang hindi ko nalang sana sinagot yang tanong mo eh. Bad trip ka 'tol! Bahala ka sa buhay mo!
...umalis si Bugoy at bumalik sa loob ng opisina...
BUGOY: (hindi alam na rinig na rinig pala ang usapan nilang dalawa ni Quen sa loob ng opisina) Ah, pasensya na po at natagalan kami.
DAVID: O-ok lang sige have a sit please!
...umupo at bumalik din si Quen sa loob at tinuloy ang meeting....
...pagkatapos ng meeting ay umalis nadin ang tatlo...
DAVID: Sige, I'll be seeing the three of you sa susunod na hearing.
ESLOVE: Sige po Sir!Aalis na po kami...
...at tuluyang umalis ang tatlo.
...paglabas ng building ng concepcion lawfirm...
ESLOVE: Ano ba kayong dalawa kanina, lumabas pa kayo ng opisina pero rinig na rinig naman ang pinaguusapan ninyong dalawa.
BUGOY: Weh? Di nga?
ESLOVE: Mukha ba akong nagbibiro? Hindi mo ba nakita ang itsura ng mukha ni Sir David pagpasok ninyo ulit sa loob ng opisina nya?Mukhang hindi maipinta.
BUGOY: Ibig mong sabihin alam nyang sya ang pinaguusapan namin ni Quen kanina?
ESLOVE: Sobrang linaw kaya ng usapan ninyo. Hindi pa ninyo sana pinagpaliban yang tsismisan ninyong dalawa kanina.
QUEN: Malay ba namin na maririnig kami sa loob ng opisina nya.
ESLOVE: Kahit na, hindi nyo man lang ba naisip na baka yung ibang empleyado ang makarinig sa inyong paguusap?
BUGOY: Teka bakit pa sobrang affected mo ha? Weh ano naman ngayon kung narinig nya yung pinagusapan namin ni Quen kanina? Eh totoo naman yun lahat.
ESLOVE: Bugoy, kahit na! Hindi pa din tama yun. Ewan ko sa inyong dalawa, puro mga mahihirap umintindi.Pagako naasar lalo eh baka hindi ako tumistigo sa kaso mo eh.
BUGOY: Eto naman nagtampo pa. Para kang bakla!
ESLOVE: Weh? Hindi naman kayo bagay ni Sir David! (biglang tumawa ng malakas)
CHAPTER 26
BUGOY: Alam nyo kayo, pare-parehas kayo nila kuya...bakit ninyo ba ako pinagtatawanan ha?
QUEN: Eh 'tol kasi naman nakakatawa naman kasi talaga yang mga sinasabi mo eh. Sino ba ang maniniwala sayo na talagang hinalikan ka ng Sir David na yan ha?
BUGOY: Weh ba't di ninyo sya tanungin ng talagang malaman ninyo kung nagsisinungaling ako.
ESLOVE: 'tol yung totoo, may HD ka sa abogado mo noh? Pramis hindi talaga kayo bagay! At kung totoo man yang sinasabi mo, maniniwala ka bang may gusto talaga yang abogado mo sayo? Kapatid! Tandaan mo, baka naman mamaya eh ginugoodtime kalang nyang abogado mo na yan.
BUGOY: Alam mo, ang sarap mong banatan ngayon din!
QUEN: Hindi nga 'tol may gusto ka nga dyan kay Mr. Abogado?
BUGOY: Nasa The Buzz ba tayo? At ako ang iniintriga ninyong dalawa? Ang sarap ninyong paguntog untugin nila kuya!At ano naman ngayon sa inyo kung crush ko yung tao? Wala namang masama dun!
...at napahalakhak ng malakas ang dalawang kaibigan ni Bugoy
QUEN: Seryoso ka 'tol? Weh? Di nga?( at patuloy sa pagtawa)
BUGOY: Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?
ESLOVE: Lahat 'tol nakakatawa! Tignan mo nga yang itsura mo sa salamin at ikumpara mo sa ex ni Sir David! Wala ka pa sa kalingkingan nun eh...
...sa sobrang inis ay nilayasan ang dalawang kaibigan.
QUEN: Huy! Bugoy! Tignan mo 'tong babaeng toh! Kasarapan ng asaran eh biglang lalayasan ka! (biglang sumigaw)Pikon!
BUGOY: (lumingon) Tseee!! Mga panget kayo!
CHAPTER 27
...sa Concepcion Lawfirm
SECRETARY: (tinawagan ang extension ni David)Sir, the CEO would like to see you in his office.
DAVID: Bakit daw? Ok just let my dad know I'm on my way.
SECRETARY: Ok sir!
...sa loob ng opisina ng CEO
..kumatok sa pintuan si David
CEO: Come on in!
DAVID: Dad, pinapatawag nyo daw ako?
CEO: Yes iho! I would like to speak to you about one of your clients.
DAVID: (na curious bigla) One of my clients? Sino po dad?
CEO: Oh come on, David! Don't act as if you don't know who I'm talking about.
DAVID: Please dad, enlighted me! I really don't have a clue!
CEO: Well, then I would like to talk to you about Ms. Seron.
DAVID: (nagulat at parang alam na kung bakit yun ang pakay ng ama nya)What about her dad?
CEO: Kamusta ang kaso nya?
DAVID: Ok naman po dad, I just had a meeting with the witnesses earlier also with Ms. Seron. And everything is set for the next hearing.
CEO: That's good! But I would just like to give you a heads up about something.
DAVID: What about?
CEO: I gave Ms. Seron's case to Attorney Reid!He will be handling her case from now on.
DAVID: (nagulat bigla)Whaaat? Why would you that dad?
CEO: Do you really want me to explain it to you? I'm pretty sure you already know why. David, mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang magkaroon ng ugnayan ang isang abogado sa kanyang kliyente. And as fas as I am concerned may nakarinig sa usapan ng witness mo at ni Ms. Seron kanina sa may hallway. So I've decided to save you from the humiliation.
DAVID: Dad, this is my case! Why would you just hand it to another lawyer without my consent?
CEO: Magpasalamat ka at ama mo ang CEO ng company na pinagtatrabahuan mo. Kung ibang tao lang iyan, panigurado tinggalan ka na ng lisensya sa pagiging abogado mo.
DAVID: You're being unfair dad!
CEO: Sinabihan ko na si Attorney Reid na tawagan si Ms. Seron to let her know about what's happenning. Para na din alam nya kung bakit hindi ka makakapunta sa mga upcoming hearings ng kaso nya.
DAVID: Is that it? (nagiinit sa galit) Do you have anything else to say? Or baka gusto nyo na din akong tanggalin sa lawfirm ninyo?
CEO: David, iho you may go now!
CHAPTER 28
...habang naglalakad pabalik sa opisina nya ay nakasalubong nya si Attorney Reid
MR. REID: (hinarang si David)Look dude! I'm really sorry, I know how much this case is important to you. I had no choice but to accept it.
DAVID: It's not your fault! I know my dad, palagi nyang ginagawa sa akin yan. I don't even know why. Pero parang everytime I have a shot of winning a case palagi na lang nyang kinukuha sa akin. At pag minsan sa pagkakataon na alam nilang biglang humihina ang kaso binabalik nya ito sa akin. I've already won so many cases. Napaka importante lang talaga sa akin ng kasong ito. Never pa kasi na nagkaroon ng kaso na kagaya nitong ngayon.
MR. REID: Don't worry dude, I'll keep you updated sa mga ngyayari.
DAVID: Natawagan mo na ba si Ms. Seron?
MR. REID: No, not yet! I'm actually about to call her. Why?
DAVID: No need to call her! I'll tell her personally. Just please dude, man to man don't tell my dad about this ok.
MR. REID: You've got my word on it!Sige after you visit her just let me know what happens and so I can set up an appointment to meet up with her.
DAVID: Thanks man!
MR. REID: No problem! Don't worry I won't let you down on this one. I know you really want to win this case. So I'll make sure I win it for you.
DAVID: Thanks again! Sige I better get going!
...at tuluyang bumalik sa opisina nya si David
DAVID: (tumawag kay Bugoy)
BUGOY:Oh Sir! Napatawag po kayo?
DAVID: Um I just want to know kung busy ka mamaya?
BUGOY's POV: Ayyyy may balak yatang dumalaw sa bahay ang mokong na ito!
BUGOY: Ah hindi naman po Sir! Bakit nyo po naitanong?
DAVID: I need to speak to you. In person sana kung maaari!
BUGOY: Ah sige po sir! Gusto nyo po ba akong bumalik dyan sa office ninyo?
DAVID: No! I was wondering if maybe we can talk this over dinner? Later? I'll pick you up at 7 pm?
BUGOY: (nagulat sa invitation ni David)Ha? Sir!Serious po kayo?
DAVID: Bakit hindi ka ba pwede?
BUGOY:Hindi naman po sa ganon Sir! Pero sige po Sir, hihintayin ko nalang po kayo dito.
DAVID: Ok if you can do me a favor, five-star restaurant ang pupuntahan natin mamaya so if it's ok with you to dress up.
BUGOY: (biglang natawa) Ah yun lang po ba sir? Sige po kitakits nalang po later.
CHAPTER 29
...pagbaba ng telepono.
BUGOY'S POV: Naku patay na! Wala pa man din akong damit pambabae. Paano na 'toh?!
ARRON: Oh ano nanaman ang ineemote mo dyan? Bakit ganyan ang itsura mo?
BUGOY: Eh kasi kuya si Sir David, kailangan daw po nya akong makausap mamaya kaya inaya nya akong magdinner kaso kuya sa five-star restaurant daw po kami kakain eh.
ARRON: Ah so ang pinoproblema mo ay yung susuotin mo?
BUGOY: Mismo Kuya!
ARRON: Eh di manghiram ka nalang muna.
BUGOY: Eh hello kuya! Kanino naman ako hihiram? Eh wala naman akong kaibigan na babae.
ARRON: May kakilala ako kay Carmi.
BUGOY: Sino naman yun?
...narinig ni Joe ang usapan nila at biglang sumulpot
JOE: Eh di sino pa, kundi syota lang naman nya.
BUGOY: (napalakas ang tawa) Weh? Di nga?
ARRON: Tignan mo 'toh! Eh kung tampalin kaya kita dyan ha?Ikaw na nga itong tutulungan eh tapos tatawanan mo pa ako. Kung ayaw mo eh di wag!
BUGOY: Teka lang! Ito naman si kuya hindi na mabiro! (yumakap na sa kapatid) Sige na sabihin muna kay ate Carmi kung pwede akong manghiram ng damit. Please naman kuya parang awa mo na.
ARRON: Oh sya sige teka tatawagan ko lang. (tinawagan si Carmi) Oh sige pupunta daw sya dito at magdadala ng damit. Tutulungan ka na din daw nya sa pagaayos.
BUGOY: Bakit pa kuya ok na yung papahiramin nya ako ng damit.
ARRON: Gusto mo bang magmukhang ewan dyan sa dinner mo mamaya? Nakadress ka nga pero wala namang ayos ang buhok at ang mukha mo.
...makalipas ang isang oras ay dumating na si Carmi sa bahay nila
CHAPTER 30
ARRON: Oh nandito ka na pala! Teka tatawagin ko lang ang kapatid ko.
...tinawag si Bugoy
BUGOY: Oh bakit kuya?
ARRON: Carmi kapatid ko si Avigail, 'tol si Carmi girlfriend ko.
BUGOY: Ah hello po ate Carmi.
CARMI: Naku 'wag mo na akong pinopo ok!
BUGOY: Oh sige kung yan ang gusto ninyo.
CARMI: Ikaw ba yung may dinner mamaya? (tumingin kay Arron)Naku babes, uumpisahan na namin at medoy matagal tagal at madugong proseso ito. Sige akyat na kami sa itaas.
...parehong umakyat sa itaas para magayos na.
CARMI: (pinaupo si Bugoy sa upuan at hinarap sa salamin)Avigail, never ka bang nagbunot ng kilay mo? Or never ka bang nagmake up?
BUGOY: Naku ate, never pa talaga! Hindi ko hilig ang mga ganyang bagay. Parang pakiramdam ko eh mangangati ang buong mukha ko sa mga make up na ganyan eh.
CARMI: Alam mo natural ang beauty mo. Kaya ninipisan ko lang ang make up nailalagay ko sayo.
...paglipas ng mahigit isang oras na pagaayos.
JOE: (dumating na si David)Naku nandito na si David! 'Tol tapos na bang magayos yung babaeng yun?
ARRON: Aba malay ko!Teka tatanungin ko si babes.
...sakto naman at pababa na si Carmi
CARMI: Gentlemen please welcome Ms. Avigail Seron!
...dahan-dahang bumaba ng hagdan suot ang isang purple na dress na spaghetti strap. Simple pero kitang kita ang hubog ng katawan nito. Kulot at buhok at sobrang simple ng make up.
...pababa at hindi mapigilang matapilok dahil sa suot nyang sapatos.
BUGOY: Anak ng! Ate sabi ko kasi sayo ayokong suoting itong may takong eh. Hindi talaga ako sanay.
CARMI: Pasensyahan nalang!Wala talaga akong ibang dala eh yan lang.
DAVID: (sobrang nabighani lalo sa ganda ng dalaga)Wow! You look so amazing! Ikaw ba talaga yan?
JOE: (kausap si David)Oh oh! bibig mo isarado mo 'tol! Walang ganyanan! Siguraduhin mong iuuwi mo itong kapatid namin ng katulad ng pagkuha mo sa kanya dito ha! At malilintikan ka talaga sa amin ng utol ko pagmay ngyaring masama dito kay Bugoy!
DAVID: Don't worry I will take care of her. (binaling ang tingin sa dalaga)And maganda naman yang sapatos mo eh. Ok nga bagay na bagay sa suot mo.
BUGOY: Aba at may nalalaman ka pang ganyan ha? Bakit bubuhatin mo ba ako kung sakaling sumakit ang paa ko?
DAVID: Why not? Basta ako na bahala sayo! So are you ready?
BUGOY: Oo! Bago pa tuluyang sumakit ang mga paa ko.
ARRON:(sumama ang mga tingin kay David)Ikaw lalaki ha! Tandaan mo yung mga sinabi namin sayo! Iingantan mo itong kapatid namin, nagiisang babae yan.
DAVID: Promise! Iingatan ko talaga si Avigail!So paano tara na Bugoy? Baka ma late pa tayo sa dinner reservation eh.
...tuluyan ng lumabas ang dalawa at inalalayan nya sa pagpasok ng kotse si Bugoy!
CHAPTER 31
...pagpasok sa loob ng kotse
BUGOY: Eh Sir! Salamat po ha!Pero sana hindi nyo na po ginawa eto eh. Hindi nyo naman po ako kailangang imbitahan sa mamahaling resaurant para lang makausap ako.
DAVID: Ano ka ba Avigail, ok lang naman eh and please wala tayo sa meeting ngayon kaya dapat David lang itawag mo sa akin.
BUGOY: Eh David po ang itatawag ko sa inyo kung tatawagin nyo rin akong Bugoy! Ang sagwa po kasi talaga eh.
DAVID: Masagwa? Eh mas masagwa nga kung Bugoy ang itatawag ko sa'yo eh ang ganda ganda kaya ng itsura mo tapos pangalan mo panlalaki.
BUGOY: Eh kayo bahala!
DAVID: Alam mo bagay sa'yo yang suot mo dapat lagi ganyan nalang ang susuotin mo sayang naman ang ganda mo kung hindi mo ipapakita sa iba.
BUGOY: (nakaramdam ng pagkailang) Eh hindi kasi ako sanay eh. Parang feel ko parati akong sasagala pag ganito itsura ko. Ang kati kati kaya ng make up. Tapos baka mapilayan pa ako dito sa suot kong sapatos pagkataas taas ng takong oh. (biglang iniba ang usapan)Eh bakit nyo ba ako talaga inimbita? Ano ba yung sasabihin ninyo eh mukha kasing sobrang importante eh.
DAVID: We'll talk about that later. Anyway we're almost there naman na sa restaurant eh.
...pagdating sa restaurant ay sobrang namangha si Bugoy sa kanyang paligid
BUGOY: David, talaga bang dito mo gustong kumain?
DAVID: Yes, why?
BUGOY: Eh kasi nakakahiya naman mukhang sobrang mahal ng pagkain dito eh.
DAVID: It's ok I'm paying for it!
BUGOY: Eh kaya nga lalong mas nakakahiya eh. Kasi ikaw ang magbabayad!
DAVID:I invited you, ang masnakakahiya eh kung inimbitahan kita tapos ikaw ang pagbabayarin ko.
...pagpasok sa loob ng restaurant
RECEPTIONIST:Good evening Sir, Ma'am! Do you have any reservations for tonight?
DAVID: Yes! Reservation for 2 for Mr. David Concepcion.
RECEPTIONIST: Ok Sir, right this way.
...dinala sila ng receptionist sa table nila
...tinulungang umupo ni David si Bugoy
BUGOY: (napansin na sila lang dalawa ang nasa paligid at mukhang walang ibang tao)Bakit kanina madaming tao tapos dito tayong dalawa lang?
DAVID: Ah pinasadya ko talaga yan, ayoko ko kasi nung sa maraming tao eh. So sinabi ko sakanina kung pwede sa pribadong location nalang nila tayo ilagay.
WAITER: Goodevening Sir, Ma'am! Would you like any wines for starters?
DAVID: Yes, I'd like a Red Wine please! (tinanong si Bugoy) What about you Avigail? Gusto mo?
BUGOY: Naku wag na lang! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko mamaya eh.
WAITER: What would you like for appetizers?
...at tuluyan na silang nagorder ng kanilang pagkain.
...habang naghihintay ng main course ay nagkwentuhan muna sila
CHAPTER 32
BUGOY: Hanggang ngayon hindi mo pa din sinasagot ang tanong ko, bakit mo ba ako talaga dinala dito? Ano meron?
DAVID: Well, I really don't know where to begin. Pero I just want you to know na My dad, which is the CEO of the Concepcion Lawfirm handed your case to Attorney Reid. Sya na ang bago mong abogado.
BUGOY: Ha? Yun lang ba?
DAVID: Hindi ka affected?
BUGOY: Bakit naman ako magiging apektado? Basta ba hindi ako pagbabayarin sa gastusin sa kaso ko eh. ok lang sa akin. Bakit ikaw apektado ka yata ng sobra.
DAVID: Of course I am! Narinig kasi ni Dad yung usapan ninyo ni Quen kanina sa may hallway. I guess I'm lucky that my father is the CEO of the company. Kung hindi siguro, dahil sa ginawa ko sayo the other day eh baka hindi na ako abogado ngayon. Baka tinanggalan na ako ng lisensya.
BUGOY: Talaga? Bakit naman? Ganun ba kabigat yung ginawa mo?
DAVID: Sa batas kasi, mahigpit na ipinagbabawal na magkaroon ng ugnayan ang isang abogado sa kanyang kliyente.
BUGOY: (biglang naguluhan sa sinasabi ni David) Eh wala naman tayong ugnayan ah! Tsaka yung ngyari wala na yun. Kasi yun yung unang beses na may humalik sa akin.
DAVID: You mean to say I was your first kiss?
BUGOY: Shhhh! 'pwede wag mong ipagsigawan?! Pero oo tama ka! Ikaw nga ang una.
DAVID: You know in a way I'm glad na hindi na ako ang abogado mo.
BUGOY: Talaga? Bakit naman?
DAVID: Kasi pag ako pa din ang abogado mo, I'm not allowed to ask you for another date.
BUGOY: Date?Eh akala ko ba dinner lang ito? Eh bakit ngayon date na?
DAVID: Dinner date! You know Avigail, you're a very beautiful woman! Ang hindi ko lang maintindihan eh, kung baki hanggang ngayon hindi ka pa nagkakaboyfriend?
CHAPTER 33
BUGOY: (hindi makapagsalita dahil sa sobrang dami ng laman ng bibig)
DAVID: (nangiti lang kay Bugoy)You know, I would like to invite you sana eh.
BUGOY: Saan?
DAVID: It's my Parents Silver Anniversary this coming Saturday. And I want you to be their.
BUGOY: Naku nakakahiya naman! Sobra sobra na yung pagiimbita ninyo sa akin eh.
DAVID: So?Sige na! I won't take no for an answers.
BUGOY: Eh yun naman pala eh bakit tinanong ninyo pa ako? Eh pipilitin lang ninyo naman pala ako. Anong oras ba yun?
DAVID: I'll pick you up at 6 pm. Wear something formal.
BUGOY: Ok sige, manghihiram nalang siguro ako, wala naman kasi akong mga damit na ganyan eh.
DAVID: Problema ba yun?Eh di tomorrow I'll take you to buy your dress.
BUGOY: Ha?Wag na! Ano ka ba!
DAVID: Bugoy, would you rather look like a guy at my parent's anniversary?
BUGOY: (huminto ng pagkain at tumingin kay David)Teka matanong nga kita, bakit ba ang bait bait mo sa akin? Inimbitahan mo nga akong magdinner ngayon tapos iimbitahan mo pa ako sa anniversary ng mga magulang mo. Ano ba talaga gusto mo?
DAVID: (hindi makasagot)Ha? Ah, eh kasi ano eh!
...hindi natuloy ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Bugoy
BUGOY: Hoy! hahahaha eto naman masyado kang seryoso eh. Nagbibiro lang ako.
DAVID'S POV: Muntikan na ako dun ha!Whew!
DAVID: Nakakatense ka palang magbiro!
BUGOY: Ha? Bakit naman? Seryoso kasi ng mukha mo eh. Alam mo minsan subukan mong ngumiti at mag joke, baka tumanda ka agad nyan eh. Napakaseryoso mo kasi masyado. Parang palagi kang may problema sa mundo.
DAVID: Ganun ba? Di naman siguro!
BUGOY: Di, seryoso subukan mo paminsan minsan na ngumiti, Bagay pa man din sayo ang nakangiti sayang!
CHAPTER 34
...natapos ang gabing yon na parehong masaya ang dalawa.
...hinatid ni David si Bugoy sa Bahay nila.
BUGOY: Salamat ulit ha! Hindi mo naman kailangan na yayain ako na magdinner eh. Yun lang naman pala gusto mong sabihin akala ko naman kung ano na.
DAVID: No, I should be the one thanking you Bugoy! Salamat at pumayag ka na magdinner tayo. Hindi ko kasi matanggap na hindi na ako ang magiging abogado mo. You know I value all my clients.
BUGOY: Eh lahat din ba sila yinaya mo na nagdinner date?
DAVID: Honestly, no! Ikaw lang talaga. Anyway, I better get going. Medyo lumalalim na ang gabi. Baka magalala na sayo mga kuya mo. Gising pa ba sila, gusto mo hatid na kita sa loob?
BUGOY: Naku 'wag na panigurado mga tulog na yun. Sige na uwi ka na din.
DAVID: Goodnight, Bugoy! Thank you again!Sige pumasok ka na sa loob hintayin na kitang makapasok.
BUGOY: Sige salamat din ulit!
...at umalis na si David pagkatapos.
...kinabukasan...
JOE: (pagbaba ng bahay ni Bugoy)Oh goodmorning princess!
BUGOY: (sumama ang tingin kay Joe)Princess, Princess ka dyan!
ARRON: Ano na ngyari sa lakad mo kagabi? Kamusta naman? Ano nga pala yung gustong sabihin sayo ni Sir David?
BUGOY: Ok naman kuya. Gusto lang nyang sabihin sa akin na iba na hahawak ng kaso ko. Parehong Lawfirm pa din pero kinuha daw kasi ng tatay nya sa kanya yung kaso ko eh.
JOE: Ha? Bakit naman? Ano dahilan?
BUGOY: (hindi alam kung papaano sasabihin ang totoong dahilan)Ah kuya kwan kasi eh, ano, ah meron yata syang bagong malaking kaso na hahawakan. Tama! Yun meron nga!
ARRON: Ha? Yun lang sasabihin nya sayo pagkatapos niyaya ka pa nya na kumain sa mamahaling restaurant? Yung totoo, Avigail nanliligaw ba yang abogado na yan sayo?
BUGOY: Kuya naman! Ano bang klaseng tanong yan?
JOE: Aba bakit, matino ang tanong ni Arron sa'yo ha! Ikaw nga babae ka magtapat ka nga sa amin, may tinatago ka ano? Kayo na siguro ng abogado na yan!
...hindi pinagsalita si Bugoy
ARRON: 'Tol konting advice lang sa'yo ha, hind masama ang mangarap pero dapat kung mangangarap ka eh yung nakadilat ang mga mata mo.
BUGOY: Eh kung pektusan ko kaya kayong dalawa! Ano ba mga pinagsasasabi ninyo ha? Hindi naman naliligaw yung tao eh. At hindi din kami noh. Pero kasi kuya ano eh, 'wag kayong magagalit ha!
...biglang nagiba timpla ng mga mukha ng dalawang kuya nya.
BUGOY: (nagaalangan na sabihin ang totoo sa mga kuya nya) Inimbitahan nya kasi ako ulit sa Sabado eh. Anniversary daw ng mga magulang nya at gusto nya na pumunta ako. Susunduin daw nya ako dito sa bahay.
JOE: Eh di nanliligaw nga sa'yo yun.
BUGOY: Paano mo naman nalaman kuya, eh wala naman syang sinasabi sa akin.
JOE: Bugoy, lalaki din ako alam ko mga diskarteng ganyan.
CHAPTER 35
ARRON: Una aayain kang lumabas labas, tapos pagmedyo naging close na kayo, sa mga family gatherings naman ka nya aayain. Tapos nun malalaman mo MU na pala kayo. Alam ko yung style na ganyan Avigail!
BUGOY: Pero kuya ok lang naman sa inyo diba kung pumunta ako?
JOE: Wala ka namang susuotin eh. Paano ka pupunta?
BUGOY: Susunduin daw nya ako bukas, sasamahan daw nya akong bumili ng damit.
ARRON: Aber may pambili ka ba?
BUGOY: Eh sya na daw bahala eh.
JOE: Mahiya ka nga Avigail!
BUGOY: Eh kuya ayaw ko na nga sanang pumunta eh pero mapilit kasi yung tao eh. Nakakahiya naman ako na nga iniimbitahan ako pa aayaw.
ARRON: Sige bahala ka na! Basta kapag may ginawagang hindi maganda yang David Concepcion na yan sa'yo ay naku, kapatid sabihin mo agad sa amin ha ng mahabol ko ng itak yan!
...kinabukasan ay bumili na din sila ng damit ni Bugoy. Simpleng Black na dress ang napili nya.
...Sumapit na ang Sabado.
DAVID: (Nagtext kay Bugoy)Don't forget I'll pick you up at 6 pm ha. Make sure you're ready.
BUGOY: (nagreply)Oo, eto na nga at nagaayos na ako para nakaayos na ako pagdating mo.
DAVID: (nagtext uli)Sige I'll see you in a bit.
...makalipas ang dalawang oras.
JOE: Avigail! Bumaba kana nga dyan nandito na si Sir David! Hinihintay ka na! Bilisan mo naman 'tol!
BUGOY: Oo na! Eto na, bababa na nga eh. Hintay lang!
...pagbaba ni Bugoy
ARRON: Nakanaman 'tol! Ano yan, "Meet the In-laws" na ba?
BUGOY: Eh kung bugbugin kaya kita dyan gusto mo?(tumingin lang sa tumatawang David)Tara na nga David baka mapektusan ko pa 'tong dalawang ito eh.
DAVID: Come on, let's go! You look gorgeous by the way.
JOE: Hep, hep hep! Sandali lang, not so fast my brother. Tandaan mo ha, pagitong si Avigail eh umuwing luhaan, talagang magtago ka na sa pinanggaligan mo! Ingatan mo yan ha.
BUGOY: Kuya tama na nga ang pananakot kay David!
...tuluyan ng umalis at pumunta sa Anniversary party ng parents ni David
...pagdating sa party
DAVID: (napansin na naduon si Coleen)Shit!
BUGOY: Huy! Bakit? Ano problema?
DAVID: Nandito si Coleen eh!
BUGOY: Bakit hindi pa ba alam ng magulang mo na wala na kayo ni Coleen?
DAVID: Hindi pa! Pero wala din naman silang paki kung wala na kami ni Coleen eh, desisyon namin yun.Basta dito ka lang sa tabi ko 'wag na 'wag kang aalis ha.
BUGOY:O-ok! Sige!
...biglang nagsalita sa gitna ang ama ni David
MR. CONCEPCION: Ladies and Gentlemen, First of all My wife and I would like to thank each and everyone of you that are here. Thank you for celebrating this special event with us. It truly means alot to us. And we want to make it extra special, I would like to call in my Son, David Concepcion to please join me here.
DAVID: (bumulong kay Bugoy)Wait lang ha, dito ka lang 'wag kang aalis ok)
BUGOY: Ok!
MR. CONCEPCION: Son, come join me here! (lumapit si David)Tonight I would like to announce to you the engagement of My son to his long time girlfriend, Ms. Coleen Garcia!
CHAPTER 36
...laking gulat ni David sa announcement ng kanyang ama pero si Coleen ay parang sobrang saya.
DAVID: (bumulong sa ama)Dad, what the hell is the meaning of this?
MR. CONCEPCION: Wag kang mageeskandalo dito kung ayaw mong mawalan ka ng titulo bilang isang abogado.
DAVID: (agad hinanap nilingon kung nasaan si Bugoy Pero hindi makita)
COLEEN: (nilapitan si David at sinungkit ang mga braso nya sa braso ni David)
CROWD: Kiss!! kiss!!
COLEEN: (tumingin kay David)Oh honey, paano ba yan. It's our audience's request.
DAVID: (biglang kinuha ang atensyon ng mga tao)Ladies and Gentlemen may I please have your attention! (sumama ang tingin ng ama nito sa kanya) I think that there must have been a mixed up here or better yet a miss understanding. Coleen and I are not nor will never be engaged! Infact she and I are not an item anymore. I do apologize for the mix up.(biglang umalis at hinanap si Bugoy)
MR. CONCEPCION: (sumigaw)David! David!
...hindi nakinig si David at nagtuloy tuloy umalis at iniwang tulala at pahiya si Coleen sa harap ng maraming tao.
DAVID'S POV: Bugoy! nasaan ka na ba?(tinatawagan ang phone pero hindi macontact. Palingon lingon sa paligid)
DAVID: (nakita si Bugoy na nakaupo sa bench magisa)Bugoy! There you are.
BUGOY: Oh bakit nandito ka? Congratulations ha, ikaw hindi mo sinabi nagkabalikan pala kayo ni Coleen at engage pa kayo ngayon. Congrats ulit.Wag mo akong kakalimutang imbitahan sa kasal ninyo ha. (hindi nagpapahalatang nasaktan sa nalaman)
DAVID: Bugoy, let me explain!
BUGOY: Sus, bakit ka naman magpapaliawnag sa akin? Eh hindi ko naman hinihingi ang paliwanag mo.
DAVID: Kahit na alam ko nasaktan ka sa mga nakita mo. Maniwala ka man o hindi, pawang kasinungalinga lang lahat ng mga nakita mo kanina. Hindi naman totoo na nagkabalikan kami ni Coleen at lalong lalo na hindi kami engage.
BUGOY:(biglang iniba ang usapan)Ah, alam mo lumalalim na din ang gabi, pwede paki hatid na ako sa bahay, baka kasi hinahanap na ako eh.
DAVID: Bakit naman ang bilis? Wala pa tayong isang oras dito eh.
BUGOY: Pagod din naman kasi ako eh.Gusto ko na talagang magpahinga.
CHAPTER 37
DAVID: Oh sige kung yan talaga ang gusto mo, tara na ihahatid na kita.
...pagkauwi ni Bugoy
ARRON: Oh nandito ka na agad 'tol? Ang bilis mo naman?
BUGOY: (kasama si David)Ah, kasi kuya masama lang siguro ang pakiramdam ko.
JOE: Bakit? May sakit ka ba?Eh di sana kung masama ang pakiramdam ko kanina pa eh hindi ka na tumuloy dyan sa party na yan.
BUGOY: Dibale ok lang naman ako kuya kailangan lang siguro ng pahinga. Sige po akyat na ako sa taas.
...napansin ng mga kuya nya na hindi sya nagpaalam kay David at bigla nalang ito umakyat.
ARRON:(pagalis ni Bugoy)David, halika nga dito! Umamin ka nga may ngyari ba kanina na hindi maganda?Inaway mo ba kapatid ko?
DAVID: (biglang kinabahan)Ha? Ah kwan eh, hindi naman!
JOE: (lumapit kay David)Yung totoo? Eh bakit parang may tampo yun? At parang galit sayo?Sinasabi ko naman sayo, pagpinaiyak mo ang kapatid namin na bunso, malalagot ka sa aming dalawa.
DAVID: Mas mabuti pa siguro sya nalang ang tanungin ninyo. Sige aalis na ako.
...tuluyan ng nagpaalam si David sa mga kuya ni Bugoy
...inakyat ng mga kuya ni Bugoy sya sa kanyang kwarto
ARRON: (kumatok sa pintuan)Avigail! Buksan mo 'tong pintuan!
BUGOY: Bakit po kuya?(binuksan ang pintuan)
JOE: Oh bakit ganyan mata mo? Mukhang namumugto, umiyak ka ba? Umamin ka nga babae ka, may nangyari bang hindi maganda kanina?
BUGOY: (biglang yumuko)Ah kuya ano eh, wala naman po.
JOE: Yung totoo! Hindi ka makakapagsinungaling sa amin ng kuya mo. Kilalang kilala namin ikaw.
BUGOY: (umupo sa kama) Eh kasi kuya, inannounce yung engagement nila ni Coleen kanina. Hindi ko alam kung totoo ngang wala na sila. Kasi ang sabi nya sa akin wala na daw sila pero yung tatay nya kanina ang nagsabi na ikakasal na pala ang dalawa.
ARRON: Oh bakit nanliligaw na ba sya sayo?
BUGOY: Hindi ko alam kuya eh. Basta ang alam ko nagpaliwanag sya sa akin kanina na wala naman daw katotohanan yung sinabi ng daddy nya. Pero hindi ko ala, kung bakit ayaw maniwala ng utak ko.
JOE: Hay ang kapatid ko! Naku 'tol pasensya na at hindi ka namin mapapayuhan ng kung anuman ang kailangan mo sa ganyang klaseng bagay. Kung buhay pa siguro si mama sya ang makakatulong sayo.
ARRON: Alam mo 'tol ang maganda mong gawin, para malaman mong totoo ang intensyon sayo ng lalaking yung, bakit hindi mo pagselosin?
CHAPTER 38
BUGOY: Ha? Seryoso ba kayo?
ARRON: Aba bakit mukha ba akong nagbibiro?
BUGOY: Eh papaano ko naman gagawin yun? Eh wala naman akong kilala na magpapanggap na nanliligaw sa akin.
JOE: Akala ko ba puro lalaki ang kaibigan mo?Dahil sabi mo wala kang babaeng kaibigan. Bakit 'tol loner ka ba? At wala kang kaibigan?
BUGOY: Eh si Eslove at si Quen lang naman ang ka close ko eh.
ARRON: Eh di mamili ka sa kanilang dalawa.
BUGOY: Ay ganun? Pero kuya may point ka!.
JOE: Basta ka pag tumawag ulit sa'yo yang lalaking yan kausapin mo lang at kung gusto nyang makipagkita sayo, puntahan mo lang. Siguro naman alam mo na kung papaano ka magpapaselos ng isang tao.
BUGOY: Bahala na si Batman kuya!
...biglang nagring ang telepono ni Bugoy
BUGOY: Oh eto na oh, ayan oh (pinakita ang telepono nya, tumatawag si David)Hello!
DAVID: Avigail, naistorbo ba kita?
BUGOY: Hindi naman, kausap ko lang mga kuya ko bakit? Ano problema?
DAVID: Wala naman, itatanong ko lang sana kung ok ka na ba? Sorry talaga sa ngyari kanina ha. Maniwala ka talagang walang katotohanan ang engagement na inannounce ni Daddy kanina.
...biglang tumawag ang ama nya sa kabilang linya.
DAVID: Ah, sige tawagan na lang ulit kita May call ako sa kabilang line eh. Bye!
...binaba na ang telepono.
DAVID: Hello dad!
MR. CONCEPCION: David! Talaga bang may balak kang patayin ako sa kahihiyan ha bata ka? Sobrang tagal kong inalagaan ang pangalan ko tapos eto ang igaganti mo sa akin?
DAVID: Bakit dad? Sino ba nagsabi sa inyo na may engagement? Ni hindi ko nga alam ang tungkol dun eh. At isa pa wala na kami ni Coleen. At teka nga, sya ba ang kakontsaba ninyo sa engagement na yan?
MR. CONCEPCION:Ikaw ang inaalala ko, sinasalba ko ang kahihiyan na pwedeng idulot ng ginawa mo sa kliyente mo.
DAVID: I don't need your help dad! Kung mawalan ako ng lisensya dahil sa ginawa ko, probleman ko na yun. At sino ang napahiya kanina? Diba kayo din, sa susunod kasi na subukan ninyong tulunga ako, wag nyo nang ituloy!
MR. CONCEPCION: Alam mo ba na pinahiya mo ako sa mga friends and business coleagues ko kanina? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanila?
DAVID: What ever happened earlier, you surely deserved it! Hindi ko hiningi sa inyo na ipagsabi sa lahat ng bisita ninyo na engage kami ni Coleen.
MR. CONCEPCION: Talaga bang nagmamatigas ka? Kung yan ang gusto mo, pwes bukas na bukas irereport ko sa bored ang ginawa mong pakikipagmabutihan sa kliyente mo. Tignan lang natin kung may career ka pa pagkatapos ng bukas.
DAVID: Well dad, you do what you have to do! Even if it's worth your son's career! Nasa sa inyo yan. I know what I'm doing dad.
MR. CONCEPCION: Ano ba nakita mo sa babaeng yon? Hindi ka na nahiya? Sarili mong kliyente pinatulan mo?
DAVID: I love her dad. Yes! You heard me right, I do love her. Hindi sya pangkaraniwang babae. May kasalanan man sya sa batas pero handa syang magbayad sa mga ginawa nyang kasalanan. At least sya totoo syang tao hindi katulad ninyo. (at sabay binaba ang telepono)
CHAPTER 39
...kinabukasan kahit alam ni David na pwede syang matanggal sa pagiging abogado ay pumasok pa din ito.
...sa Concepcion LawFirm
SECRETARY: (pagdating ni David sa opisina)Goodmorning Sir! I know it's too early Sir, but the CEO would like to see you at the conference room.
DAVID: Ok sige thank you!
...sa conference room
DAVID: (pagpasok napansin na nanduon ang buong board)Good morning everyone!
MR. CONCEPCION: Here he is, please have a sit! (umupo sa bakanteng upuan)I'm sure you already know the reason why you're here.
DAVID: And why is that I'm here?
BOARD OF TRUSTEE: Well, Mr. David Concepcion may nakarating sa aming balita na nakikipagmabutihan ka sa isa mong kliyente.
DAVID: And?
BOARD OF TRUSTEE: You know that it is stricly prohibited on lawyers to get aquainted with their clients especially if it's for personal intentions.I'm sure naman na alam mo kung bakit.
MR. CONCEPCION: Mahigpit na ipinagbabawal yun David, dahil ayaw nating mabahiran ng kahit anong pangpersonal na kapakanan kung bakit natin dinedepnsahan ang mga kliyente natin. We want to keep the equal right opportunity for every defendant, kaya mahigpit na ipinagbabawal yun ng batas. At ayaw nating mainterfere ang trabaho sa personal na buhay natin. I already warned you about this David!
BOARD OF TRUSTEE: I'm sorry David, but after studying and reviewing your case, we came to a descision that we will be revoking your liscence as a lawyer.I hope you understand!
DAVID: (gustong manuntok ng tao sa sobrang galit)Well, I guess there's nothing else I can do about that can I?Well, if there's nothing else you want to say I'd like to go now and clear my desk.
...tuluyang lumabas ng conference room at kunuha lahat ng gamit sa office nya.
DAVID: (tinawagan ang secretary)Can you please a security guard here in my office.
SECRETARY: Ha?Bakit po Sir?
DAVID: I need help to bring my personal things in my car.
SECRATARY: Ok po Sir, I'll call a security now.
DAVID: Ok thanks!
...pagdating ng security guard ay lumabas na din ng opisina para umalis na...
DAVID: (kausap ang secretary)Thank you for all of your help! I really did appreciate your service! Ma miss ko kayo ditong lahat.
SECRETARY: Sir, bakit po biglaan ang alis ninyo?
DAVID: (hindi alam kung ano ang isasagot)Ah, yun ba? Wala naman something personal lang. Sige aalis na ako, goodluck sa'yo at sa inyong lahat dito.Be a good employee kay dad!
SECRETARY: Sige po Sir! Magiingat po kayo.
...tuluyan ng nilisan ni David ang Concepcion LawFirm.
CHAPTER 40
...tinawagan nya si Bugoy
BUGOY: (tumatawag si David)Uy! Kuya eto na oh, tumatawag na yung kumag na yon! (sinagot ang telepono)Hello!
DAVID: Bugoy?Hi! Kamusta na?
BUGOY: Ok naman po Sir! Kayo po kamusta na?
DAVID: Busy ka ba today?
BUGOY: Ah hindi naman po bakit? May meeting po ba tayo?
DAVID: (ayaw sabihin kay Bugoy na tinanggalan sya ng lisensya dahil sa mga ngyari)Hindi naman, gusto lang sana kitang bisitahin.
BUGOY: Ah ganun po ba? Wala po kayong trabaho ngayon?
DAVID: Wala nagbakasyon muna ako for awhile.Ano free ka ba today?
BUGOY: Free ako ngayon, kung gusto ninyong pumunta dito ok lang. Nandito lang naman ako sa bahay eh.
DAVID: Ok sige, I'll see you in bit then.
...binaba ang telepono.
BUGOY: Punyiemas naman oh! Kuya paano ba 'toh pupunta daw sya ngayon dito. Papunta na nga yata eh.
JOE: Oh ano problem mo ngayon?
BUGOY: Eh kuya hindi ko pa nakakausap kaibigan ko tungkol dun sa plano natin.
JOE: Ano pa ginagawa mo, eh di kausapin mo na ngayon.
BUGOY: Sige na nga, sige alis lang ako sandali.
...lumabas ng bahay para puntahan ang tambayan nilang magkakaibigan.
BUGOY: (napansin na wala si Eslove)Uy! 'tol kamusta na? Saan si Eslove?
QUEN: Ah wala umalis kasama nanay nya. Bakit ano ba sa atin? Bakit mo sya hinahanap?
BUGOY: Eh 'tol may hihingin sana akong pabor sa inyong dalawa eh, kahit sino sa inyo. Pero siguro ikaw nalang since nandito ka na, kailangan ko kasi ngayon yun eh.
QUEN: Ano ba yon?
BUGOY: Eh 'tol kailangan ko kasing magpanggap ka na manliligaw ko eh.
QUEN: (tumawa ng pagkalakas lakas)Ako? Bakit naman? Ano meron?
BUGOY:Tarantado naman 'tong taong 'toh oh! Nakita nang seryoso ako eh tapos bigla namang tawa yung isa dyan.
QUEN: Eh bakit nga?Ano ba kasi meron?
BUGOY: Eh kasi 'tol kaiangan ko kasing pagselosin si attorney.
QUEN: Yung abogado mong may HD sayo? hahahaha bakit?
BUGOY: Basta saka ko na ipapaliwanag sa'yo pagmalinaw na ang lahat.Wag kang magalala sasabihin ko din sayo. Pero sige na 'tol pumayag ka na!
QUEN: Matitiis ba kita? Sige ano ba gagawin ko?
BUGOY: Basta magpapanggap ka lang na nililigawan ako. Bahala ka na kung papaanong diskarte wala naman akong alam sa mga ganyan eh.
QUEN: Oh sige, sige! Basta sabihin mo lang kung kailan mo kailangan ang tulong ko.
BUGOY: Actually ngayon na eh, papunta na daw sya.
QUEN: Ok sige, sandali lang magbibihis lang ako sandali.
CHAPTER 41
...pagdating ni David sa bahay ni Bugoy naabutan din nya si Quen duon na may dalang bulaklak
ARRON: 'tol, nandito na si Sir David oh!
BUGOY: Ah sige kuya papasukin mo.
QUEN: (aalis na kunwari)Oh sige na aalis na ako, basta bukas ulit ha dadalaw ako sa inyo.
BUGOY: Sus, sige nandito lang naman ako sa bahay eh.
...umalis na si Quen at napansing parang biglang natahimik si David
BUGOY: Huy! Ayos ka lang ba?Nakaalis na yung isa kong bisita, halika pasok ka!
DAVID: Diba barkada mo yun? Nanliligaw sya sayo?
BUGOY's POV: Ay parang interesado syang malaman ha.
BUGOY: Ah yun oo si Quen,tandaan mo naman sya diba? Isa sya sa mga witnessess. Oo ewan ko ba dun, sabi ko nga sa kanya hindi kami talo pero mapilit eh kaya hinayaan ko nalang din.
DAVID: Ah ganun ba?(may lungkot sa mga salita nya)Sya nga pala nagkausap na ba kayo ni Mr. Reid?
BUGOY: Ah, hindi pa pero sabi nya magmemeeting daw kami soon. Ewan ko lang kung kailan ang soon na yun.
DAVID: Naku naman eh may hearing na kayo next week ha? Kailangan na nyang makausap ka dahil kailangan mong ma fill in sa stories mo. At ng makausap na din nya ang witnessess.
BUGOY: Ewan ko pero tatawagan ko nalang siguro sya bukas.
DAVID: Oh maiba tayo, kamusta ka na nga pala? Sorry ulit dun sa ngyari kagabi ha?
BUGOY: Wala yun, sinabi ko naman sayo na wala kang dapat ipaliwanag sa akin eh. Wala namang tayo eh. Kaya ayos lang basta ang importante ayos na kayo ni Coleen at ikakasal na kayo.
DAVID: Avigail, sinabi ko naman sayo wala ng kami ni Coleen. Hiwalay na kami remember? Kagabi ko lang ulit sya na kausap. Si daddy ang may pakana ng lahat.
BUGOY: Ang tatay mo? Bakit naman nya gagawin yon?
DAVID: (hindi sinagot ang tanong ni Bugoy)Basta kahit anong mangyari at kahit anong marining mo na tungkol sa amin ni Coleen hindi totoo yun. Wala ng kami! At nandito ako ngayon dahil gusto kong malaman mo na I really like you.
BUGOY: Ha? Ano sinabi mo? (nagulat sa sinabi ni David)
DAVID: Siguro naman hindi ka manhid at hindi ka bingi Avigail. Mahal kita!Pero hindi ko naman hinihiling na suklian mo yun eh. It's enough for me that you know how I feel. You know I'd do anything for you. Basta pag handa ka na sabihin mo lang.
BUGOY: (biglang iniba ang usapan)Teka, hindi ba nagalit ang daddy mo sa'yo kagabi? Dahil sa paghatid mo sa akin?
DAVID: 'Wag mo ng pansinin yun. Kung nagalit man sya, kasalanan nya yun in the first place hindi ko talaga alam kung bakit sya nagkaganun. Wala naman akong ginawang masama eh.
BUGOY: Hindi ba't bawal ang pakikipagugnayan ng abogado sa kanyang kliyente?Baka mamaya dyan matanggalan ka ng lisensya ng dahil lang sa akin. Hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili pagnangyari yun.
DAVID: (hindi alam kung papaano ipapaliwanag kay Bugoy ang mga ngyari sa opisina kanina)
CHAPTER 42
...napansin na biglang natahimik si David
BUGOY: Oh bakit bigla kang natahimik dyan?Bakit may dapat ba akong malaman?Kung ako ang dahilan ng gumugulo dyan sa utak mo sabihin mo lang.
DAVID: Ah kasi, ano...wala na ako sa lawfirm!
BUGOY: Ano? Bakit naman? Bakit ka umalis? Umalis ka ba o tinanggal kanila?
DAVID: Saka ko nalang sa'yo ipapaliwanag. Basta kung ano man ang mangyari sa kaso mo nandito lang ako nakasuporta sa'yo.
BUGOY: (biglang na guilty sa ginawa nya kanina ng pagselosin nya si David)Ah, alam ko naman yun eh. Ok ka lang ba?
DAVID: Ako? Oo naman!
BUGOY: Kahit wala ka na sa lawfirm? Tinanggal din ba nila lisensya mo?
DAVID: Oo, nagmeeting kanina ang Board kasama si Dad, kasi sya ang CEO ng company. At napagdesisyunan nila na tanggalan ako ng lisensya. Pero ayos lang
BUGOY: Eh paano ka na ngayon?Wala ka ng trabaho?
DAVID: Don't worry about me, marami akong naipon. Magtatayo ako ng sarili kong business. But on a different field.Ayo na din na wala ako dun at least now I can freely do anything I want. Specially, to be with you.
BUGOY: (namula sa sinabi ni David)Eto naman tinanggalan ka na nga ng lisensya sa pagiging abogado mo yan pa agad ang iniisip mo. Gusto mo ako magpapaliwanag sa dad mo at sa board!
DAVID: No need! Buo na din ang desisyon ko na umalis dun.Kahit siguro hindi nila ako tinanggalan ng lisensya aalis din siguro ako dun.
...hindi na kumibo pang muli si Bugoy
DAVID: Oh ikaw naman ang natahimik. Pagod ka na ba? Gusto mo ng magpahinga?
BUGOY: Siguro nga pagod lang ako.
DAVID: Sige aalis na ako para makapagpahinga ka na. I'll call Mr. Reid for you, I'll set up the appointment with him para makapagusap kayo.
...umalis na si David at halata namang naguilty si Bugoy sa ginawa nya.
CHAPTER 43
...kinabukasan tinawagan ni David si Mr. Reid para sa meeting nila ni Bugoy at nagpa setup ng meeting.
DAVID: (tinawagan si Bugoy) Hello Avigail!
BUGOY: Oh David, bakit napatawag ka?
DAVID: I just talked to your lawyer at may meeting ka with him later this afternoon at the Concepcion LawFirm.
BUGOY: Ah ganun ba? Ok sige salamat ha, pupunta nalang ako sa opisina nya mamaya.
DAVID: I'll pick you up!
BUGOY: Ha? Bakit?
DAVID: I'm taking you to his office why?
BUGOY: Kailangan pa ba yan? Baka makita ka ng daddy mo.
DAVID: it's ok, I'll be waiting for you at the main lobby. Hindi ko naman balak umakyat mismo sa opisina eh.
BUGOY: Baka mainip ka mamaya!
DAVID: It's ok don't worry about me.
BUGOY: Ok sige, kung ikaw ang bahala.
....makalipas ang ilang oras ay sinundo na ni David si Bugoy at nagtungo na sila sa Concepcion LawFirm.
DAVID: (sa main lobby)Oh sige akyat ka na sa itaas, hihintayin na lang kita dito.
BUGOY: Sigurado ka ba?Ok lang sayo na hintayin ako?
DAVID: Pinapaalis mo na yata ako eh! May lakad ba kayo mamaya ni Mr. Reid?
BUGOY: Hindi naman sa ganun kaso naisip ko lang baka mainip ka eh.
DAVID: I'll be fine, sige na umakyat ka na baka malate ka pa sa meeting ninyo.
...tuluyan ng umakyat sa opinisina si Bugoy
...sa Concepcion LawFirm
RECEPCIONIST: Good Afternoon ma'am are you here for an appointment meeting?
BUGOY: Ah oo eh! May meeting kami ni Mr. Reid?!
RECEPCIONIST: Ok and your name? I'll go ahead and let him know you're here.
BUGOY: Ah Avigail Seron!
RECEPCIONIST: Ok thanks!(tinawagan ang opisina ni Mr. Reid) Yes, sir! Your client Ms. Avigail Seron is here to see you.Ok sir I'll send her in.(binaba ang phone) Ok ma'am you may follow me.
...sinundan ang Receptionist patungo sa opisina ni Mr. Reid.
MR. REID: (may kumatok sa pintuan)Yes, come on in! (binuksan ng receptionist ang pintuan at pinapasok si Bugoy)Hi Ms. Seron, I'm Attorney James Reid! You may call me James.
BUGOY:(nakipagshake hands)Hi po Sir!Bugoy nalang po itawag ninyo sa akin.
MR. REID: Bugoy? Why? Well I guess it's none of my business. Anyway, have a sit.
...inumpisahan na ang meeting nila....
...makalipas ang halos isang oras at kalahati na pagmemeeting nila.
CHAPTER 44
MR. REID: So I will see you again in a couple of days and I'm expecting you to bring your friends with you so I can have a chat with them as well. (halos malapit ng maguwian)By the way, it's almost time for me to get off of work, do you have a ride home? I mean if you need a ride home, I'd be more than happy to take you home.
BUGOY: Naku 'wag na po sir! Hinihintay din po kasi ako ni David sa ibaba eh.
MR. REID: What? David is downstairs? Why didn't he came up here?
BUGOY: Eh ayaw daw po nya. So kailangan ko na din po talagang umalis baka naiinip na yun sa kakahintay eh.
MR. REID: No it's ok, I'll walk you downstairs! I also want to say Hi to him!
BUGOY: Ok sige po kayo bahala.
....bumaba ang dalawa at nagtungo sa main lobby
...nagtatawanan ang dalawa ng makita sila sa lobby papalapit kay David
MR. REID: David! It's nice to see you man!
DAVID: (nagulat at magkasamang bumaba si Bugoy at si James)Hi James! How are you dude! Are you taking care of Avigail's case here?
MR. REID: Of course! Just like what I told you.Don't worry dude, I'll try to win this case for you.
DAVID: Don't try man, just win it for me please! (nagpaalam kay James)So paano ba yan man! We have to go, I'll see you around.
MR. REID: Ok I'll see you around!
...at tuluyang umalis ang dalawa.
DAVID: Sinabi mo ba sa kanya na nasa lobby ako kanina?
BUGOY: Oo eh!
DAVID: Bakit naman?
BUGOY: Eh kasi sabi nya ihahatid na daw nya ako pauwi kaya sabi ko wag nalang dahil naghihintay ka sa lobby.
DAVID: Magiingat ka dun!
BUGOY: Bakit naman? Ano meron dun sa tao?
DAVID: Matinik sa babae yun! Walang pinapalampas yun.
BUGOY: Talaga? Ano naman ngayon kung matinik sa babae si James?
DAVID: Bakit gusto mo sya?(nagseselos)
BUGOY:(pinagseselos)Pwede na din! May itsura, gwapo, matangos ilong yun nga lang ang payat eh.
DAVID: Eh sa pagkakasabi mo eh parang tinitigan mo lang sya sa buong meeting ninyo eh.
BUGOY: Nagseselos ka ba?
DAVID: Bakit masama?
BUGOY: (tinalikuran si David at biglang ngiti)
DAVID: Wait! Saan ka pupunta?
BUGOY:Eh di aalis! Not unless dyan mo balak matulog!
CHAPTER 45
...pagkaalis sa lawfirm
DAVID: Dinner muna tayo bago kita ihatid sa inyo.
BUGOY: Wag na ok lang naman ako eh. Sa bahay nalang ako kakain makakatipid pa ako.
DAVID:Ayaw mo?Sige ako nalang kakain magisa! Salamat sa pagdamay mo ha!
BUGOY: (biglang tumawa)Eto naman! Biglang nagtampo, alam mo parang kang babae, daig mo pa kami kung magselos at daig mo ka pa kami kung magtampo!Yung totoo bakla ka ba?
DAVID: Gusto mo talagang malaman?
BUGOY: Eh kung sasabihin mo sa akin ok lang!
DAVID: (biglang hinalikan si Bugoy)Now, you tell me if I'm gay!
BUGOY: (muling nawindang sa ngyari)Ah, mmm! Ano, kwan eh!
DAVID:(nakangiti kay Bugoy)Ano hindi ka makasagot?Because you know I'm a good kisser!
BUGOY: Hoy! Ang kapal mo ha!
DAVID: Ano sige mananakit ka? Hahalikan ulit kita! (napansing mahilig manghampas si Bugoy)Alam mo everytime na hahampis mo ko may katumbas na halik yun!
BUGOY:Ewan ko sayo! Ginagamit mo lang ako sa pansarili mong kapakanan!
DAVID: Halika na nga! Kumain na muna tayo! It's my treat!
BUGOY:Hahaha tatanggi ba ako dyan? Syempre hindi! Kaya gogosago!
...sa restaurant
DAVID: (naging serious ang usapan)Avigail?
BUGOY: (habang kumakain)hmmm..
DAVID: Can I ask you something? It's a serious question!
BUGOY: Ok sige basta hindi ako maiiyak sa tanong mo!
DAVID:I promise hindi ka maiiyak sa tanong ko.
BUGOY: Sige ano yun?
DAVID: Do I even have a chance with you? I mean, do you like me also?
BUGOY: (hindi alam kung ano isasagot) Gutom lang yan! Kumain ka na lang!
DAVID: No i'm serious! Please answer my question.
BUGOY: Ewan ko!
DAVID: What do you mean "ewan mo"?
BUGOY: Hindi pa naman kasi ako nakakaranas ng ganito eh!Ang ibig kong sabihin, wala pa kasing nagbalak manligaw sa akin eh, ngayon palang!Hindi ko pa kasi nararasan na ma inlove.
CHAPTER 46
DAVID: Bakit ano ba nararamdaman mo pagmagkasama tayo?
BUGOY: Masaya!Parang laging buo ang araw ko!Parang may kulang pag hindi tayo nagkikita.
....napakalaking ngiti ni David habang nakikinig kay Bugoy.
...biglang natigil si Bugoy
DAVID: Oh bakit ka huminto? Nakikinig ako eh!
BUGOY: Kaya nga ako huminto eh, kasi napakalaki na ng ngiti mo! Ano ba kasi yan?Para kang ewan!
DAVID: Alam mo mabuti pa sa mga kuya mo ikaw magtanong baka ngitian ka lang din nila.
BUGOY: Ewan ko sayo!Paghindi ka tumigil sa kakangiti mo dyan aalis ako!
DAVID: Hahaha eto naman sige na kumain ka na lang! Ngayon alam ko na kung meron o wala akong pagasa sayo!
...Umaktong parang walang narinig si Bugoy at nagpatuloy na lang sa pagkain.
...pagkatapos kumain ay nagtungo na sila sa bahay nila Bugoy
BUGOY: Salamat sa pagsundo at sa paghatid ha! Sabi ko naman sayo, kahit wag na eh.
DAVID: Ok lang yun, ginusto ko naman eh. Wala din akong ginagawa sa bahay kaya ok lang.
BUGOY: Sige pano ba yan? Pasok sa ako sa loob ha, ingat ka sa pag-uwi!(tumalikod at naglakad papasok sa loob ng)
DAVID: (hinawakan si Bugoy sa braso para pigilan)Avigail!
BUGOY: Oh may kailangan ka pa?
DAVID: Ah, 'wag mo sanang iisipin na minamadali kita. Pero gusto ko lang sanang malaman kung may pagasa ba ako sayo.
BUGOY: Hindi ko masasagot ang tanong mo sa ngayon, sana mahintay mo hanggang sa matapos ang kaso ko, siguro sa panahon na yon, handa na akong sagutin ulit ang katanungan mo.
DAVID: (ngumiti)Sige, hihintayin ko yang kasagutan mo.Pasok ka na sa loob, alis na rin ako.
...at tuluyan ng umalis si David
CHAPTER 47
...lumipas ang mga araw at nagpatuloy ang kaso ni Bugoy at sa wakas, dumating na din ang panahon na pinakahihintay nilang lahat, ang paghahatol kung sya ba ay makukulong o mapapawalang bisa ang kaso.
...sa loob ng korte
POLICE: All rise the Honorable Judge Lawrence is now entering the court room. (nagsitayuan ang lahat)
JUDGE: Please be seated! Has the verdict been reached?
JURY: Yes your honor, the verdict has been reached!
...at lumapid at isang Jury sa judge at binasa ang papel at ibinalik sa Juror.
...kinakabahan ang lahat lalong lalo na si Bugoy habang binabasa ang resulta ng kaso.
JURY: And we found the defendant, NOT GUILTY!
...naghiyawan ang lahat sa loob ng court room.
JUDGE: Case dismiss!
ARRON: (lumapit kay Bugoy at yinakap)'tol congrats! Sa wakas! Siguro naman ngayon magtatanda ka na noh?
BUGOY: (yumakap din sa kapatid at naiyak)Kuya! Salamat naman sa dyos at dininig nya ang panalangin ko!(lumapit si Joe at yumakap din sa kapatid)Pangako ko sa inyong dalawa kuya, talagang magbabago na ako.
JOE: Mabuti naman kung ganun!Oh tara na at lumabas na tayo dito may naghihintay sa'yo sa loob ng court room. Kanina ka pa hinahanap!
BUGOY: (ngumiti at tumakbo papalabas ng court room at naabutang nakaupo si David) David!
DAVID: Congrats!!!! Sabi ko na nga ba at mananalo ka sa kaso eh.
...lumapit si Attorney James Reid
DAVID: (kinamayan si James)Thank you so much man! I owe you one!
JAMES: No, don't mention it! It's my job to win every case I handle, it's just that her case was extra special! (tumingin kay Bugoy)So paano ba yan, sana this is the last time I will see you dito sa court ha.
BUGOY:(natawa)Oo naman! Salamat ulit!
JAMES: Sige, I have to go na, goodluck to the both of you! And I'll see you around.
DAVID: Thanks again man! I can't thank you enough.
...ngumiti lang si James at umalis na din.
CHAPTER 48
...nagcelebrate sila sa isang resto kasama ang mga kuya ni Bugoy
ARRON: David! Salamat ulit sa lahat ng naitulong mo sa amin ha. Kahit hindi ikaw yung nagpanalo sa kaso pero hindi mo pinabayaan itong si Avigail.
DAVID: You're welcome!
JOE: Alam mo, ngayon napatunayan mo na kung gaano mo kamahal itong si Avigail, kung gusto mo tutulungan ka namin na mapasagot yan.
BUGOY: Kuya nakakahiya kayo! Ano ba!
ARRON: (biglang nagbiro si Arron)Bayaw! Ayun nalang itatawag namin sayo magmula ngayon diba 'tol(Joe)?
JOE: Ay oo naman! Basta wag na wag mo lang papaiyakin itong si Avigail namin ha, nagiisang babae yan at bunso pa. Kaya pagpinaiyak mo yan, magtago ka na sa pinaggalingan mo.(biglang tumawa ng makita ang pagaalala sa mukha ni David)Eto naman di na mabiro.
DAVID: (tumingin kay Bugoy at ngumiti)Sige kain lang kayo ng kain ako magbabayad nyan.
ARRON: Aba dapat lang ikaw nagaya eh!
BUGOY: (hiyang hiya na dahil sa mga kuya nya)Kuya ano ka ba!Mahiya ka nga sa mga pinagsasasabi mo.
...muling nagkwentuhan at pagkatapos kumain ay umuwi na din sila.
...sa may labas ng bahay nila Bugoy
ARRON: Bayaw, salamat ulit! Sige maiwan ko muna kayo.
JOE: (sumaludo lang kay David hudyat ng pasasalamat nya dito at pumasok na din sa loob)
DAVID: Mukhang na enjoy ng husto ng mga kuya mo yung kinainan natin ha.
BUGOY: Oo nga eh, lalo tuloy akong nahiya sayo.Salamat ulit, hindi ko alam kung hanggang saan ang pasasalamat ko sa mga naibigay mong tulong sa aming magkakapatid.
DAVID: Ano ka ba, I told you already wala yun. (biglang iniba ang usapan)So paano ba yan, tapos na yung kaso mo. Sabi mo sasabihin mo sa akin ang sagot mo sa tanong ko pagnatapos na ang kaso mo.Now is your chance to tell me. So ano may chance ba?
BUGOY: (hindi makapagsalita)
DAVID: If you're not ready, I'd totally understand! Kaya ko namang maghintay eh.Nagbabakasakali lang na ready ka ng sagutin ako.
BUGOY: Ayaw mong madinig ang sagot ko? Ready pa man din ako na sagutin ka!
DAVID: (naexcite sa sinabi ni Bugoy)What? Did I understand you right? Sinasagot mo na ako? As in Yes na Yes?
BUGOY: (nginitian si David)Yes! Oo na! Ayaw mo? (akmang tatalikod)Sige binabawi ko na! Excited pa man din akong sabihin yan sayo, kaso parang ayaw mo.
DAVID: (hinablot ang kamay ni Bugoy at hinarap sa kanya, akmang hahalikan nya ang dalaga)
BUGOY: (tinakpan ang bibig ni David)Hep! Hep!Hep! Pang-ilan na nakaw na halik mo na yan ha!Baka ikaw ang kasuhan ko nyan.(biglang natawa)
DAVID: (parang nahiya)Sorry naman! I'm just happy that finally sinagot mo din ako.(yumakap kay Bugoy)I love you!
BUGOY: I love you too!
...lumipas ang panahon at nagtagal ang relasyon nilang dalawa. Ni naglaon nagpatayo na din ng sariling business si David. Since pagkain ang hilig nilang dalawa, napagdesisyunan nila na Restaurant ang business na ipatayo nila. Magpasa hanggang ngayon ay hindi pa din pinapatawad si David ng kanyang ama dahil sa napili nitong buhay. Masakit man sa isip nya pero kailangan na lang nyang tanggapin iyon.
DAVID'S POV: Darating ang araw dad, at mapapatawad mo din ako. Hindi man ngayon ang tamang panahon pero naniniwala ako na magagawa mo din akong mapatawad.
...pagkalipas ng 5 taon ay inaya na ni David na magpakasal si Bugoy, simpleng kasalan ang ngyari dahil na rin sa kahilingan ni Bugoy na gusto nya ng tahimik na kasal.Sa ngayon ay ang restaurant muna nila ang pinagtutuuan nila ng pansin at napagdesisyunan na 'wag munang magkaanak.Samantala ang mga kuya ni Bugoy ay duon na din sa restaurant nila nagtrabaho para na din matulungan ito sa pamumuhay nila.
........................................................................THE END-----------------------------------------------
*Ano man ang katayuan natin sa buhay, mahirap man o mayaman, maganda man o panget, mataba man o payat. Kahit anong klaseng tao ka pa, tayo ay binigyan ng dyos ng karapatan na umibig. Hindi man pareho ang estado ninyo sa buhay ay hindi iyon magiging handalang sa pagiibigan ng dalawang tao. Sabi nga nila, pagdating sa pag-ibig, lahat pantay-pantay, walang mahirap walang mayaman. *
Maraming maraming salamat sa lahat ng sumubaybay!Sana sa uulitin!