Araw nanaman ng GoodVibes taping. Maaga ang calltime ni Sam at ni Quen pawang pareho sa St. Mary's ang location nila kasama nila Yen, Coleen, Kazel, at Linn. Samantala si Devon naman ay sa location 2 ang taping kasama ni James. Pagkadating sa taping ni Sam, agad nyang nakita si Quen na pagod naman dahil kulang ang tulog nito dahil na din sa taping ng Mula Sa Puso. "Mukhang pagod ka ha?Late ba kayo na pack up kahapon from your taping?"-Sam. "Ha?Oo eh, kami nila Jm, Lauren at si Devon din."-Quen. "Naku naman! Sige na habang hindi pa naman tayo naguumpisa idlip ka muna."-Sam. "Hindi ok lang bro, hindi din naman kasi ako makakatulog eh, baka lalong sumakit ulo ko pag tinulog ko 'toh."-Quen. "Ok!"-Sam. "Pero alam mo bro , buti nalang nanduon si Devon, nakakatuwa ka si syang kasama eh, masyadong masiyahin kahit gaano na kaantok at kapagod yung tao, hindi nawawala yung energy nya."-Quen. "Oo nga eh, hindi pa boring kasama."-Sam. Sabay ngiti naman sa sarili si Sam na napansin ni Quen. "Oh bakt, anong nginingiti ngiti mo dyan?"-Quen. "Ah wala may naalala lang ako."-Sam. "Tungkol saan?"-Quen. "Ha, wala!"-Sam. "Sige na eto naman, tayong dalawa lang naman ishare na yan!"-Quen.
"Kasi naalala ko lang nung time na hindi ako natuloy sa Boracay, sobrang inis ko kasi nun dahil gustong gusto ko talaga pumunta kaso nagkaproblema sa schedule ko. Eh may nagkwento kasi sa kanya tungkol dun at nalaman nyang sobrang down ko, kaya tumawag sya sa akin. "-Sam. "Oh tapos? Yun na yon?"-Quen. "Hindi, tapos, nagusap lang kami, alam mo yung sobrang down mo tapos, halos lahat nagtry na icomfort ka then may isang tao na kausapin ka lang parang nawawala na yung mga problema mo?"-Sam. "Ah so, in other words, gusto mo si Devon?"-Quen. At hindi naman nakapagsalita ang binata. "Naku bro, sayang wala sya dito, malay mo later nandito yun."-Quen. Sa sinabi ni Quen kay Sam ay naisipan naman nitong itext ang dalaga. "Huy!! Gising!"-text ni Sam kay Devon. "Gising ako noh!"-reply naman ni Devon. "Ano ginagawa mo?"-Sam. "Ano pa eh di nagtataping."-saad naman ng dalaga sa reply nya. "Magchachange location ba kayo mamaya?"-Sam. "Oo yata eh, sabi pagmaagang natapos yung sequence namin dito punta kami later dyan sa St. Mary's. Bakit?"-Devon. "Ah, wala naman, gusto lang sana kitang makausap."-Sam. "Usap?Sure lagi naman tayong naguusap eh."-Devon. "No, I mean I have to tell you something later.Sige na tinatawag na ako kita nalang tayo later pagpunta mo dito."-Sam. Napaisip naman si Devon sa makahulugang mensahe ni Sam sa kanya. Ang agad na naisip nito ay baka may problema nanaman ang binata at kaba kailangan lang ng makakausap."Hmm, ano nanaman kayang problema nun?Pero Nandun naman si Quen. Naku naman Samuel!! Pinapaisip mo ako kung ano sasabihin mo."-pagsasaad nito sa kanyang isipan.
Makalipas ang ilang oras ay maaga na ngang natapos ang sequence nila at sinabihan sila na pumunta na sa location 1 at yuon ay ang St. Mary's. Pagdating ni Devon ay si Sam agad ang kanyang hinanap. "Uy! Quen saan si Sam?"-Devon. "Hi din sayo ha. si Sam?Bakit mo hinahanap?"-Quen. "Tampo naman 'toh agad. Hi din, pero hinahanap ko si Sam kasi sabi nya may sasabihin daw sya sa akin, eh mukhang seryoso yuung isa eh."-Devon. "Ah, hintayin mo nalang sinoshoot pa yung sequence nya with Yen."-Quen. At sakto naman ay paparating na si Sam. "Uy! Dito ka na pala."-Sam. "Hindi wala pa, guni guni mo lang ako.hahaha joke!"-Devon. "Ano balita?"-Sam. "Ano anong balita?Ikaw kaya may sasabihin, ano ba kasi yon?Pinapakaba mo naman ako eh."-Devon. "Ah yun, teka lang, duon tayo walang tao dun. Pwede dun tayo magusap."-Sam. "Duon pa bakit bawal ba dito magusap?"-Devon. "Uso din naman yung privacy eh pagnaguusap ang dalawang tao."-Sam. "Sabi ko nga eh, dun tayo."-Devon. At tuluyan na ngang pumunta sa kabilang gilid ang dalawa dahil duon walang makakaistorbo sa kanila.
"Oh sige, umpisahan mo na, ano ba kasi yon?"-Devon. "Ah eh kasi...Salamat ha."-Sam. At hinampas naman ni Devon si Sam ng kanyang mala bakal na kamao sa braso. "Aray!! What was that for?"-Sam. "Tatakutin mo ako na parang sobrang importante ng sasabihin mo, tapos Salamat lang pala yung gusto mong sabihin?Pinakaba mo pa ako."-Devon. "Sorry na, gusto kong pasalamat ka kasi alam mo..."-Sam . At naging seryoso na ang mga imahe ni Sam na ikinabigla naman ni Devon. "Salamt kasi alam mo sa totoo lang hindi ko alam kung bakit pero, sa lahat ng mga kakilala ko at ka close ko, tanging ikaw lang ang natatanging tao na nakakawala ng nmga pagod ko.Ewan ko ba kung bakit. I mean I tell my friends my problems too, pero iba yung pagikaw ang nagadvice at nagsabi. I don't know I can't explain it."-Sam. "Oh yun lang?Naku wala yun!Tama na drama mo baka maiyak ako. "-Devon. "Devs, what would you do if I tell you that I think I'm falling for you?"-Sam. "Wh...what?Sam wag kang magbibiro ng ganyan baka maniwala ako sayo."-Devon. At hinarap ni Sam ang kanyang buong katawa sa dalaga at tsa sinabi dito na..."Well believe it coz I'm serious. Hindi ko alam kung kailan, papaano, bakit. All I know is I can't stop thinking about you. I'm always happy when you're around. Nakikita naman siguro sa mukha ko yun."-Sam. "Why are you telling me this?"-Devon. "Dahil gusto kong malaman mo. "Sam At hinawakan ni Sam ang mga kamay ni Devon. "gusto kong malaman mo na mahal kita. I love you Devon. I really do! At hindi pa ulit nagsalita ang dalawa at inakap nya si Sam nyang may mga luha sa mga mata bahid ng pagmamahal din nyang nararamdaman para sa binata.
PART 2
"Ehem! Ehem!"-pabungad ni Quen sa dalawa. Pumiglas naman sa pagkakayakap si Devon. "Uy! Ikaw pala Quen, bakit?"-Devon. "Wala naman kakainggit kayo eh, mukhang seryoso pinaguusapan ninyo ah. Ano ba meron?"-Quen. "Kalalaki mong tao napakachismoso mo!"-Devon. "Eto naman di na mabiro.Sam! Tinatawag ka na ulit sa ibaba, kukunan na ulit kayo ng another sequence pero with coleen naman."-Quen. "Ah ganun ba? Ok sige, sandali lang Devs ha babalik din ako."-Sam. "Natural babalik ka, saan pa nga ba punta mo pagtapos dun eh nandito mga gamit mo."-Devon. At napangiti lang naman ang binata sa sinabi ni Devon. Naisipan naman nila Quen at Devon na bumaba para panuorin ang scene na ginagawa nila Sam.
Sakto bagkababa ng dalawa ay naguumpisa nang kunan ang sequence nila Sam. Sa scene nila nagaaway ang dalawa at itutulak ni Coleen si Sam na sya namang mapapahiga sa grass at mahahablot ang kamay ng dalaga kaya dalawa silang matumtumba. Hindi umimik si Devon sa nakita nya,sa isipan nya pilit nyag sinasabi sa sarili na trabaho lang ito kaya bale wala sa kanya. Pero parang tila nanaig ang selos ng dalaga. Hindi nakatiis at umakyat muli sya sa itaas na sya namang napansin ni Sam. Hindi malaman ni Devon kung bakit sya nagseselos gayung hindi pa naman sila pormal na magkarelasyon ni Sam. Oo nga't nagtapa't ang binata sa kanya pero hindi pa naman nya sinasagot ito. Ilang sandali lang ay umakyat na din ulit si Sam at nakita ang dalaga na nakikinig sa kanyang ipod. Umupo ito sa harapan nya at kinausap. "Hey! Ok ka lang ba?"-Sam. "Oo naman, bakit naman hindi?"-Devon. "Eh kasi kanina pansin ko bigla kang umakyat dito nung nakita mo yung scene na kinunan samin dalawa ni Coleen. What's wrong?"-Sam. "Anong what's wrong?Wala naman! May nakalimutan lang ako kaya ako bumalik dito."-pagmamaang maangan ng dalaga. "May nakalimutan or ayaw mo lang yung nakita mo?"-Sam. "Bakit mo naman nasabi yan?"-Devon.
Hinawakan ni Sam ang mga kamay ni Devon at tsaka nito tinitigan. "Alam mo hindi mo man sabihin sa akin, alam ko nagselos ka sa nakita mo kanina.Nagiba timpla ng mukha mo nung nakita mo yung scene namin kanina eh. Devs, para sa akin ikaw lang ang mahal ko ok. Sana naman alam mo yan. Yung kanina, wala yon, trabaho lang yon."-Sam. "Alam mo Sam, gustohin ko man magselos wala naman akong karapatan. Dahil alam kong hindi naman tayo eh."-Devon. Hinawakan ni Sam sa mukha ang dalaga at sabay nito nginitian. "Devs, whenever you're ready, just let me know. I'm always here for you. Kung hindi ka pa ready ngayon ok lang sa akin. Kaya kong maghintay.You've got my heart Devs. You own it.At walang sino man ang makakakuha pa nun sayo."-Sam. "I know, hindi ko lang alam kung bakit ganun yung feeling ko nung nakita ko yung scene nyo. I don't know why."-Devon. "Eh di inamin mo din na nagselos ka kanina?"-Sam. "Alam ko naman na hindi ko man sabihin pero kita naman sa kilos ko."-Devon. "Devs, natural lang sa isang nagmamahal ang magselos. Kahit naman ako nagseselos din pag palagi kayong magkasama ni James. Pero alam kong trabaho lang iyon."-Sam.
"Pack up na guys!"-ang pagsigaw na bungad ni Quen sa dalawa. "Uwian na daw."-Devon. "Can I give you a ride home?"-Sam. "Ah,,,sure sige! Kung ok lang sayo. Hindi ba out of the way ang bahay ko sa inyo?"-Devon. "Anything for you Devs, kahit saan pa ok lang."-Sam. "Bolero!Sige na tara na."-Devon. At inihatid na nga Sam ang dalaga sa bahay nito. "Salamat ha!"-Devon. "Anytime Devs, I'll do it again if I have to!"-Sam. "Oo!"-Devon. "Anong Oo?"-Sam. "Oo! I mean I'm ready!"-Devon. "You mean about earlier?Yeah?"-Sam. At tumango naman si Devon tanda ng pagsangayon sa binata. "You mean yes na ang sagot mo?"-Sam. "As in yes na yes!!"-Devon. hindi naman napigilan ni Sam at lumabas ito ng sasakyan at pilit sinisigaw sa buong mundo ang kanyang kasiyahan.
No comments:
Post a Comment