Thursday, April 14, 2011

DESTINY

What is destiny? For some destiny is not someting we do not have control of. As others say, we all write our own destiny. We make our own happiness. While others believe that Faith leads us to our own destiny.

CHAPTER 1

"I miss you too, kahit hindi pa tayo nagkikita."Sa pagbabasa ng text ni Marc. "Hoy! Brawh, ayan ka nanaman, katext mo nanaman yang kinalolokohan mong textmate mo. Hindi pa ba talaga kayo nagmemeet nyan?'-Anthony. "Hindi pa brawh, but seriously I feel like I've known her for so long."-Marc. "Naku. iba na yan brawh! Malala na yang sakit mo. Patingin ka na!"-Anthony. "Sira ulo ka talaga."-Marc. "Eh kasi naman. sa dinami-dami ng babae dyan sa paligid bakit mo naman naisipan makipag text mate?Alam mo bang walang matinong tao ang nakikipagtext mate?"-Anthony. "Sigurado ka dyan ha?Eh paano kung na meet ko itong ka text ko at maling mali sya sa inaakala mo?"-Marc. "Eh di good for you brawh!"-Anthony. Si Marc at Si Anthony ay magbest friend., partnerrs crime ang pawang tawagan nila sa isa't-isa.

SA KABILANG DAKO.
"Hay!!Yung ka text mate ko gusto ng makipagkita sa akin, ano gagawin ko nito?"-Lisa. "Hay naku mare dream on dyan sa ka text mo!Alam mo bang wala ka namang mapapala dyan?"-Dianne. "Hindi ko alam mare, pero alam mo yung feeling na kahit magkatext palang kayo pero parang sobrang tagal mo na syang kilala at para na din kayong nagkita?"-Lisa. "Hindi ko alam mare, kasi hindi naman ako hibang na katulad mo. "-Dianne. "Ay ewan ko sayo, pag ito lang ka text ko na meet ko at gwapo ha, isasampal ko sa mukha mo ang kagwapuhan nya."-Lisa. "Loka!"-Dianne. At sabay nagtawanan ang matalik na magkaibigan.

KINABUKASAN...

Sabay naglalakad ang magkaibigan sa labas ng parking lot ng may nakabanggang lalaki. "Anak naman ng!!! Ano ba, hindi kaba marunong tumingin sa nilalakaran mo?"-Lisa. "Miss, sorry na ok. Hindi mo kailangang magtaray, baka nakakalimutan mo hindi ako ang may suot na salamin sa mata, baka naman kailangan mo ng magpatingin ulit sa eye doctor mo."-Marc. "Aba, antipatiko 'to ha! "Mare, tara na! Wag ka ng makipagbasag ulo dyan at hindi mo keri yan!"-Dianne. "Hindi keri?Aba naman mare, tandaan mo black belter yata itong best friend mo ng taekwando!"-Lisa. "Brawh, ano ka ba pati ba babae papatulan mo pa?"-Anthony. "Naku, pasalamat ka may umawat sa akin kundi!"-Marc. "kundi ano?"-Lisa. "Let's go brawh! Hayaan mo na yan."-Anthony. Ar saka naman umalis ang magkaibigang Anthony at Marc.


CHAPTER 2

"Antipatiko yung lalaking yon! Akala siguro nya aatrasan ko sya."-Lisa. "Naku naman kung ano kinaganda mo, ay sya namang kinamaton ng kilos mo!Save your blackbelter skills to someone else. He's not worth of your precious time."-Dianne. Tuluyang binaybay nag magkaibigan ang parking lot patungo sa kanilang sasakyan. Samantala ang magkaibigan na Anthony at Marc ay tuluyang pumasok sa loob ng building patungo sa opisina ng condominium na lilipatan ni Marc. "Oh Marc, ano ready ka na bang maglipat nito?Mukhang siguradong sigurado na ang paglipat mo ha."-Anthony. "Oo nga eh, sana matuloy na!This is it brawh!! Ngayon ko malalaman."-Marc. Isang magandang balita naman ang natanggap ni Marc mula sa opisina ng lilipatan nya. "Congratulations Marc, you got the unit you wanted. Give us about a week and pwede ka nang lumipat after that."Ms. Dela Cruz. Pagkatapos kausapin ang namamahala sa opisina ay sya naman nagcelebrate ang dalawang magkaibigan. "Alright brawh! Way to go! Congratulations, you'll be an independent man soon."-Anthony. "Thanks brawh! Like what I've told you before brawh, kung gusto mong maging roommates tayo, ok lang sakin just let me know."-Marc. "Sige brawh, I'll think about it."-Anthony.

Sa paguwi nila Lisa at Dianne, napansin nila na nililinis ang katabing unit nila. "Uy mare may bago yata tayong kapitbahay ha."-Dianne. "Oo nga eh, sino kaya?"-Lisa. "Ay edi itanong natin kay ate."-Dianne. At nilapitan ni Dianne ang babaeng naglilinis ng unit. "Ate, may lilipat na po ba dito?"-Dianne. "Opo ma'am! Meron na po, sa isang linggo po lilipat dito."-tagalinis. "Ay mare meron nga!"-Dianne. "Ikaw usisera ka kahit kailan."-Lisa. "Teka ate, babae o lalaki po ba ang lilipat dito?"-Dianne. "Ang alam ko po lalaki po.Hindi ko lang po alam ang pangalan."-tagalinis. "Salamat po ate ha."-Dianne. "Ay bongga sis! meron ngang lilipat at baka gwapong boylet ang bago nating neighbor."-Dianne. "Ewan ko sayo! Halika na sa loob baka kung ano pa matanong mo dyan kay ate."Lisa. Lingit sa kaalaman ng dalawang magbestfriend ay ang dalawang lalaki na nakabangga nila kanina ay yun din ang lilipat sa katabing unit nila.

Habang nagpapahinga na si Anthony ay sya namang walang humpay sa pagtetext si Marc. "How's your day?"-Marc's text. "Ok naman medyo nainis lang kanina"-Lisa's reply. "Bakit naman?Another bad day?"-Marc's reply. "Hindi naman pero kalimutan natin yun, ayoko ng pagusapan naiinis lang ako lalo."-Lisa's reply. "Ok sige sinabi mo eh.Sya nga pala lilipat ako ng condo unit."-Marc's reply. "Really?Saan?"-Lisa's reply. "Saka ko na sasabihin sayo baka mamaya stalker ka eh."-Marc's reply. "Loko ka! Sige ka, di na ako magrereply sayo."-Lisa. "Biro lang.Sige na pahinga ka na bukas naman tayo ulit magtext."-Marc's reply. "Sige, gudnight!"-Lisa. "Gudnight, sweet dreams sana isama mo ako sa dreams mo."-Marc's reply. "Bolero! Sige na bye na!"-LIsa.


CHAPTER 3

Pagkalipas ng ilang araw ay nagsimula ng maglipat si Marc, since kakaunti palang naman ang mga gamit nya hindi naman naging mahirap para sa kanya ang maglipat. Hindi nakita nila LIsa at Dianne ang paglilipat ni Marc since parehas silang pwang wala sa condo unit nung mga oras na iyon. Kinagabihan ng naalaman nila Dianne na nakalipat na pala ang bago nilang kapitbahay napagpasyahan nitong dalawin upang bigyan ng welcome gift, gaya ng ginagawa nila sa tuwing may bagong lipat. "Mare, ito nalang wine ang ibigay natin, dali iwelcome na natin ang boylet next door. Excited akong makita sya eh, malay mo naman kasi gwapo pala yun diba. Sayang naman tapos next door pa natin."-Dianne. "Ikaw talaga pinairal mo nanaman ang kalandian mo."-Lisa. "Bahala ka nga dyan. Palibhasa kasi umaasa ka dyan sa ka textmate mo.Kung ayaw mong makita ang boylet next door, eh di ako nalang."-Dianne. "Mauna ka na susunod nalang ako."-Lisa. "Ikaw bahala!."-Dianne.

At tuluyan naman pumunta si Dianne sa kapitbahay upang ibigay ang welcome gift nila. At laking gulat nya ng makita nya ang nagbukas ng pintuan. "Oh my! ikaw ang bago naming kapitbahay?"-Dianne. At sabay ibinigay ang wine kay Marc at mabilis itong umalis at sakto naman papalabas si Lisa ng pintuan. "Oh mare, ambilis mo naman, hindi ka man lang nakipagkwentuhan sa bago nating kapitbahay?"-Lisa. "Ay naku makre, wag na!"-Dianne. "Bakit naman?Ang bilis naman mag-iba ng ihip ng hangin. "-Lisa. "Wag ka ng magtangkang magpakilala pa dun, panget sya mare panget ang bago nating neighbor.'"-Dianne. "Ang sama mo naman mare."-Lisa. Lingit sa kaalaman ni Lisa ay ang lalaking muntik na nyang makaaway sa may parking lot ang bago nilang kapitbahay. At alam ni Dianne na sukdulan ang galit ng kaibigan dito.

Kinabukasan ay napagpasyahan ng magkaibigang Lisa at Dianne na lumabas at magliwaliw. At sa paglabas nila ng pintuan natamaan naman ng mga mata ni Lisa ang tila pamilyar na anyo ng lalaki na naghihintay sa may bandang elevator. Hindi nya ito agad natitigan ng maiggi dahil sakto naman papasok na sa loob ng elevator ang lalaki. "Mare, I swear I thought I just saw someone that looks familiar to me."-Lisa. At alam naman ni Dianne kung sino ang tinutukoy ng kaibigan. Pero lubos itong nag patay malisya na hindi nya kunwari alam kung sino ang tinutukoy ng kaibigan. "Sino naman?Ikaw baka naman mamaya eh nagiimagine ka na sya yung ka text mo ha?"-Dianne. "Ano ka ba, seryoso ako."-Lisa. "Ewan ko sayo, may tawag dyan mare."-Dianne. "Ano?"-Lisa. "Hibang!!Nahihibang ka na dahil sa kakatext mo dyan sa boylet mo ."-Dianne. "Ay naku dyan kana nga, maghanap ka ng gustong kumausap sayo."-Lisa.


CHAPTER 4

Kinahapunan napagpasyahan nila Lisa at Dianne nakumain sa paborito nilang restaurant. Sakto pagkapasok nila ay namataan kaagad ni Dianne si Marc na kasama ang kaibigan nitong si Anthony. "Naku mare, parang hindi ko yata gustong kumain dito."-Dianne. "Bakit naman?Eh favorite restaurant nga natin ito."-Lisa. "Ah basta!"-Dianne. "Kaartihan mo! Lika na nga sa loob. Pansin ko lang napapadalas yang kaartehan mo sa katawan ha."-Lisa. "Ok fine! Don't make me say I told you so."-Dianne. Habang papasok sa looban ng naturang restaurant ay agad din namang nakita ni Lisa ang kaaway nitong si Marc. Taas kilay nitong nilagpasan ang lalaki at sinabi sa kanyang sarili. "Hay! Lord sana po wag naman po sanang ito ang senyales ng pagkakaibigan namin ng ugok na to.Please lord kahit sino basta wag lang sya."-pagiisip ni Lisa. Agad namang umorder ng makakain sila Lisa at Dianne. Pagkatapos nilang magorder ay pumunta si Dianne sa ladies room. At sya namang agad sa pakikipagtext si Lisa sa mystery textmate nya. "PrinceCharming(ang tawag ni Lisa kay mystery textmate):Uy! busy ka ba?"-text ni Lisa. Sakto naman pagkasend ni Lisa ng text ay agad nitong narinig ang telepono ni Marc na tumunog dahil ang inuupuan nila Lisa ay nasa kabilang booth lamang nila Marc. Nangiti lang si Marc ng makita ang text ng dalaga. "Uy brawh! hanggang dito ba naman nakikipagtext ka dyan sa babae mo na hindi mo pa nakikita?"-Anthony. Agad namang sinita ni Marc ang kaibigan upang hindi marining ng mga nasa paligid nila. "Shhh!! wag kang maingay ok, muntik mo ng ipangalandakan sa buong restaurant ang tungkol sa ka text ko eh."-Marc. "eh kasi naman, ibabamo muna yang phone mo, mamaya na ang landian ok."-Anthony. Pagkatapos basahin ni Marc ang text ay agad naman nitong nireplayan ang dalaga. "Hi Princess, hindi naman nagdidinner lang kami ng friend ko.Ikaw ano ginagawa mo?"-reply ni Marc. "Dinner lang din with my best friend."-reply naman ni Lisa. Pagdating ni Dianne ay agad namang isinilid ni Lisa ang telepono nito sa loob ng purse nya. "Oh, pasimple ka pa eh, nakikipagtext ka nanaman!"-Dianne. "Eh bakit ba?"-Lisa. "Wala lang, mare sigurado ka na ba dyan sa katext mo?Alam mo maraming napapahamak dahil sa mga textmate textmate na yan.Pagnakikipagkita na sila kung hindi napapatay, nahoholdup, narerape."-Dianne. "Ano, tinatakot mo ako? Ganun ba yon?Mare blackbelter ako ok I can handle the danger."-Lisa. "Sinabi mo eh. Eto na ang food natin kain na tayo at baka gutom lang yan."-Dianne.


Pagkalipas ng ilang oras matapos kumain ng magkaibigan ay napagpasyahan nilang umuwi. Halos sabay lumabas ng restaurant sila Lisa at sila Marc. Pagkadating sa may parking lot laking gulat ni Lisa ng makita ang kaaway nitong si Marc na papasok din sa loob ng building. "Dyos ko, dito din po ba nakatira ang tukmol na ito?Wag naman po sana."-sabi ni Lisa sa kanyang isipan. Tinignan nito ang lalaki mula ulo hanggang paa at sabay ikotmata nitong nilagpasan si Marc. Pagkapasok sa loob ng building ay agad namang nagantay ang dalawa sa elevator para paakyat sa floor nila.Bumulong naman si Lisa sa kaibigan patungkol kay Marc. "Mare, sa tingin mo dito nakatira yan?O may binibisita lang?"-Lisa. "Aba'y malay ko.Bakit hindi mo itanong kung interesado ka."-Dianne. "Eh kung binabatukan kaya kita dyan. Kaya ko nga hinihingi ang opinion mo eh dahil ayaw ko syang tanungin. Ay ayan na sya."-Lisa. At sumabay naman sila Marc at Anthony sa paghihintay sa may elevator. Ng makita ni Marc si Dianne agad naman nitong pinasalamat sa pagbibigay nito ng wine sa kanya. "Uy! Hindi na ako nakapag thank you sa'yo nung pagkalipat ko dito. Salamat nga pala sa wine ha."-Marc. Nanlaki ang mga mata ni Lisa sa sinabi ni Marc. "You mean kayo yung bagong lipat sa fourth floor?"-Lisa. "Oo ako nga, hindi ba nabanggit ng kaibigan mo sayo?"-sarkastikong pagsagot nito kay Lisa. Sa sobrang inis ng dalaga ay hindi na nakatiis at ginamit nalang nya ang hagdan para sa pagakyat. "Lisa,wait! Saan ka pupunta!"-Dianne. "Ewan ko sayo! Magsama kayo ng lalaking yan!"-Lisa.


CHAPTER 5

"Mare wait!!"-Dianne. "Wait ka dyan!"-Lisa. At patuloy na binaybay ni Lisa ang hagdanan patungo sa palapag ng kanilang unit. "Let, me explain mare ano ba?"-Dianne. "Mare naman. Alam mo namang sukdulan ang galit ko sa lalaking yun bakit naman hindi mo sinabi na sya pala yung bago nating kapitbahay?"-Lisa. "Eh bakit ano naman ang gagawin mo kung sakaling sabihin ko sayo?"-Dianne. "Eh di deadma!"-Lisa. "Deadma naman pala eh kung makapagreact ka para kang papatay ng tao."-Dianne. "Hay basta!"-Lisa. "Ano ba kasi ginawa nung tao at ganun nalang ang galit mo sa kanya?Don't tell me yung banggaan nyo sa parking lot kaya hanggang ngayon galit ka pa din don?"-Dianne. At hindi kumibo si Lisa. "Jusmio naman mare! Move on! Don't hold a grudge on him. Malay mo naman mabait yung tao."-Dianne. "Eh bakit ba sa kanya ka kumakampi?Eh di syotain mo. Loka loka ka pala eh!"-Lisa. "Mare narinig mo na ba yung kasabihan na 'The more you hate, the more you love?'"-Dianne. "Wala sa bokabularyo ko yan, bakit?"-Lisa. "Bakit ba ang init ng ulo mo? Chill sistah, gusto mo ng chill pill?"-Dianne. "Hay naku! Dyan ka na nga magpapahinga na ako."-Lisa.

SA KALAPIT CONDO NAMAN....

"Brawh! matanong lang kita, bakit ba ganun nalang ang galit sayo nung babaeng yun?"-Anthony. "Ewan ko ba wala naman akong ibang natatandaang atraso sa kanya maliban dun sa pagkakabanggaan namin sa may parking lot."-Marc. "Ano kaya kung ligawan mo yun?"-Anthony. "Puro ka kalokohan!"-Marc. "Seryoso ako noh, malay mo biglang lumambot ang puso sayo nun."-Anthony. "Gagamitin ko pa yung panliligaw ko para lang palamnbutin ang puso nya ganun?"-Marc. "Ayaw mo? Bakit kasi yan nanaman ka textmate mo inaalala mo?Dream on brawh! Tantanan mo na yang ka textmate mo. Please lang ako na naaawa sayo eh."-Anthony. "At bakit ka naman maaawa sa akin sige nga?"-Marc. "Eh kasi puro hangin na yang laman ng utak mo at feeling mo girlfriend mo na yang textmate mo."-Anthony. "Alam mo bang tatanungin ko na sya mamaya kung gusto na nyang magmeet kami.Sana lang umuo sya."-Marc. "Hay naku! Hibang ka sa pagibig ng katextmate mo! Buti pa matulog na lang tayo, antok lang siguro yang sayo."-Anthony. "Mauna ka na at itetext ko pa sya eh."-Marc.

Pagkahiga ni Marc sa kanyang kama ay agad naman nitong tinext ang ka textmate. "Hi Princess, gising ka pa ba?"-text ni Marc. Napabalikwas ng higa si Lisa ng marinig ang tunog ng telepono nya. "Oo gising pa ako, hindi lang makatulog."-reply ni Lisa. "May itatanong lang sana ako eh."-reply naman ni Marc. "Ano yun?"-Reply ni Lisa. "Gusto ko sanang makimagmeet sayo.Eyeball?"-Reply naman ulit ni Marc. Hindi alam ni Lisa kung ready na sya na makipagkita sa lalaki pero agad naman syang naglakas loob para sagutin ito. "Yah sure, when mo gusto?"-sago ni Lisa sa text. "Pwede ka ba tomorrow night? Is 8 pm ok with you? Sa Tomas Morato?"-reply naman ni Marc. Sumangayon naman si Lisa sa binata sa paganyaya nitong makikipagkita. At Sinabi din Marc ang eksaktong lugar ng pagkikitaan nila.

CHAPTER 6

KInabukasan hindi mapakali si Lisa. "Mare ano kaba kanina ka ikot ng ikot dyan, ano ba problema mo?"-Dianne. "Eh kasi mare yung katextmate ko, magkikita kami mamayang gabi. Kinakabahan lang ako. Eh baka kasi kwan eh..."-Lisa. "Ano?Indyanin ka ng katextmate mo?Kasi naman matagal ko ng sinasabi sayo, tantanan mo na ang pakikipagtext dyan. Wala kang mapapala dyan noh!"-Dianne. "Hindi naman sa ganun pero parang imbis na maging excited ako parang may kaba na hindi ko maintindihan. Ay ewan basta."-Lisa. "Isa lang solusyon syan mare."-Dianne. "Ano nanaman yon?"-LIsa. "Weh di wag mong siputin. Magtago ka sa dilim tapos pagnakita mo itsura ng katextmate mo layasan mo."-Dianne. "Puro ka kalokohan.Dyan ka na nga magaayos pa ako."-Lisa. "Ang aga pa kaya noh, di naman halata na excited ka!"-Dianne.

Bandang alas sais ng magayos si Lisa, tinext na din nya ang lalaking kikitain nya para sabihin dito ang suot nyang damit para madali nya itong makita. "Naka purple akong blouse, tapos naka taas ang buhok ko."pahayag nito sa text kay Marc. "Oh sige,hahanapin nalang kita dun. Madali lang naman akong mahanap eh, ako nalang ang hahanap sayo."-reply naman ni Marc sa text. Agad namang sumangayon si Lisa kay Marc. Bandang alas syiete y media ng dumating si Lisa sa meeting place nila. "Naku masyado akong napaaga, buti nalang at nagdala ako ng jacket medyo malamig dito sa labas, aalisin ko nalang pag malapit na yung oras ng kita namin."-Saad nya sa kanyang isip. Agad namang sinuot ni Lisa ang naturang jacket na dala. Quince minutos din syang nakatayo at naghihintay sa labasan ng may dumaang 3 grupo ng kalalakihan. "Uy! Hi Miss! Pwedeng makipagkilala?"-Tanong ng estranghero kay Lisa. "Hindi bakit? Ayoko nga!"-Lisa. "Uy pare, inayawan ka! Paano ba yan?Suplada naman yata eh."-sabat naman ng isa pang lalaki. "Ah yan naman ang hindi pupwede eh, alam mo naman ako pare ayoko ng napapahiya ako."-Sagot naman ulit ng isa. Akmang lalapitan sya ng tatlong lalaki ng biglag may bubunutin si Lisa sa loob ng kanyang bag. "Sige, lumapit ka! Subukan mo!Hindi mo alam kung sino binabastos mo."-Pagtatanggol sa sarili. Sinugod ng tatlong lalaki si Lisa at agad itong hinawakan para pagtulungan.Sakto naman ang pagdating ni Marc, na hindi nya na Lisa pala ang katext nito. Ng makita nyang binabastos ng mga kalalakihan si Lisa agad nya itong tinulungan. Unang sinuntok ang lalaking akmang hahalikan si Lisa. Sa unang pagtulong ni Marc ay sya namang agad nakakawala si Lisa at binanatan nya ng kanyang blackbelter skills ng taekwando ang tatlong lalaki. Sipa dito, sipa duon, suntok dito, suntok duon ang natamo ng mga lalaki.

Hindi nagtagal at umalis din ang tatlong lalaki na duguan at blackeye sanhi ng suntok at sipa na ibinigay sa kanila nila Marc at Lisa. "Salamat sa pagtulong mo!"-Lisa. "Wala yun!Ano nga pala ginagawa mo dito?"-Marc. "Ah wala, may hinihintay lang akong kaibigan. Ikaw?"-Lisa. "Ah ako din eh, pero hindi na siguro pupunta yun anong oras na din."-Marc. Hindi naman napansin ni Marc na si Lisa pala ang katextmate nito dahilan nadin sa suot nyan jacket na sya namang natakpan ang kanyang purple na blouse.Napagpasyahan ng dalawa na umalis nalang sa lugar na yon dahil inisip nila na baka bumalik ang tatlong lalaki na nakasagupaan nilang dalawa.

CHAPTER 7

Nagpagdesisyunan ng dalawa na kumain muna bago umuwi, duon muli sila kumain sa paborito ni Lisa na restaurant. At habang kumakain napagkwentuhan ng dalawa ang mga pangyayari nung gabing iyon. "If you don't mind me asking, sino ba hinihintay mo kanina dun?At bakit ikaw lang magisa?Diba usually kasama mo yung best friend mo?"-Marc. "Oo usually magkasama kami, pero busy sya kanina eh so ako nalang ang nagpunta tsaka kalimutan mo na yun kung sino man hinihintay ko mukhang inindyan naman ako eh."-Lisa. "Ah ganun ba?Pero saan mo natutuan yung mga ganung sipa?Blackbelter ka ba ng martial arts?"-Marc. "Taekwando! Sumali din ako sa mga competition nun pero nung teenage years ko pa yon."-Lisa. Tuluyang nagkwentuhan ang dalawa at hindi na muling napagusapan ang ngyari nung gabing yon. Hindi alintana sa dalawa ay sila dapat ang nakatakdang magkita nung gabing yon. Nagtaka naman si Lisa kung bakit hindi padin hanggang ngayon nagtetext ang dapat kikitain nito nung gabing iyon. "Hmm..bakit kaya hindi sya sumipot! Mokong na yon, ngindyan! Bahala na sya sa buhay nya, ni hindi manlang nagtext para sabihing hindi sya matutuloy."-saad nito sa kanyang isipan. Samantala nawala naman sa isip ni Marc na itext ang kausap nito. Pagkatapos kumain ag dalawa ay dumeretso na sila pauwi ng condo. "Salamat talaga kanina ha!Alam ko kasi kahit papaano may atraso pa din ako sayo dahil sa mga ngyari before pero really, thank you for saving me earlier!Kung wala ka siguro kanina dun panigurado ako tuluyan na akong napahamak."-Lisa. "Wala yun!Sorry din dahil di din masyadong maganda inasal ko nung una tayong nagkita."-Marc. "Sige pasok na ako sa loob, thank you again! Seriously, I can't thank you enough."-Lisa. "Sige pasok ka na."-Marc.

Pagkapasok naman sa loob ni Lisa ay bakas naman sa kanyang mukha ang kasiyahan, kaya naman hindi alintana kay Dianne ang muntikan ng mangyari sa kaibigan. "Uy! Ang saya mo mare, ano ngyari sa eyeball nyo ng katextmate mo?"-Dianne. "Ah yon?Ayun! inindyan ako."-Lisa. "Inindyan ka?Eh bakit parang ikaw na yata ang kauna-unahang tao na nakita kong masaya pagkatapos indyanin ng kausap nya?"-Dianne. "Ah, Wala! Ang weird nga eh, kasi kanina muntikna akong mapahamak. May tatlong lalaki na nambastos sa akin kanina, may balak yatang reypin ako kanina pero buti nalang nandun si Marc."-Lisa. "Si Marc?Ano naman ginagawa nya dun?"-Dianne. "Ewan ko diin eh, may hinihintay daw syang kaibigan nya, buti na lang talaga sakto dumating sya nung time na yon, kundi siguro mare natuluyan ako kanina."-Lisa. "Mare, naniniwala ka ba sa destiny?"-Dianne. "Destiny?Ulol mo! Hindi na uso yan!"-Lisa. "Eh kasi naman tignan mo nalang ha, una kayong nagmeet sa parking lot nung inaway mo sya. Tapos pangalawa what are the odds, kapitbahay na natin sya ngayon, next door neighbor pa to be exact. Tapos nakita natin sya dun sa favorite restaurant natin. Then ito naman ngayon yung ngyari sayo kanina. Don't you think talagang pilit kayong pinagtatagpo ng tadhana?"-Dianne. "Hay naku mare ikaw yata hibang! Pero infairness mabait naman pala yung tao."-Lisa. "Bakit mo naman nasabi yan?"-Dianne. "Eh kasi kung hindi sya mabait di na sana nya ako tinulungan kanina tapos nagaya pa syang kumain kanina for dinner."-Lisa. "Ayiii!! Mare ha ikaw ha!Yung totoo, type mo sya?"-Dianne. "Ewan ko sayo, kahit kailan ka hindi ka matinong kausap. Ewan ko ba kung bakit naging best friend kita."-Dianne. Sabay alis ni Lisa. "Suplada naman nito."-Dianne.

CHAPTER 8


Bago natulog si Lisa naisipan nyang i text sana ang katextmate pero binalewala na din nya dahil sa naisip na baka nga inindyan na sya talaga nito. Samantala ganun din ang naisip ni Marc ang hindi nalang itext ang katextmate. "Para ano pa, ni hindi man lang nagtext kanina para sabihin na hindi sya sisispot."-saad ni Marc sa kanyang isipan. Mula noong gabing yon, ayun na ang umpisa ng magandang pagkakaibigan nila Marc at Lisa. Madalas na din silang lumalabas na apat kasama sina Anthony at Dianne. At hindi naman maikakaila ang tuluyang pagiging close nila Marc at Lisa. Dahil sa tuwing silang apat ang magkakasama, tila parang silang dalawa lang palagi. "Mare, nanliligaw na ba yang si Marc sayo ha?"-Dianne. "Echosera ka noh? Hindi kaya!"-Lisa. "Echosera ka dyan, eh bakit parang ayaw nyo ng maghiwalay palagi?"-Dianne. "Masarap lang talaga kausap yung tao."-Lisa. "At no ibig mong sabihin kami ni Anthony hindi?"-Dianne. "Hindi naman sa ganun pero alam mo yung feeling na kahit hindi mo pa ganung katagal kakilala yung tao pero parang sobrang tagal mo na syang kilala."-Lisa. "Ah in other words, in love ka dun sa tao ganun ba?"-Dianne. "Ganun ba yon?Sinabi mo eh."-Lisa. "Aaayy!! Infairness hindi ka nagdeny this time. Ibig sabihin ba nyan kung manliligaw si Marc sayo,may pagasa yung tao sayo?"-Dianne. At tanging ngiti lamang ang iginanti dito ng kaibigang si Lisa. "Ay syiett naman mare, kinikilig ako sa inyo.Pero paano naman yung si textmate mo?'-Dianne. "Ewan ko sa kanya, itetext ko nalang sya next time. Ayaw ng magparamdam eh."-Lisa. "Ah so wapakels ka na lang dun sa tao ganun?"-Dianne. "Tama!"-Lisa.

Sa kabilang dako naman ay napagusapan din ng magkaibigang Anthony at Marc si Lisa. "Brawh, ano nanliligaw ka na ba kay Lisa?"-Anthony. "Ako? Maybe"-Marc. "Anong maybe?Meron ba nun?Oo o Hindi lang tapos ikaw maybe, showbiz ka?"-Anthony. "I mean maybe dahil di ko pa naman alam eh, sa ngayon I wanna get to know her more."Marc. "Eh praning ka naman pala eh, kaya ka nga manliligaw so you'll be able to get to know her more."-Anthony."Ok naman sya eh, mabait nga actually than my first impression of her.Maganda pa."-Marc. "So may balak ka nga?"-Anthony. "Ininterrogate mo ba ako?"-Marc. "Ayaw mo pa kasing aminin eh. Sino ba inaalala mo?Si textmate?Eh hindi na nga nagpaparamdam sayo yung tao, tapos ni MMS ng picture nya di nya magawang i send sayo ng makita mo naman itsura nya. Hindi mo nga alam tunay na pangalan nun eh. Paano kaya brawh kung ask her nalang for her real name tapos i search mo sa net kung ano itsura nya.Or kung may criminal background ba yun."-Anthony. "Dami mong sinasabi, dyan ka na nga!"-Marc.


CHAPTER 9

Kinabukasan napagpasyahan ni Marc na itext na ulit ang kanyang katextmate upang magpaliwanag at itanong muli kung pwede silang magkita. "Kamustan na?"-pabungad na text ni Marc. Nagulat naman si Lisa sa natanggap nyang text mula dito. "Aba, buhay papala 'tong mokong na 'to.hmmm...sige ma text back na nga kaawa eh."-saad ni Lisa sa isipan nya. "Ok lang naman ako. Ano nga pala ngyari sayo nung gabing magkikita tayo?"-reply naman ni Lisa. "Nagpunta ako kaso hindi ko alam kung nalate ako dahil pagdating ko dun, wala ka naman."Marc. "Wala?Nandun kaya ako, di lang ako kaso lang di masyadong nagtagal dahil may emergency lang."-Lisa. "Eh yun naman pala eh, pero kung gusto mo kung ok lang naman sayo, pwede ba ulit tayong magkita?"-Marc. "Magkita?Saan naman"-Lisa. "Bukas, same place, same time."-Marc. "Sure, pero this time I think it's better kung isesend ko nalang sayo picture ko para naman just incase eh, ikaw unang makakita sa akin lapitan mo nalang ako."-Lisa. Laking tuwa ni Marc ng malaman na sa wakas makikita na din nya kung ano itsura ng ka text nito. "Sige ba sure, send it to me nalang."-Marc. "Sige wait mo send ko na ngayon."-Lisa. Lingit sa kaalaman ni Marc, habang hinihintay nya ang muling pagtetext ni Lisa ay may isang lalaki sa gilid nyang kanina pa tinititigan ang telepono nya. Nung may pagkakataon, agad hinablot ng lalaki ang kanyang telepono at tuluyan ng nagpakalayo. Hindi naman na nahabol ni Marc ang naturang lalaki. Sa sobrang pagkadismaya, hindi nya alam kung ano ang kanyang gagawin. Dahil na din hindi nito alam kung ano itsura ng babaeng kikitain nya.

"Shit!!!"-pabungad na salita ni Marc ng makauwi ito. "Why brawh?Ano ngyareh sayo?"-Anthony. "Ninakaw yung cellphone ko."-Marc. "What?Saan?Paano?"-Anthony. "Ok lang sana kaso shit naman! Bakit ngayon pa?Magkikita ulit kami ng katextmate ko,pagkakataon ko na sanang malaman kung sino sya at kung ano itsura nya ng may biglang kumuha ng cellphone ko."-Marc. "Naku brawh! hayaan mo na yang phone mo, bumili ka nalang ng bago. Ibebenta lang din naman sa iba yun."-Anthony. "Hindi naman pwedeng ganun ganun nalang yon. Tagal ko ng ka textmate yun.Sisiputin ko sya kaso nga lang hindi ko alam kung ano mukha, di ko din alam kung ano suot nya.As in wala akong idea."-Marc. "Problema ba yun?Weh di magtanung tanung ka pagdating mo dun."-Anthony. 'Eh di nagmukhang tanga naman ako nun."-Marc. "Bakit may iba ka pa bang choice?Kaysa naman iba ang magpakilalang ikaw."-Anthony. "Bahala na si batman pagdating dun."-Marc.

Samantala sa laking pagtataka naman ni Lisa ng hindi na muling magreply ang katext nito kanina. "Hmm, ano kaya ngyari dun?Hindi nanaman nagreply pagkatapos kong isend yung picture ko.Hay naku bahala na nga, basta pupunta ako bukas at paghindi nanaman sya ulit nagpakita sa akin. That's it pancit na talaga! I'm dont texting him pagdipa sya ulit sumipot."-saad nito sa kanyang isipan. Ang hindi alam ni Marc ay ang lalaking nagnakaw ng kanyang telepono ay sya ring nagtangka ng masama kay Lisa.


CHAPTER 10

Ng mamataan ng magnanakaw ang larawan na ipinadala ni Lisa via MMS agad naman nitong namukaan ang babae. At tuluyan na din inusisa ng lalaki ang telepoho ni Marc. "Pag sinuswerte ka nga naman."-saad ng lalaking dumukot ng telepono ni Marc. "Bakit ano meron pare?"-tanong naman ng kaibigan nito. "kasi naaalala mo yung babaeng magaling sumipa?Yung nakita nating nung minsan sa may labasan sa Tomas Morato?"-tanong naman nito ulit sa kaibigan. At ipinakita na nga nya sa kaibigan ang litrato ni Lisa na agad din namang nitong namukaan. At nagbalak ang dalawa na puntahan ang meeting place ni Lisa at ng naturang ka text nito. Pero sa pagkakataon na tito ay nagsama pa sila ng dalawa pang lalaki. Kinabukasan kahit hindi alam ni Marc kung ano itsura ng babaeng kikitain nya ay tumuloy pa din sya. Samantala si Lisa naman ay excited na din na sa wakas magkikita na din sila ng naturang katextmate nito. Hindi man ito nagreply sa kanya pero masaya pa din sya nung araw nayon.

7:45 ng makarating si Lisa sa meeting place nila, ang hindi naman nito alam nasa loob si Marc at nauna na ng dumating kaysa sa kanya. At dahil hindi alam ni Marc ang itsura ng babae, agad naman itong naglibot at nagtanong sa mga nanduon sa lugar. Samantala si Lisa naman ay naghihintay pa din sa kauap, ng biglang sumulpot ang mga kalalakihan na dati ng nagtangkang halayin sya. Laking gulat naman Lisa ng makita ang mga ito. "Bakit kayo nandito?Ano ginagawa nyo dito?Aba at nagsama ka pa ng iba ha?"-Lisa. "An lakas ndin naman ng loob mo noh?Hindi mo ba nakikita?Mas madami kami kaysa sayo?"-Saad naman ng lalaki. "Hindi nakukuha sa dami ng kasama yan"-Lisa. "Sino hinihintay mo?Si Prince Charming?"-tanong ng lalaki sa kanya. At natulala si Lisa sa kanyang narining.Hindi nakapagsalita at parang tila namatanda ang itsura nito. "Oh, akala mo hindi ko kilala si Prince Charming?Ako yung hinihintay mo?"-Saad ng lalaki sa kanya. Sakto naman at narinig ni Marc ang mga katagang binitiwan ng lalaki at nakita din nyang nanduon si LIisa. Nagulat si Lisa ng muling makita si Marc duon. "Marc, ano ginagawa mo dito?"-Lisa. "Mamaya na tayo magusap, paalisin muna natin ang mga ito dito."-Marc. "Oh, ano Princess, ako nga si Prince Charming, nagustuhan mo ba itsura ko?"-tanong ulit ng lalaki kay Lisa. "Anong ikaw si Prince Chanrming, ako kaya si Prince Charming."-sabat naman ni Marc sa lalaki. Laking gulat ni Lisa ng marining nya ang sinabi ni Marc. "Oh ano, naibenta mo na ba yung ninakaw mong cellphone sa akin?Kanino mo binenta?"-Marc. Tinignan ni Marc si Lisa dahil kanina pa ito hindi nagsasalita. Hindi naman alam ni Lisa kung ano ang magiging reaksyon sa mga narinig mula sa binata.



CHAPTER 11

Napabalik sa realidad si Lisa ng makita nitong sinuntok si Marc ng dalawang lalaki. Tila napuruhan si Marc, kaya naman nagsitakbo ang mga ito papalayo sa kanilang dalawa. Hindi alam ni Lisa kung ano ang gagawin, mabuti nalang at kahit papaano may taong tumulong sa kanya na isakay si Marc sa taxi upang madala nya ito sa ospital. Ilang oras din bago nagising ang binata magmula sa pagkakabugbog sa kanya. At unang mulat ng kanyang mga mata ay si Lisa agad ang kanyang nakita. "Nasaan ako?"-Marc. "Shhh!!Nandito ka sa ospital."-Lisa. "Bakit?Ano ginagawa ko dito?"-Marc. "Napuruhan ka yata ng mga nambugbog sayo at nawalan ka ng malay kanina. Pero sabi ng doctor ok ka daw and in just a few hours pwede ka ng lumabas."-Lisa. "Hindi ka ba nila sinaktan?Nasaan na sila ngayon?May nakahuli ba sa kanila?"-Marc. "Saka natayo magusap tungkol dyan ang importante makapagpahinga ka."-Lisa. Uupo na sana si Lisa ng biglang hinawakan ni Marc ang kanyang mga kamay upang pigilan ito. "Lisa?"-Marc. "Oh bakit?"-Lisa. "Thank you!"-Marc. "Wala yun,ako nga dapat ang magpasalamat eh.Dahil sa pagtulong mo, ikaw pa tuloy yung napuruhan"-Lisa. "If I have to do it over, I would. Kung kinakailangan lagi kitang kasama malayo ka lang sa pahamak I won't have the second thought, gagawin at gagawin ko pa din yun. kasi mahal kita."-Marc. Napatigil si Lisa at tinignan nito ang binata. "Ano sabi mo?"-Lisa. "Sabi ko mahal kita!Mahal na mahal!"-Marc. Ngumiti lang si lisa at yinakap ang binata.

Makalipas ang ilang bwan naging magkasintahan din sina Lisa at Marc. Maganda naman ang naging relasyon ng dalawa. Pagkalipas ng mahigit tatlong taon ay pinaplano na din ni Marc na magpropose kay Lisa. "Brawh!! what do you think of this?"-Marc. At sabay pinakita sa best friend na Anthony ang singsing na binili nya para kay Lisa. "Wow! Anlaki ng bato brawh. Baka naman himatayin si Lisa sa laki ng diamond ng singsing na yan.-Anthony. "I know she'll love it."-Marc. Tinawagan naman ni Marc si lisa upang yayain ito na kumain ng dinner. Since memorable sa kanilang dalawa ang paboritong restaurant ni Lisa, duon din napagdesisyunan na dalhin ni Marc si Lisa. Agad namang pumayag ang dalaga sa imbitasyon ni Marc. Pasado alas syiete ng dumating silang dalawa sa restaurant. Pero ang hindi alam ni Lisa ay meron ng inihandang surpresa si Marc para sa kanya. Naisipan ni Marc na ilagay ang engagement ring sa isang cake na hugis puso. At may may nakasulat na "Will you be my textmate for life?". Kumain ang dalawa ng kanilang dinner at ng matapos ay sinenyasan ni Marc ang waiter na oras na para ilabas ang dessert. Hindi agad nakita ni Lisa kung ano ang laman ng dessert dahil nakatakip ito. Bago pa man buksan ito ay inumpisahan na ni Marc ang kanyang wedding proposal kay Lisa. Hinawakan ni Marc ang mga kamya ni Lisa. "Lisa, i know matagal tagal na din tayo and I want you to know na, I really appreciate everything you do for me. Kahit hindi na tayo magkatextmate lang, you still never fail to send me sweet messages everyday. Any man would be so lucky to have you and I am very Lucky to have you."-Marc. Tumayo naman si Marc sa kinauupuan nito ang binuksan ang nakatakip na dessert at duon tumambad sa dalaga ang red velvet cake na may singsing sa ibabay.Lumuhod naman si Marc sa harap ni Lisa at tinanong ang dalaga...."Will You Marry Me?Will You be my textmate for Life?"-Marc. Naluha naman si Lisa sa kanyang nasaksihan, at hindi mapigilan ang kasiyahan sa kanyang mga mata. "Yes! Yes! I will marry you."-Lisa. At lahat ng mga tao sa tanurang restaurant ay di napigilang maging masaya para sa dalawang magkasintahan.

Makalipas ang isang taon, ay nagpakasal na din ang dalawa. Gaya ng madalas nilang pagusapan nuon ay natupad na din ang dream wedding nila.Hindi nagtagal ay nasundan pa ng supling ang kanilang pagsasama at dahil duon naisipan nilang magasawa na lumipat na din ng tirahan na angkop sa kanilang pamilya.
*Maraming salamat sa pagtilik muli ng isa pang makahulugang istorya na aking sinulat.*
**Sa panahon ngayon, usong uso na ang pakikipagtextmate. Palaging tatandaan na magiingat sa mga taong pinapadalhan natin ng mga personal nating impormasyon. Lalo na at hindi natin ito lubos kilala. Maraming mga tao ang namamatay ng dahil sa pakikipag eyeball, marami ding kababaihan ang narerape ng dahil dito. Kung ang isang tao ay talagang nakatakda para iyo, tadhana na mismo ang gagawa ng paraan na para kayo ay paglapitin. **

No comments:

Post a Comment