Cast of Characters:
Devon Mae Seron as Andrea
Samuel Concepcion as John
*Other cast are named as themselves*
Ang istoryang ito ay akma sa TUNAY na buhay. Ito ay ngyari sa isa sa mga taong malapit sa akin. Ang mga aktual na pangalan ay iniba ko upang maprotektahan ang kanilang personalidad. Ang ilan sa mga pangyayari ay sadyang iniba ko at nagdagdag ako ng mga senaryo.
Sabi nila tadhana ang magbubuklod sa dalawang taong nagmamahalan. Ilayo man tayo ng pagkakataon sa taong mahal natin, wag tayong mawawalan ng pag-asa dahil kung sya talaga ang inilaan ng dyos para sa atin, pananampalataya na mismo ang gagawa ng paraan upang ang dalawang taong naglayo ay muling magkalapit.
CHAPTER 1
May ikukuwento ako sa inyo,tungkol sa lovelife ko. Parang pwedeng isapelikula ang experience na ngyari sa akin nung magkaroon kami ng school trip papuntang Hawaii. Meron kasi akong nakilalang isang tao na talaga namang naging malapit sa akin. Hindi kami parehas ng school na pinapasukan. Mas matanda din sya ng isang taon kaysa sa akin. Unang kita ko palang sa kanya alam ko na magiging magaan ang pakiramdam ko sa taong ito. Medyo matagal din ang nilagi namin sa Hawaii may 12 araw din kami duon kaya naman nagtagal din ang pagbobonding namin ng taong ito. Ay oo nga pala ang tinutukoy ko ay si John, yan ang pangalan nya. Nagkalayo man kami ulit pagkatapos ng trip namin sa Hawaii pero tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para muli kaming magkalapit. Hay! Sana magustuhan ninyo ang ikukwento ko sa inyo.
"Anak nakapagimpake ka na ba?Siguraduhin mong dala mo lahat ng kailangan mo ha, at baka mamaya dyan may makalimutan ka"Mommy Lyn. "Opo ma, nailagay ko na po sa maleta ko lahat ng kailangan ko para sa trip ko." Eto talagang si mama, kahit sobrang kulit nyan, love na love ko yan. Hindi sya nagkukulang sa pangaral sa akin tungkol sa bagay bagay sa mundo. Kahit ano nasasabi ko sa kanya. "Magpahinga ka na anak at maaga pa ang flight mo bukas. Saan ba kayo magkikita kita ng mga kaklase mo?"-Mommy Lyn. "Dun na po sa airport ma,para hindi na kami magantayan pa. Para deretso na po kami agad dun."ang sago ko naman kay mama.
Kinabukasan maaga akong nagising para magayos at pagkatapos kong magayos dumeretso na kami ni Mama sa airport, sya kasi ang maghahatid sa akin. Pagdating namin sa airport, hindi ko akalain na sobrang dami din palang estudyante galing ng iba't-ibang school ang magpupunta ng Hawaii para sa school trip. At since malapit ng tawagin ang flight number namin, agad na akong nagpaalam kay mama. "Anak magiingat ka dun ha, wag masyadong maging pasaway sa mga teachers mo. 12 days din kitang hindi makikita."Mommy Lyn. "Opo ma, wag kayong magalala magiingat po ako dun, at tatawag ako sa inyo pagdating ko dun para malaman ninyo na safe nakarating sa Hawaii ang flight namin.Oh sige na po ma, tuloy na po ako." Agad akong yumakap sa mama ko, kasi naman talagang mamimiss ko yun kahit 12 lang kami dun.
CHAPTER 2
Ilang oras din ang biyahe namin papuntang Hawaii at sa wakas nakarating na din kami sa aming destinasyon. Nagstay kami sa isang hotel sa Maui pero lilibutin namin ang iba't ibang mga famous na cities and landmarks and beaches dito sa Hawaii. Hay! Super excited akong makita ang kagandahan ng Hawaii. Sa pagdating namin sa loob ng hotel, habang maraming tao sa receptionist area para mag check in, napagdesistyunan ko munang maupo sa couch at hintayin nalang na humupa ang mga tao sa front desk. Nagmumuni-muni ng may biglang umupo na lalaki sa tabi ko at nakipagkilala. "Hi!I'm John and you are?"-John. "Andrea!"-ang sagot ko naman sa kanya. Hindi ko alam pero sa pakikipagkamay ko sa kanya ay para akong nakuryente. Mukha naman syang mabait kaya agad naman kaming naging magkaibigan. Sa pagkukwentuhan namin nalaman kong duon din pala sya dati sa school ko nag-aaral. At since college na sya sa iba na sya ngayon.
Pagkatapos naming mag-usap ay nag check in na din ako at umakyat na ako sa room ko. Magkasama man kami sa trip pero hindi ko alam kung magkikita pa kaming muli dahil sa dami ng estudyante na kasama. Kinagabihan ng tawagin na kami para magdinner. Nakaupo na kami ng mga friends ko sa isang table at at masayang nagkukwentuhan ng biglang nilapitan kami ni John. "Hi ladies!Do you have space for one more?"-John. Nagulat lang ako ng bigla syang nakiupo sa amin dahil sa dinami dami ng mga bakanteng upuan at tables eh dun nya naisipang makiupo sa amin. "John, these are my friends and peers from school, Kyra, Ken, Lauren and Arron.". "Nice to meet you guys."John. Bigla namang nagtaka ang mga friends ko at tinignan lang nila ako, hindi kasi nila alam kung papaano at saan ko nakilala si John. At yung isa hindi na yata nakatiss ang nagtanong na din sa amin. "Paano nga pala kayo nagkakilala ni Andrea,John?"-Kyra. "Ah na mett ko lang sya kanina sa may lobby ng hotel. Nagiisa kasi sya kaya nilapitan ko. Mukha namang harmless eh. So ayun nakipagkilala ako sa kanya."John. "Naku John talagang harmless yan. Napakabait pa."-Ken. At parang pinagtutulungan yata ako nitong mga 'toh ha. "Ikaw ken, gusto mo lang magpalibre eh nambobola ka pa."pabiro ko namang pagkakasabi sa kaibigan ko. Naptagal din ang kwentuhan namin habang kumakain. Nakakatuwa nga sya eh dahil ang hilig magpicture kasama ang buong grupo. Minsan pa, habang bumibili sya ng souvenir sa isang gift shop tapos kami naman nasa labas hinihintay sya, yug isang kaibigan nya na nakilala din namin ay kinakausap ako. Eh funny naman kasi yung tao kaya tawa lang ako ng tawa sa kanya. Then suddenly naisipan nyang magpapicture, hindi ko namalayan may isang nilalalang pala na kanina pa kami pinagmamasdan. Nagseselos?Siguro!Naiinggit?Hindi ko alam. Ah basta! Ang alam ko titig na titig sya sa aming dalawa ng kaibigan nya. Akmang inakbayan ako ng friend nya at syempre ako naman hawak sa bewang, wala namang malisya sa akin yun kaya ok lang. Nung pipicturan na kami, nagulat kaming dalawa ng friend nya ng may biglang sumigaw na "Wait!" sya pala yun, biglang labas ng gift shop at biglang tumakbo papunta sa amin ng friend nya. At ang nakakaloka hindi talaga sya nagpatalo at talagang pumagitna sya sa amin ng friend nya.
No comments:
Post a Comment