Sunday, March 27, 2011

GOODVIBES REHEARSAL

 
Araw ng hwebes kung kailan ginaganap ang rehearsals ng Goodvibes crew. Ito rin ang araw na hinding hindi makakalimutan ng mga cast ng naturang show. Unti-unti ng nagdatingan ang mg cast since 2 pm panaman ang call time nila ay meron pa silang 30 minutes to spare para makipag usap sa kapwa nila teens. Maagang dumating si Sam kaya naman inaantay nito si Devon na dumating para kamustahin ang dalaga since halos wala ng pahinga ito dahil sa taping nya para sa Mula sa Puso. At sakto naman ilang minuto ang lumipas ay dumating na din si Devon.
"Hi Devs!" bati si Sam sa dalaga. "Uy! Ano balita?" tugon naman ni Devon. Napansin ni Sam na tinatawag ni Quen si Devon at ng makita ito ng dalaga ay agad namang umalis si Devon ng hindi nagpapaalam kay Sam. "Saan pupunta yun? Ok din ah, nagsasalita pa ako itong si Quen kung makatawag parang walang kausap si Devon." Sabi ni Sam sa kanyang isip. Imbes na magalit ang binata ay binalewala nalang nya at naisip na kausapin nalang si Devon mamaya pagtapos ng rehearsal.
Pero di nya maisawan na hindi magselos dahil sa pagiging sobrang close ng dalawa at parang tila silang dalawa lang ang tao sa dance room. Agad namang pinuntahan ni Arron si Sam dahil napansin nito na parang nagiba ang timpla ng mukha ni Sam . Di naman linggid sa kaalaman ng mga malalapit na tao kay Sam na gustong gusto nito si Devon pero mas minabuti nyang ilihim nalang sa dalaga dahil alam nitong hindi pa handa si Devon sa isang relasyon. "Brawh! Are you ok? parang nagiba yata ang itsura ng mukha mo? galit ka ba?" Tanong ni Arron sa kaibigan. "Ha? wala ito brawh , medyo naasar lang ako kasi kinakausap ko pa si Devs kanina pero parang nawala ako sa harap nya nung tinawag sya ni Quen. Pero ok lang maysasabihin lang sana ako kay Devs eh."Tugon naman ni Sam. "Ah! inshort nagseselos ka? hahahaha aminin mo na brawh,yung asar na nararamdaman mo eh selos yan kasi tingin mo ngayon eh mas binibigyan ni Devon ng pansin si Quen kaysa sayo." Pangaasar naman ni Arron. "Selos? siguro! Hindi ko alam. Pero sandali lang brawh ha, kakausapin ko lang si Devon." At agad agaran namang umalis si Sam ng hindi nililingon si Arron at pumunta sa kinaroroonan ni Devon at Quen.
"Devs, can we talk please?"Tanong si Sam kay devon at bigla nitong hinila ang dalaga sa gilid para makapagusap. At wala namang nagawa ang dalaga kundi sumunod nalang dahil nahila na sya ni Sam papalayo kay Quen. "Talk? tungkol saan ba yan? at parang hindi maantay ang mamaya?" Tanong ni Devon kay Sam."May itatanong lang sana ako sa iyo, sana naman hindi mo ako pagtawanan."Seryosong sabi ni Sam. "oh sige go na! bilisan mo at malapit na tayong magumpisa." sabi ni Devon. "Is there something going on between you and Quen? Nanliligaw ba sya sayo?"Tanong ni Sam kay Devon."Ha? saan mo naman nakuha yang idea na yan? hahahaha huy wala noh!"Tugon ng dalaga. "Eh di tinawanan mo nga ako!" pikon na tugon ni Sam. "Eh kasi naman yang tanong mo eh, nakakatawa. parang meron kang gustong sabihin na ayaw mo lang sabihin. Bakit kasi di mo pa ako diretsuhin eh. Kung ayaw mong tawanan kita, sabihin mo na ang gusto mong sabihin." Biglaang pagtaas ng boses ni Devon na sya namang ikinatahimik ng lahat at walang nagawa ang iba kundi panuorin at tignan ang dalawa.
"Gusto mong malaman? Kung ano talaga gusto kong sabihin sayo?" Pagtaas din ng boses ni Sam. "Eh ano nga? hindi ko malalaman kung di mo sasabihin, kung makapagsalita ka daig mo pa ang nagseselos na boyfriend eh.Kung ayaw mong sabihin eh di 'wag! Hindi naman ako ang may gustong sabihin eh. Ikaw yun!" Galit na tugon ni Devon na bigla namang tinalikuran si Sam. Wala ng ibang magawa si Sam kundi hilahin ang dalaga sa kamay at sabay nitong hinalikan sa labi ang dalaga na ikagulat ng lahat ng nasa silid. Pagtapos ng pangyayari ay tulala ang itsura ng mukha ni Devon at tila ang tanging nagawa nalang ni Sam ay titigan ang dalaga. "Sam, bakit mo ginawa yun? nakakahiya sa mga nakakita."Tanong ng dalaga kay Sam. "Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Devs, I Love You! The first time we met, I knew there's something special about you. You're not like any other girls. To me you're very very special. And I just want you to know that I Love You Very Much!" Pagaamin ni Sam sa dalaga. Nashock naman ang dalaga sa pagtatapat ni Sam sa kanya at hindi alam ang sasabihin. Ideny man nya sa lahat pero sya lang ang nakakaalam kung ano talaga ang nararamdaman nya para dito.
Since matagal tagal na din silang magkaibigan at palaging magkasama, di naman maitatanggi ang closeness ng dalawa dahil sa palagi nilang pagkikita sa rehearsal ay sila pa din ang magkasama after. Kaya naman hindi man sabihin ni Devon sa iba ang nararamdaman nya para kay Sam ay alam naman ng lahat ang totoo. Tanging bulong ang naitugon ni Devon sa binata. "Ang arte mo! Sige na nga I Love You Too.!!" na sya namang ikinasigaw sa tuwa ni Sam.

1 comment: